Chapter 7

13 0 0
                                    

Chapter 7

The Question

"I'm so disappointed with you, Miss Leviste" yun lang ang naintindihan ko sa buong sinabi ng head ng discipline committee.  Hindi ako nakatingin sa kanya kundi sa bakanteng upuan na nasa harap ko.  Lahat sila nakatayo sa may bandang pinto ng office.  Sina James, si Asher, at yung tatlong batid kong officer din ng student council.  

"Kung ano man pinagmulan ng gulong 'to, hindi yun dahilan para mag spray nito sa mukha ng isang tao.  Especially in this university."  pinakita niya sakin yung confiscated na pepper spray.

"This just got out of hand." dagdag pa niya.

Patago kong nilingon si Asher.  

I feel anger towards this guy now.  At kapag galit ako, mas lalo ko siyang gustong makuha.  Gusto kong angkinin.  

Lahat ng bulalas ni Asher kanina ay puro judgments against me.  Dahil lang sa estupidang pepper spray.  I hate when people judge without even looking at the bigger picture.  Yan ang problema sa mga tao ngayon, laging uunahin ang pang huhusga dahil tingin nila alam nila ang lahat pero ang totoo, they refuse to know the whole truth simply because they don't care.  

Kinunot ko ang noo ko nang nakita kong iba ang tinitignan niya.  Sinundan ko kung saan o ano iyon at napagtantong nakatingin siya sa braso kong namumula at bahagyang nagdudugo.  Sa itsura palang alam mong mahapdi dahil bakat parin yung marka ng kuko nung babae.  

Nang matapos akong sermonan, pinalabas na din naman kami.  Nauna yung tatlo kasama si Asher samantalang si James naman ay lumapit sakin.

"What the hell happened?" 

Hindi ko siya pinansin, instead tumingin ako kay Asher na nakapamulsa at nakatingin pa din sa mga sugat ko sa braso.

"You might like to check the CCTV footage, detective.  Baka sakaling nakukulangan ka pa sa ebidensya na sinasabi mo.  Check mo lang, para lalo mo'kong idiin." hamon ko sa kanya

That was bitter but I have to take it out of my system. 

Nagkasalubong ang paningin namin nang sinabi ko iyon.  Kumunot ang noo niya at bumuntong hininga.  His eyes are deep.  Mas nadedepina iyon dahil sa makapal niyang kilay.

Hahamunin ko pa sana siya at naramdaman kong pipigilan na din ako ni James pero huli na ang lahat.  He grabbed my unwounded arm.  Magaan ang pagkahawak niya doon.  Madali niya akong nahila at napatianod kasama niya.

Nanigas ang braso ko na hawak hawak niya.  Bumilis ang tibok ng puso ko at halos hindi ko maiproseso ang nangyayari.

Tatlong hakbang ang nagagawa ko sa kada isang hakbang niya. Tahimik na ang halos buong Salem university dahil karamihan sa mga estudyante ay mga nakauwi na.  Walang mga matang nakatutok. Where is this guy taking me now?  

Nasagot ang tanong ko nang nakarating kami sa clinic.  Pumasok kami doon at nakasalubong kami ng short hair na babae na may bangs.  Si Aleina.  Bumagsak ang tingin niya sa kamay ni Asher na nakahawak sa braso ko.

"Asher." aniya 

Tinignan niya ako, pabalik kay Asher at pabalik ulit sa kamay ni Asher.

"Nagdurugo yung kaliwang braso niya." ani Asher

Tumingin ulit sakin si Aleina pababa sa braso kong nagdudugo.  Actually, natuyo na nga.  This is fine now.  Bakit kailangan ko pang pumunta dito?

"Uh-h sige.  I'll help her." boluntaryo ni Aleina

Maingat na kinuha ni Aleina yung braso ko mula sa pagkakahawak ni Asher.  I saw how she pouted her lips when their skin touched.  Nagtaas ako ng kilay.

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now