Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Does He Care

I picked up my things while smirking. Pagharap ko ulit, he is a foot away from me. Napakurap ako ngayong malapit siya sa akin. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi na ako makapagsalita. Naamoy ko ang pabango niya na siyang nagkumpirma na malapit nga si Asher sa akin. Direkta ang mga mata niya sa akin at dahan dahang tumingin pababa at pabalik ulit sa mga mata ko.

He tempted to snatch the paper out of my hand. Buong pwersa kong inilag ang kamay kong nakahawak doon at tagumpay naman akong nailayo sa kanya. Tumalikod ako at pinunit ang piraso ng papel. Walang pag aalinlangan kong ipinasok sa neckline ng blouse ko yung papel.

Halos marinig ko ang mga kuliglig sa paligid.

Ilang segundo kong pinroseso ang mga nangyari. Napagtanto kong nakakulong ako sa mga bisig ni Asher ngayon. Naramdaman ang init ng katawan niya sa likod ko na siyang dahilan para tumibok ang puso ko. Malakas at mabilis na tibok.

Are these heartbeats still because of nervousness and anger? Or something else?

"Fuck" he cursed

Naramdaman kong mabilis siyang lumayo sakin. Naging maingat siya nang ginawa niya iyon na tila ba para akong isang baso na mababasag kapag hindi iningatan.

Nakatingin ako sa sahig habang nililingon siya. Tumikhim siya at hindi ko alam kung bakit ako  umiwas ng tingin. Sinubukan ko ulit na ilapat ang tingin ko sa kanya.

Nakita ko siyang iritado nanaman.

"You are not going, Miss Leviste."

Umirap ako, "Magui."

Nalaglag ang panga niya sa reaksyon ko.

"Hindi ka pupunta." Diin niya at bahagyang lumapit ulit sa akin.

Pinanatili ko ang mga braso ko sa aking dibdib, iniisip baka kunin niya yung minutes of the meeting. Yeah Magui, as if makukuha niya pa eh nasa loob na ng blouse mo!  Uminit ang pisngi ko nang nahuling nakatingin siya doon.

"Hindi. Ka. Pupunta. Miss Leviste. " Ulit niya nang mas madiin

I smirked as I shot my left brow up. "Magui."

Narinig ko ang buntong hininga niya na mas nagpalaki pa ng ngiti ko.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita

"Officers lang ang inaatasang pumunta dun aside from the passers."

"Okay." Sarkastiko kong sabi

"Kapag pumunta ka doon.."

"Are you threatening me?"

Mabilis na ang paghinga niya sa puntong ito. Man, I find this thrilling!

"Kapag pumunta ka doon, hindi ako maniniwala sa napanood kong CCTV footage."

Nabingi yata ako sa huling parte na sinabi niya. Alin daw? Napanood saan? Sa CCTV footage? Pwedeng pakiulit?

"What?"

Umirap siya. Dumistansya pa siya lalo sa akin at medyo malapit na siya sa pintuan ng S.C room. Hinintay ko siyang dugtungan ang mga naunang sinabi. Not taking my eyes off of him. Mas naging attentive na din ako sa pakikinig at baka may hindi nanaman ako maintindihan sa mga susunod niyang sasabihin.

"I'd watch sa CCTV footage."

Halos malagutan ako ng hininga

"You're right. She attacked you first."

Totoo ba 'tong narinig ko? Did he really?

"All you did was to defend yourself."

I'm speechless at this point. Hamon ko lang naman yun sa kanya. I wanted him to check the CCTV footage hindi para ipamukha sa kanya na mali siya ng hinusgahan. Kundi para makita niya ang buong pangyayari.

It was just a mere challenge. Wala akong pakielam kung icheck niya ba o hindi.

Pero...

Hindi ko naman akalain na gagawin niya talaga iyon.

Sa dinami dami ng mga suntukan, sampalan, at sabunutan na nakuhanan sa mga CCTV footage ng Salem University, why bother to check mine, De Leon? Usually, ang head ng discipline committee ang gumagawa nun at hindi president ng student council! Though pwede niyang gawin but, why bother checking mine?

"Pinanood mo?"

Hindi siya sumagot. Para bang mapapahiya siya kapag sinagot niya yung tanong ko. Ramdam ko na ang galit niya. He is now someone who is pissed that wants to explode.

"Why?" I asked him after a few minutes of silence

Huminga siya nang malalim at umambang magsasalita pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Instead, umigting ang kanyang panga at walang pasintabing lumabas ng student council room. Nanatili ang tingin ko sa pintong hindi tuluyang nasara.

Ilang minuto pa bago ako kumilos. Kinuha yung bag kong nahagis kanina sa sahig. Nakahawak pa din ang isang braso ko sa aking dibdib.

Unbelievable, Magui.

Lumabas na din ako ng S.C room at ng campus. May date si James ngayon kaya kailangan kong magpasundo sa driver. Though I can manage to go home by myself but, right now, mas gugustuhin kong magpasundo at magkulong sa kwarto ko para subukang isolve ang palaisipan na ito.

Because he has no reason to do that. To check that damn footage. Why would you do it if you're not even the head of a discipline committee?! Sa pagkakaalam ko sa patakaran ng S.U, discipline committee dapat ang gumagawa nun!

Nang dumating ang sasakyan, agad akong sumakay para makauwi na. My mind was preoccupied the entire trip. Hanggang sa makauwi ako. Pagpasok ko palang ng bahay, namataan ko agad si daddy sa may bar table sa may dining. Lumapit agad ako sa kanya.

"Hi, dad." Bati ko sabay beso sa pisngi

"Hi hija, how's school?"

"Good, uhm, magkakaroon po ng celebration party for the Maharlika internship passers." Hilaw akong ngiti nang bumalik ulit sa akin ang mga pangyayari sa student council room. Napatango si daddy sa sinabi ko.

"akyat po muna ako." Sambit ko. Dumiretso agad ako sa kwarto ko nang tumango siya.

Sumalampak ako sa kama ko pagkasara ko ng pinto. Tinitigan ko ang kisame at nagsimulang balikan ang mga nangyari.

There is really something I don't get here.

I was involved in a girl fight yesterday, and he judged me. I asked him to check the CCTV footage because I was wrongfully accused but I didn't expect him to 'really' check it because firstly, he's not the head of the discipline committee. And second, alam kong wala siyang pakielam.

I was confident to challenge him like that because I know he doesn't care at all. Kahit kailan, alam kong hindi niya panghihimasukan ang mga issue ng ibang tao.

But this? Isang malaking palaisipan.

The way he admitted that he did watch the footage, bakit parang... kabaligtaran? Parang nagmamalasakit. Does he care about what really happened? Does he care...no way!

Iniisip ko palang, napapangiti na ako. For some reason, I like where this is heading.

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now