Chapter 8
Details
Kinabukasan, hindi ko inaalis ang tingin ko sa bawat pag ikot ng kamay ng orasan ng classroom. Heto nanaman ako, hinihintay na matapos ang kada period para maka attend ng meeting mamaya. Pumasok man o hindi yung dalawang absent kahapon, alam kong makakasama pa din ako sa meeting dahil wala si *ehem* Lou
"Miss Leviste! Kung kahapon ka pa may LBM, dapat ay hindi ka na pumasok ngayon!" sambit ng prof kong nangpuna sakin kahapon.
Bumagsak ang panga ko nang umalingawngaw ang sigaw niya sa bawat sulok ng silid. Uminit ang pisngi ko nang marinig ang halakhak ng mga kaklase ko.
"Why are you so restless?" Iling niya at inayos ang mga papel sa kanyang lamesa.
"Sorry po."
Sinubukan kong ituon ang atensyon sa mga lectures, at activities na pinagagawa ng mga sumunod na professor. Tama, dapat hindi ko pansinin ang oras para hindi ako matagalan. Dapat abala ako sa ibang bagay para hindi ko mapansin ang pag takbo ng oras.
"Slow down, Mag- o tignan mo!" agad akong inabutan ni James ng maiinom.
Umubo ako nang umubo nang mabilaukan pa nga! Paano kung makita ako ni Asher dito? Coughing like a dumbass? Nakakahiya! Baka imbes na magawa ko ang planong pag iinis sa kanya ay pagtawanan pa ko!
Nasa cafeteria na kami ngayon dahil lunch break. Tinanggap ko ang tubig at sinubukang kalmahin ang sarili. Bahagya pa kong umubo at nagtago sa kaharap kong si James. Malapit pa naman kami sa entrance ng cafeteria kaya makikita ko kung sino sino ang mga papasok.
Malaki ang katawan ni James. I'm not saying this because I'm a friend of his but because I can clearly tell that he does have a well-built bod. Na kahit hindi siya mag topless sa harap ko, alam kong siya yung tipong laging nagagawi sa gym.
"You okay?" bahagya siyang natawa
Umumbo ulit ako "Yeah, thanks."
Pag angat ko ng tingin sa kanya ay sakto namang namataan ko si Aleina na pumasok sa cafeteria kasama ang mga kaibigan niya. Nagkatitigan kami nang bahagya pero mabilis niyang iniwas yung tingin niya. What was that? Pinagmasdan ko din ang mga galaw ng mga kaibigan niya at nang nagtugma ang mga paningin namin ay batid kong nagbubulungan.
Nagtaas ako ng kilay.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila nang lumapit sila samin ni James. Nakita ko kung paano niya pinatahimik ang mga kaibigan niya nang makalapit sila samin.
Well, usap usapan naman ngayon ang pepper spray issue sa buong campus and I literally don't give a fuck about it. So baka yun ang pinagbubulungan ng mga 'to.
"Uhm, remind ko lang Magui. May meeting tayo with the student council after class." I can sense bitterness. Parang gusto niyang isuka ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Okay." Ngiti ko
"Kaso ikaw nalang, hindi na kasama si James. Pumasok na kasi yung dalawa pang officer ng S.C."
Nilingon ko si James at nakita ko kung pano kuminang ang mga mata niya. Oh right! Matutuloy niya na nga pala yung date niya kaya laking tuwa niya nalang na hindi makasama mamaya.
"Thanks, susunod nalang ako." Sambit ko
Tumango at tinalikuran na din ako. Nagbubulungan parin ang mga kaibigan niya nang naglakad palayo. As I've said, the pepper spray issue is all over the campus. Una, dahil officer si Lou ng Student Council, at pangalawa, involve si Asher.
Involve someone whose name is Asher De Leon in this university, malamang magiging laman ka ng tsismis ng ilang araw.
Umiling nalang ako at hinarap si James na may kausap na sa cellphone niya. Kausap na ang ka date niya at mukhang itutuloy ang lakad mamaya.
YOU ARE READING
Captivity in His Eyes
RomanceSinaktan ka na pero bakit nagawa mo pa din bumalik.? Tinulak ka na palayo pero bakit nagawa mo pa din siyang tagpuin? Sa kanya na mismo nanggaling yung "umalis ka na." pero kanino ka bumagsak sa huli? Sa kanya pa din. Bakit? Dahil sa pride? reve...