Chapter 6

15 0 0
                                    

Chapter 6

You're Responsible

Submission of Data Collection Analysis on Dec. 14

Nagsi singhapan ang mga kaklase ko sa sinulat ni Sir Rafal na professor namin sa Accountancy. Siya din yung nagpaskil ng successful qualifiers kanina ng Maharlika.   As I've said, hawak niya ang mga business rooted courses gaya ng Accountancy. Iniyuko ko ang ulo ko sa desk ko.  Hindi ko na yata kaya. Kumikirot na yung ulo ko. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Kung pwede lang burahin sa kalendaryo ang Dec. 14, matagal ko nang ginawa.

"Sir wala na bang extension?" si James

Kahit ito lang maadjust please. Kahit matapos ko lang yung paperworks at maintindihan ko nang buo yung context para sa defense okay na ko.

"Oo nga sir!"

"Sir baka naman."

"Sir kahit next week oh, bago yung celebration party para sa seniors na pumasa sa internship ng Maharlika." 

Agad kong inangat ang ulo ko at sinabit ang takas na buhok sa tenga. Celebration party? Para sa seniors?

May mga sumipol pa. Wait, what? There will be a celebration party? Ngayon lang yata nag pa andar ang student council ng ganto. 

"I'm so sorry class, kaya nga Dec. 14 ang ginawa kong deadline to give way sa preparations para sa celebration party."

Narinig ko ang bahagyang pagtili ng mga kababaihan.

Agad akong nagtaas ng kamay para magtanong. 

"Sir, kailan po yung said event?"

"Sa ngayon, wala pang date. If I'm not mistaken, uh, Aleina, tama ba you'll meet with the student council this afternoon?"

"Yes po sir, pero nag rerequest po si De Leon ng dalawa pang volunteer na additional staff.  May ipapagawa daw po."

"Miss Leviste."

Lahat sila napatingin sakin.

"Sumama ka sa meeting later."

Napakurap ako sa sinabi niya.  Kung sineswerte ka nga naman.

I got so close to Asher kanina sa hall, kung saan nasaksihan ko ang pagngisi niya sakin, tas ngayon? Laking pasasalamat ko dun sa kulang talaga. Kung hindi sa kanya, hindi ako makakasama sa meeting!

"Isama mo si Mr. Santillan."

"Huh sir, akala ko volunteer?" depensa pa ni James

"Wala namang problema kay Ms. Leviste, sayo may problema ba?"

Nagkatinginan kami ng James. Matalim ko siyang tinignan and I smirked nang makitang hindi na halos maipinta ang mukha niya. Akala niya makakatakas siya ah. Ah basta, may meeting mamaya with the S.C ft. Asher De Leon.

"Wala po." mahinang sagot ni James

"Good.  Again, December 14, submission of your data collection analysis.  Class dismissed." Ani Sir Rafal kasabay ang pagtunog ng bell.

Tumakbo ang oras. Sa tuwing titingin ako sa orasan, pakiramdam ko may lalabas na laser beam mula sa mga mata ko. Ang tagal mag uwian!

"Miss Leviste! Ano ba't nagmamadali ka!" Napagalitan pa nga

"Sorry po."

"Gusto yata magbanyo ma'am." Halakhak ni James

Uminit ang pisngi ko.  Asshole! Matalim ko siyang tinginan dahil bahagya ding natawa ang iba.

Ilang pag ikot pa ng kamay ng relo ang hinintay ko nang sa wakas ay uwian na! Finally! Agad kong niligpit ang mga gamit ko. 

"Magui! Meet tayo mamaya para sa thesis?" tanong ng kagrupo ko

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now