Chapter 1

22 0 0
                                    

Chapter 1

You Know Me, Asher

Nakikipagtawanan siya sa tatlong lalaking kasama niya. Napawi iyon nang nagtama ang tingin namin.

Ngumiti ako. Kumunot ang noo niya at binalot kami ng katahimikan. Lahat na sila ay nakatingin sakin.

You know what, I've always like this. Yung halos hindi na mawala ang tingin ng mga tao sakin. Yung halos mabali ang mga leeg nila sa paglingon sakin. But it doesn't matter. As long as I got my eyes on him, wala na kong pakiealam sa iba. Siya at siya lang.

Tinanggal ko ang shades ko. Namilog ang mga mata ng lalaking kasama niya. Siya? Hindi ko maipinta ang mukha.

"Hi ex, long time no see." bati ko kay Asher

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang nakita ko ang nag aalab nag alit sa kanyang mata. Dumadami na ang mga tao sa paligid pero eto parin ako, nakikipagtitigan sa kanya. Go on, Asher, try me. Alam kong bibitaw ka rin.

Hindi niya ako binigo. Umiwas siya ng tingin. Umirap ako at unti unting lumapit sa kanya.

"Mukhang lolokohin nanaman ni Magui 'tong si Asher." Dinig ko mula sa nagkukumpulang mga tao. Asher licked his lower lip. Bahagya siyang yumuko. Matalim kong tinignan ang nagsabi nun. Nilapitan ko siya. Bawat hakbang ko palapit ay hakbang niya palayo.

"What did you just say?"

"u-uh, wala Magui.."a

"Gusto mo bang istapler ko yang bibig mo?"

"Concern lang naman ako kay Asher baka kasi—"

"Uhh I see, concern. Why? Are you dating? Ikaw na ba ang sumunod sakin?"

"I mean ex ka nalang naman ni Asher baka kasi masaktan mo—" Namilog siya sa sinabi niya.

"What if I'm his ex? You think you have that permission to be concern?" tumaas ang boses ko

"Sagot!"

Mababaw ang luha ng kung sino mang babaeng 'to "Asher.." tawag niya na parang gusto niyang may magligtas sa kanyang knight in shining armour.

"Wag mong titignan si Asher! He's mine!" Susugod na sana ako para sabunutan siya pero naramdaman kong may mahigpit na nakahawag sa braso ko. Sa lakas niya ay nagawa niya akong maalis doon para ipasok ako sa passenger seat ng aking Porsche.

"What the? What the fuck Asher?" pumipiglas ako habang sinusubukan niya akong suotan ng seatbelt. "Okay I've got it! I've got it!"

Mabilis ang hininga ko. Pumasok siya at pumwesto sa frontseat. His scent hit my nostrils, kumalat iyon sa sasakyan ko. I've been longing for this scent. I've been longing for him. Hindi ko idedeny iyon.

"You're driving my car."

Hindi siya umimik. Nananatili ang galit sa kanyang mata.

"You're driving my car!" bahagya kong nilakasan ang boses ko

Wala parin siyang imik. Nakita kong umigting ang kanyang panga.

"Excuse me, what makes you think na pwede mong manenuhin ang sasakyan ko. Pinuntahan at hinintay kita ng isang oras and now I'm on the passenger seat? You're the girl here Asher, pull over."

Hindi parin siya umimik.

"pull over." Bahagya nagtaas ng boses

"I SAID PULL OVER!!"

Halos mauntog ako sa salamin ng sasakyan ng kumaliwa siya. Hindi pa ako nakaka recover mula sa gulat then he stepped on the gas.

"shit!" matalim ko siyang tinignan, nakita ko ang pagaalala sa kanya na parang gusto niya magtanong kung okay lang ako pero ang mga mata niya ang nagpapahiwatig sakin. Nakita ko kung paano bumalik sa galit ang kanyang ekspresyon. Mahigpit siyang kumapit sa manibela at diretso lang ang tingin sa daan. I can see him trying his best to catch his breath. Para siyang bomba na konti nalang ay sasabog na.

I wanna push him to his limits. But not this time. Mas pinili kong pagmasdan ang mala anghel niyang mukha. Funny to think that how a person can look angelic even though he's got anger in his eyes. Maamo parin siyang tignan. Sinaulo ko ang perpektong features ng kanyang mukha. His smokeless eyes, long lashes, perfect nose and jawline, and lips.

May kung anong kirot na naramdaman ako sa puso ko. I've been longing for him but now that he's here, parang gusto ko siyang sigawan! Gusto kong magalit! Gusto kong magaway kaming dalawa! Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari and why we ended up losing each other!

"Do you have a death wish, asher? Pull over and let me drive!"

"Damn it Magui!" hinampas niya ang manibela

Nagulat ako sa reaksyon niya.

"Did you just yell at me?"

Huminga siya ng malalim. Ilang sandali bago siya kumalma. Nag aalab ang galit ko I wanna fight with him but there's something stopping me. Probably the fact that I'm now his ex. Wala na ako sa lugar. Dahil ngayon, meron nang dingding sa pagitan namin. I want closure. Pero baka hindi ngayon.

Binalot kami ng katahimikan, pinahupa ang tensyon. Ilang sandali naming hinayaan na ganun ang atmospera.

"Go home, Magui. San kita iuuwi? Sa mommy mo o sa daddy mo?" basag niya

"sa inyo." Hindi ako nagdalawang isip sumagot

Ilang sandali ulit siyang natahimik. Umirap ako sa kawalan.

"sa daddy mo nal—"

"kumain muna tayo, yun ang sabi mo diba? As soon as umuwi ako from New Zealand ililibre kita?"

Tumingin siya sakin, "Don't start."

"What?" sarkastiko akong tumawa

"That was three years ago."

"Exactly! Yun ang huli nating pag uusap if I'm not mistaken."

"Magui.."

"Atleast let me fulfill it. You know me Asher. Prangka ako. I know what I want. Now, sa Amelio Dines."

And that's it. That's final. He knows it. We both do.

"hindi ka parin nagbabago." Bulong niya 

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now