Chapter 10

5 0 0
                                    

Chapter 10

Us

Mabilis na lumipas ang araw dahil naging busy at abala ang karamihan.

December 14, 2019. If you can recall, ngayon ang pasahan ng Data collection analysis para sa thesis namin at ilan pang mga requirements sa ibang subjects.  Ito yung suggested date kasi intended na mag give way sa celebration party para sa MIA passers.

Useless naman yung suggested date of submission dahil itinapat din yung mismong araw ng party ngayon.  It was Quiel's idea na gawin ng Dec. 14 in the evening dahil may mga passers as well as profs na luluwas ng probinsya sa Christmas break. Ayaw naman daw nila itong palampasin dahil first time magpa ganto ang S.U.

As I've said, last day na ng sem bago ang Christmas break.  One of the few things na mahal ko sa S.U. MAAGA MAGPABAKASYON!

Actually kaninang 9am pa ako nagsimula sa mga completion ng requirements.  Desperada na akong humimlay sa paperworks dahil wala na rin akong klase the whole day.  Mamayang 5pm ang call time para sa party. Well, the main usual party na may program and all.  Then yung afterparty.

From what I've heard, pupunta na daw si Lou.  I wasn't able to track the days na nawala siya and I don't care.  She started this mess.  Pumunta siya sa party o hindi dahil isa talaga siya sa officers, pupunta pa rin ako.  Halos lahat ng mahahalagang details nasakin dahil sinulat ko yun, remember?  Pinasok ko pa nga sa blouse ko at nagsimula nanamang bumalik ang mga pangyayari samin ni Asher sa Student Council Room.

His body was behind me.  His arms were crossed over me.  His face was beside mine and I can clearly recall the way his breath touches my neck skin.

Napapikit ako sa naisip ko.

Minsan talaga eh noh.  Bigla biglang papasok sa isip and then I'll end up smiling like an idiot.

Currently it's 1pm at itong thesis nalang ang natitira kong gawain.  Just recording of groupmembers' grades and crosschecking nalang naman ang gagawin ko dito.

Bumaba ako sa sala dala yung mga kailangan ko at dun ko planong tapusin ang records ng bawat group member.  We are only four in the group kaya panatag akong mabilis ko itong matatapos.

I decided to meet my group if ever lang may questions ako sa mga inassign ko sa kanila.  Minsan kasi hindi na nila nami meet yung standards ko para sa research.  Don't blame me.  I only want what's best for my group.

Binuksan ko yung Messenger sa Laptop ko.  Ni-chat ko ang groupchat namin kung okay lang ba sa kanilang mag pa meet ako saglit.  Ilang sandali kong hinintay at may isa namang pumayag.  I created a Google Meet at sinend ang link sa kanila.

"Hintayin lang natin sila." Sabi ko sabay unmute sa mic at nagsimula nang mag crosscheck at record sa data analysis na ginawa namin.

Ilang minuto ang dumaan, pumasok naman sa meet yung dalawa ko pang ka grupo.

"Sige start na tayo.  Bale, isa isahin ko yung tasks na inassigned ko sa inyo or yung mga part na pinagawan ko sa inyo ng analysis.  Pag approved sakin, pwede nang mag leave sa meet and then ako na bahala sa grades niyo.  Basta nakita ko na nag exert kayo ng effort para gawin yung analysis na yun, at hindi basta ni-copy paste from the internet, expect na mataas ang irrecord ko na ipapasa kay Sir Rafal."

And then nagsimula na kaming maging abala.

Sa kalagitnaan ng pag rrecord at cross-checking kung na accomplish ba ng groupmates ko yung assigned tasks nila, biglang tumunog yung cellphone ko.

Unknown number:

Magui, si Quiel ito, just want to inform you na polo shirt and susuotin ng officers mamaya.  Any will do basta ma distinguish lang na officers tayo, okay?

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now