Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11

30 Minutes of Awkwardness

Mabilis akong naglakad patungo sa loob ng bahay. Huminto ako at nilingon siya.

"Hindi ka ba muna papasok?" tanong ko.

Pinagmasdan ko siyang tumingin sa relo niya bago tumango at sumunod sa akin.

Muntik ko nang mabitawan yung puto bumbong nang bahagyang matalisod.

Mabilis kong inayos ang sofa na pinwestuhan ko kanina. Sinandal ko yung throw pillow na pinantakip ko kanina sa mukha ko.

"Upo ka muna." sabi ko kay Asher na nililibot ang paningin sa bahay.

Tumango siya at umupo naman gaya ng sinabi ko.

"Lagay ko lang 'to sa kusina tapos magsasapatos lang ako."

"Take your time. Quarter to 4 palang naman." aniya.

Halos mag echo yung boses niya sa sistema ko. Ngayon hindi ko na alam kung madadala ko pa ng maayos tong puto bumbong sa kusina.

Tumalikod ako at nagtungo sa kusina. Namataan ko yung baked sushi na kinain ako kanina. Naisipan kong dalan si Asher kaya kinuha ko iyon at nagbukas ng bagong seaweed wrapper. Pinagtimpla ko din siya ng juice at bumalik din sa sala kung nasaan siya.

Dala dala yung tray, bigla akong nakaramdam ng kaba nang mamataan ulit siya. Nanginig yung mga kamay ko kaya't mas lalo kong hinigpitan yung kapit sa tray. Baka malaglag ko pa 'tong mga to, nakakahiya!

"m-meryenda." Damn it, Magui! Keep your tits together!

Hindi ko na siya nilingon at mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko. Sinara ko yung pinto at bumaluktot sa kama. Aish!

Kalma, Magui please lang!

Ano dapat kong gawin? Pwede bang dito nalang ako sa kwarto ko?

Hindi! May Diyos este bisita sa baba and it is rude kung hindi ko siya bababain!

Baka magtaka yun at nagkulong lang ako dito sa lungga ko!

Atsaka bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi ba dapat matuwa ako dahil kasama ko si Asher ngayon?!

Halos mapatalon ako sa kama ko nang tumunog yung phone ko. Kinapa ko kung saan ko ba iyon nailagay.

Shit! Nasaan!

Nang sa wakas ay nakita ko din.

"Hello!" bungad ko

"what the? Red days mo ba?! Magtatanong lang kung ano oras kita susunduin!"

Naghintay ako ng ilang segundo para kumalma. Dinaan ko nalang sa bahagyang hagikhik.

"Magui, I have a question."

Nang narinig ko yun, bahagya nang naging halakhak yung hagikhik ko.

"What?" Tawa ko at sinusubukang ayusin ang sarili sa kama.

"Are you nuts?" Aniya

Lalo akong humalakhak sa narinig.

"Huy!" Ani James sa kabilang linya

Lumakas pa yung halakhak ko hanggang sa naramdaman kong bahagyang sumasakit yung tiyan ko sa kakatawa

"Hoy anong oras kita susunduin?!"

Umubo ako, "Ikaw bahala basta before 5. Ready nanaman ako." I tried my best to be composed.

"Osige be sure na pagdating--"

"Ay wait"

And it hit me.

"Wag na pala." Hagikhik ko nanaman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now