Chapter 08: Vivre

17 14 14
                                        


August 11

Sigrid's P.O.V.

"London bridge is falling down, falling down, falling down..." kanta ko habang ilinilipat ang niluto kong bacon sa plato. Bigla ko tuloy na-miss na makantahan ni Mom ng mga nursey songs.

Speaking of nursery, parang bata talaga kagabi si Master Levi plus super weird pa. Talagang lumalawak talaga ang imagination ng mga tao kapag nalalasing. Kung anu-ano ba naman ang sinasabi. Like what the fudge? Kailan pa na-uso ang pirates sa panahon ngayon? Ano siya nag-time travel tapos saka niya nakilala ang Sevastine na 'yon? Isang malaking daebak.

If you're wondering about what happened to him last night, its pretty simple. Bigla na lang siyang bumulagta dahil sa sobrang kalasingan. BUT! A thought then popped up on my head and its kinda hard to resist. Itinulak ko siya sa pool at iniwan ang tulog na katawang lupa ni Master habang nagpo-float-float ito sa tubig then pinanood ko lang ang tila salbabida na naglalayag sa kabilang pool hanggang sa makarating ito sa kabilang dako. Chos.

Iniwan ko muna siya doon saglit at tinawag si Mirko para dalhin pabalik sa room niya. Hindi ko naman kasi alam kung saan susuot para makarating sa kwarto ng lalaking iyon at isa pa, hindi naman ako kasinglakas ni Mirko.

"Magandang umaga, apo. Mauna ka na sa sala. Doon mo na hintayin ang lolo Deavor mo. Ako na muna ang papalit sa iyo," may ngiti sa mga labing pahayag ni Lola Matilda na kapapasok lang ng kitchen.

"Good morning din po, Lola. Katatapos ko lang din naman pong magluto kaya kain na po kayo. Sumama na po kayo sa 'min next time, para po kumpleto tayo."

"Oo naman, libre na din siguro ang schedule ko next time. Sige na, ingat kayo."

"Kayo din po, 'wag pong magpapagod ng sobra," pamamaalam ko kay Lola with matching pagkaway pa. It really is a waste that we're unable to hear the mass together.

Pagkadating na pagkadating ko sa sala ay humilata agad ako nang bonggang-bongga sa sofa. Feel na feel ko talaga ang paggala ngayon dahil sa casual na suot ko ngayon. Halos dalawang linggo na rin kasi na uniform namin lang ang suot ko. Nag-stay lang ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa marinig ko na may pababa na ng grand staircase.

Automatic na napatayo ako sa aking pwesto upang batiin ang kung sino mang bababa ng hagdanan. I am expecting to see Lolo Deavor but instead, its Master Levi. Yeah, the drunk captain of the recon corps.

Pinanood ko lang siyang bumababa ng hagdan habang tahimik na sumasanaol sa utak ko. Sanaol mukhang artista kahit na kakagising lang. Hashtag woke up like this. Hashtag I am Levi Ackerman. Daig pa niya ang model na busy sa pagbaba ng grand staircase.

"What are you looking at?!" Napapikit ako ng tatlong beses nang mamalayan na nasa harapan ko na pala ang kutong-lupa kong amo. Yes, kutong-lupa. Walang namanakong sinabing mukha siyang artista kahit na kakagising lang, right? Right. Agang-aga nambubulyaw na agad. Aish.

"Good morning po, Master Levi." Medyo labas sa ilong kong sabi habang pinipilit na ngumiti. Medyo lang para hindi halata.

He walk right past me without saying a thing. I can't help but to shut my eyes trying to control my anger. Smile, Sig. Inhale. Exhale.

"Sigrid apo, nakahanda na ang sasakyan," narinig kong sabi ni Lolo Deavor mula sa likuran ko kaya agad ko siyang hinarap nang may ngiti at tumango.

"Lolo, may gamot na po ba sa hang-over si Master Levi?"

"Ah, oo. Nadalahan ko na siya kanina sa silid niya. Ikaw ba, maayos na ba ang pakiramdam mo? Kwaenchanha?" Natawa kami parehas sa korean phrase na huli niyang binanggit. It means 'are you okay?'

The Tale of AstroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon