Chapter 04: 'C' Stands for Them

18 15 3
                                    


July 28

Sigrid's P.O.V.

"Yes po, Dad. There's definitely nothing to worry about."

"Are you sure? How's he doing? Tell him to call me back after regaining his consciousness." Sinilip ko muna ang tulo laway na si Kaizo saglit bago muling humarap sa screen ng phone ko kung saan naroroon ang nag-aalalang mukha ni Dad.

"Nagpapahinga pa po siya at baka po matagalan pa bago siya magising," pahayag ko habang itinatapat sa mukha ni Kaizo ang screen ng phone.

"Magpahinga ka na din. I'll call you again after my meeting. Take care. Oh and don't forget to eat your breakfast! Bye, sweetie!" Nagpaalam na din ako kay Dad at saka ibinaba ang tawag. I can't stop myself from yawning. Aigoo~

Muli kong nilingon si Kaizo na busy pa din sa pagtulog. Kailan kaya gigising ang isang 'to? Malapit nang mag-alas nuwebe ng umaga pero nakahilata pa din siya. Sino kaya sa 'min ang tulog mantika?

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

My head automatically turned to face the door. I can't recall sharing our room with other patients so they must be our visitors. Doctors and nurses usually enter our room after three soft knocks on the door.

Ipinatong ko muna sa table ang backpack na nagsilbing unan ko kagabi bago pinagbuksan ng pinto ang tao sa labas.

"Sigrid! Are you okay?"

"Ikaw pala. Oo naman, ako pa. Teka, papaano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko kay Liam.

Itinaas niya lang ang phone niya na may halos one hundred missed calls mula kay Dad. Fudge! Pati pala siya ay binulabog din ni Dad.

"By the way, papasok naman ako mamaya sa shift ko kaya 'wag kang mag-alala," pahayag ko habang iginigiya siya sa loob. I let out a small yawn after making myself comfortable in my chair.

"'Wag ka na munang pumasok. Magpahinga ka ngayong araw. Besides, you've gotten into trouble again. Alam kong nakaka-stress ang mga ganoong pangyayari. Next time, I'll go with you. Dealing with a psychotic mother who's willing to kill her own husband? Now, that's tiresome."

Natahimik ako sa sinabi niya dahil bigla kong naalala ang nangyari kahapon. I shouldn't think about it anymore. Change topic. "Ang bilis mo namang sumagap ng balita though thanks for visiting us."

"Your always welcome. Wait a minute, tumulog ka na ba?" Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi naman ako inaant—yawn. Okay, maybe a little.

"Kailangan ko pa kasing bantayan ang lalaking 'yan. Baka kapag nagising siya ay magtaka na nasa Manila na ulit siya. I need to fill him up about what had happened," sambit ko habang inaabot sa kanya ang isang canned coffee.

"No, thanks. Pinapaiwas na kasi ako si Stel sa coffee for some reasons." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ano na naman kayang trip ni Stella at pati sa kape ay pinapaiwas niya ang isang 'to? "Before I forgot, I brought some foods incase na hindi ka pa nag-b-breakfast. Luto 'yan ni Lolo Michiko."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Talaga? Kumusta na nga pala si Lolo?"

"Still the best. Hindi pa din daw siya makapaniwala na binata na ang inaalagaan niya dati. Since next week pa naman ang uwi niya sa probinsiya nila, nagpaluto na ako ng mga favorite mong pagkain." Naalala ko tuloy kung gaano kami kapasaway dati. Mabuti na lang at nandyan lagi si Lolo Michiko para pagtakpan kami kina Dad. Hindi ko nga alam kung paano niya natagalan ang mga kalokohan namin nina Liam.

The Tale of AstroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon