Chapter 10: Kingsley's Masquerade I

12 14 32
                                    


August 14

Sigrid's P.O.V.

Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay ramdam ko na na magiging mahaba ang araw na 'to. Mabuti na lamang at walang nabali o kung ano sa katawan ko kahapon kaya nakakakilos pa rin ako ng maayos ngayon. 'Yon nga lang, medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa pagkakahampas nito sa sahig kahapon.

Also, there's this dream that keeps bugging me yesterday. Call me crazy but I just can't refrain from connecting the dots of my dreams. That guy, who suffered the same fate as me, has been in my dreams before.

'Yun nga lang, hindi ko na maalala ang mga mukha nila except sa mga nangyari sa panaginip na 'yon which is weird since hindi ako 'yung tipo ng tao na nakakaalala ng napanaginipan nila last night.

"Sigrid, iha. Your ride is ready," pahayag ni Lola Matilda at hinaplos ang buhok ko. I hugged her tight to tell her that it'll be alright. "Mag-iingat ka, apo."

Before everything gets emotional, I tried to at least lighten up the mood. "Sila po dapat ang mag-ingat sa 'kin." But yeah, to no avail.

She escorted me with my suitcase to the veranda of Master's mansion. The wednesday afternoon seems a little bit gloomier than before.

I climbed the passenger seat of the black Karlmann King only to find Master inside, who's comfortably sitting like a king with a cup of black tea. He looks... super stunning with his black suit and sunglasses. My master could pass as a hollywood actor, you know.

Halos makapanapak ako ng ipis nang tapikin ni Mirko ang balikat ko. He looks really sad and looks like he's about to cry. "Oi, bunso. Mag-iingat ka do'n, ha. Alam ko namang hindi ka na babalik per—"

Natigilan sa pagsasalita si Mirko matapos mangunot ng noo ko. Subukan niyang mang-asar at siguradong sapak ang abot niya sa 'kin.

"Anong hindi na babalik? Parang nagpapaalam ka na sa 'kin, ah? Mawawala lang naman ako ng tatlong araw para sumabak sa mission tapos wala agad? OA tayo, 'tol?" Semi-bulong kong sabi dahil baka ma-beast mode ang leon sa likod.

Napakamot siya sa kanyang... Ulo ba 'yon o paa? Jok. Basta gano'n tapos nag-focus na sa pagda-drive. "Nga pala, kumusta na ang pagda-dive mo sa hagdan kahapon? Excited ka naba talaga mag-swimming?"

"Pinaalala mo pa ang kahihiyan na 'yon. Hiyang-hiya na nga ako para sa sarili ko. Bakit ba naman kasi kinailangan pang mangyari 'yon habang kasama ko si—"

The traffic light in front of us turned red that made my mind crazy. Potek, Sig! Bakit kailangan mo pang mabanggit 'yon sa harapan ng tsismoso na 'yan?!

I tried hard to avoid his gaze but I can't. He's giving me an intriguing look that made my mind went crazy.

"So hiyang-hiya dahil si Van ang kasama mo because?"

Pakiramdam ko na nangangamatis na naman ang mukha ko pero sinubukan kong pigilan. Maging ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko ay kinontrol ko upang hindi siya lalong makahalata.

"At nalaman mo na si Van ang kasama ko last time because?"

"Obvious ba? Sinabi ni Liam kahapon no'ng hinatid ka niya sa Mansion. Sosyal mo naman, sis! May important meeting 'yung tao sa pagkaka-elect sa kanila pero ikaw pa ang inuna. Jowa ka, jowa?" Nasuntok ko siya sa braso nang dahil sa kalokohan niya

The Tale of AstroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon