Chapter 07: A Chain Laced with Death I

21 15 5
                                    




August 10

Sigrid's P.O.V.

"Good morning po, Lola Matilda," bati ko habang dumadaan sa likod niya para tumulong sa paghahanda ng breakfast.

"Magandang umaga din, iha. Nga pala, pinapatawag ka ni Deavor sa taas. May pag-uusapan daw kayo sa ikatlong palapag."

"Ganoon po ba? Sige po, tutulungan ko na lang po kayo 'pag balik ko." Matapos magpaalam sa isa't-isa ay nagsimula na akong maglakad papunta sa grand staircase.

Another bright and sunny day for everyone to enjoy. Sana naman ay hindi na maulit 'yung nangyari kahapon. It really hurts na makilala ang board of directors ng Moon Corporation ng may chocolate sa ngipin. Nakakahiya.

On the bright side, nagkaroon naman ako ng bagong friends and napakasaya nilang kasama. We ate our dinner at a restaurant last night and it's an amazing experience. Sino ba namang mag-aakala na ang CEO ng Moon Corp. ay isang kalog at carefree na guy na katulad ni Kuya Paris.

   The name Paris Santéz will surely ring a bell on anyone in the business world. Sa pagkakatanda ko, isa din 'yon sa pangalan na madalas kong nababasa sa mga files ni Dad. Maybe he's a shareholder or something. Plus, si Ate Mackon Guevarra, ang super pretty and super  bully na secretary ni Kuya Paris. A smile was plastered on my face throughout the dinner given that they fought like cats and dogs. She's even calling him 'square' because of his name. Sige, isipin mo.

It took me a few minutes before finally arriving at my destination. As usual, the hall is very clean and everything's organized. 'Yon nga lang, ipinagtataka ko pa din ang mga painting na nasa paligid. Masyado kasi silang marami at karaniwan ay imahen ng isang lalaki ang nakalagay. Iisang mukha sa iba't-ibang setting. Weird, right?

"But that's impossible! Hindi natin mahuhuli ang kadenang 'yon kung ako ang lalapit sa target." Muntikan na akong mapatalon sa gulat matapos marinig ang boses ng kung sino mang lalaki na 'yon.

Dali-dali kong idinikit ang tainga ko sa pinakamalapit na pinto dahil doon ko narinig ang boses.

"It's your problem, not ours," sagot naman ng isa pang boses ng lalaki. He sounds familiar unlike the first dude with a frog-like voice.

Idinikit ko pa lalo ang tainga ko sa pinto dahil parang tumahimik sa loob. Posible kayang nandidito si Lolo Deavor at ito ang sinasabi niyang meeting?

"Ampotekhamnida!!" I'm (a hundred percent) not freaking expecting that someone from the other side will open the door. Napasubsob tuloy ako sa kung sino mang nasa harapan ko.

Tumayo ako ng tuwid at tiningnan ng mata sa mata ang taong nasa harapan ko. He stood a few inches taller than me with a semi-muscular body. Kapansin-pansin ang sobrang singkit niyang mga mata at mala-asong ngisi. The strangest part is... he's wearing a wig and a full makeup?

"Annyeonghaseyo. Hehe." When will life stop torturing me?

***

"Hey, pareng Sigrid! Salamat nga pala sa pagligtas sa 'kin! Hindi ko alam kung papaano kita papasalamatan. Oh, eto. Tagay ka muna!" Napa-irap na lang ako sa baliw na katabi ni Lolo Deavor at nag-concentrate sa mission ko.

The Tale of AstroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon