Chapter 03: Of Broken Relationships II

16 15 9
                                    


July 27

Sigrid's P.O.V.

"We left no stone unturned yet there's still no sign of him." Kanina pang nagliligalig si Kaizo sa tabi ko habang pinagbubuntunan ng galit ang hawak niyang egg sandwich. Feel na feel pa niya ang paghilata sa damuhan habang isinasangga ang kanang braso sa ilaw ng lamp post na katabi lang namin.

   Maging ako ay napaupo na sa gilid ng cemented path dahil sumasakit na talaga ang ulo ko. Kung bakit ba naman kasi kami pa ang napili ng kidnapper or abductor or Stuart Gonzales na 'yon. We have no choice but to obey him or else we won't see Minho and Gia breathing ever again. Dumagdag pa ang time limit na ibinigay niya sa 'min. According to his text message, the transaction must be made at exactly six pm which is... twenty minutes from now. Kailangan na talaga namin silang mahanap bago pa man maubos ang oras na ibinigay niya sa amin.

   Habang tumatakbo ang oras ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Daig ko pa yata ang maha-heart attack kahit na wala naman akong sakit sa puso. Kung tutuusin kasi, parang nasa mga kamay namin ang buhay nina Minho, the main reason why we really need to act fast.

"Calm down, okay?" Humarap pa ako sa kanya at humawak sa magkabilang baywang. "Hindi naman natin mahahanap si Mr. Gonzales or kung sino man 'yon kung magmamaktol ka lang d'yan."

   Sa sobrang frustration ay diniinan niya ang pagkagat sa sandwich kaya bigla siyang napadura. "Pwe! Bakit papel na lang 'to?"

    I ignored his senseless complaint. We need to focus at our problem on hand. Sinubukan ko ulit alalahanin ang background ng pictures na ipinadala kay Tita Terese ng kidnapper. Madilim sa lugar na 'yon at mukhang saradong-sarado. Kanina pa kaming nag-ikot dito pero wala man lang kaming napansin na kakaiba sa bawat sulok ng buong place.

"Bakit kasi ang gulo niya? Pwede naman na maging direct to the point na lang siya at tumupad sa napagkasunduan para hindi na makaabala pa ng tao," paghihimutok niya habang sinasabunutan ang slightly faded rose purple niyang buhok.

"Ngayon alam mo na kung anong nararamdaman ko tuwing nandidito ka?"

"Ya! I—" Natigilan siya sa pagsasalita na parang may na-realize at napabuga na lang ng hangin. He crossed his arms in front of him and whined like a big old baby.

   Finally, tumahimik na din siya. Tinapunan ko ng tingin ang maleta na kanina ko pang kinakaladkad. Sa sitwasyon namin ngayon, daig pa namin ang lalaban sa gyera na walang dalang armas maliban sa ransom money na ipinabaon sa 'min ni Tita Terese. Kung ang ginamit ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal sa paglaban ay panulat, kami naman ay maleta. Isang average sized suitcase na kulay purple. Uppercut's request by the way.

   Though I must admit, it's really scary but is also exciting at the same time. Feeling ko tuloy nasa isa kaming movie kung saan kailangan naming makipag-transact sa bad guy para mailigtas ang hostages niya.

   Only fifteen minutes left. Nauubusan na kami ng oras at nawawala na din ako sa focus kaya sinubukan ko munang ikalma ang sarili para makapag-isip ng maayos. Sobrang dali ko pa namang ma-distract sa iba't-ibang bagay. Think, Sig. Think.

"Uppercut, if you're the kidnapper, where would you hide?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

   Napatingin siya saglit sa taas na parang nag-iisip at biglang napangiti na parang may naisip na magandang ideya. "Kung saan less suspicious but too composed, of course."

"Exactly! Pero saan naman kaya may ganoong spot sa lugar na ito?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata na parang binabasa ang nasa isip ko. I think I know where it is but I want to know if we have the same card in mind.

The Tale of AstroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon