August 09Sigrid's P.O.V.
"Kailan po niya balak magpakita sa 'kin?" tanong ko kay Lolo Deavor habang nagtatagtag ng mga tuyong dahon sa malawak na pool.
"I can't quite say. Medyo mailap din kasi siya sa mga tao dito but don't worry, iha. I'm sure you'll meet him in no time." Napatango na lang ako bilang sagot. And yeah, Lolo Deavor is really fluent in English. Gulat ka, 'no? Last time kasi, super lalim niyang mag-tagalog and never ko siyang narinig na magsalita ng english or any other language.
Lots of things have changed after my sudden employment here. Since isang linggo na din naman ako dito, madami na akong alam tungkol sa trabaho ko but then again, I haven't even met my masters.
Last time's just a prank. Remember the 'welcome to hell' thingy from that room which holds a very heavy cleanser smell? I figured out soon enough that it's just coming from a stupid intercom and no one's even inside that room except me, of course.
Given the circumstances, there's a lot of stuff going on in my head. What if my boss is a... vampire? Papaano kung lumalabas lang siya tuwing hatinggabi kaya hindi ko siya nakikita? But that's absurd considering that I met the young master before. The lunatic young master.
Natatandaan ko pa kung gaano kagaspang ang ugali niya at isama pa ang nagyeyelo niyang pananalita na terno sa maputla niyang balat—
I moved closer to Lolo Deavor before whispering something. "Lolo? Sa tingin niyo po ba, bampira ang pamilyang Moon?" Tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid.
Tinitigan niya muna ako saglit bago humagalpak ng tawa kaya nakaramdam ako ng hiya. Pabo, Sig. Pabo. "What made you think na bampira sila, apo?"
Napatingin muna ako kay Lolo saglit bago tumingin sa pool habang pinagdudikit ang mga hintuturo ko. "Ah... hehe... Isang linggo na po kasi ako dito pero hindi ko pa din sila nakikita tapos bawal pa po tayong lumabas ng mga kwarto natin bago maghating-gabi. Isa pa po, napakalamig ng boses noong young master at napakaputla din po ng balat niya. Daig na daig pa nga po ako, kaloka!"
"Dahan-dahan, apo," sambit ni Lolo Deavor habang sinesenyasan ako na lumayo sa gilid ng pool. "Mag-ingat ka at baka madulas ka r'yan, hindi pa naman ako marunong lumangoy."
I gave him a 'don't-worry-about-me' look while showing my 'muscle-less' arm. "Kahit po siguro gawin ko pa 'yong footwork na oh nana dito ay hindi ako madudul—AHH!!" Napasigaw na lang ako nang maramdaman ang pagtama ng katawan ko sa malamig na tubig.
I tried to swim out of the water but I can't. Goodness! I really can't swim!
"Sigrid, apo!!" Napatingin ako kay Lolo kahit na hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya dahil lumulubog na talaga ako. Sinubukan niya pang i-abot sa akin ang pole na hawak niya pero hindi ko na nakuha. Napalayo na ako masyado sa kanya.
Pinilit ko pa na mapunta sa taas ng tubig pero hindi ko na kinaya. Ramdam na ramdam ko ang tila paghila ng tubig sa akin papailalim.
NANI?! Is this the end of me? Oh my. Ayaw ko pang mamatay! Pero kung ito na talaga, tatanggapin ko na lang. Teka! Papaano sina Dad? Sina Kuya Roro? No! Hindi ako pwedeng sumuko na lang basta.
Hindi ko na maigalaw ang katawan ko at unti-unti na din akong nawalan ng pakiramdam. Is this the end of me?!
Before fully closing my eyes, I saw a silhouette of a man. He's reaching for me. Is he the Grim Reaper? Tagasundo ko na ba siya?
BINABASA MO ANG
The Tale of Astro
Mystery / ThrillerJoin Sigrid Canary Von Scottz, a girl who's born as a magnet of tragedies, as she unveils the secrets of the past in order to find the true meaning of life. Given her experiences, will she be able to finish narrating Astro's tale until the end? T...