Chapter 03: Of Broken Relationships I

16 16 3
                                    


July 27

Sigrid's P.O.V.

BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!

   Mag-a-alas diyes na ng umaga pero nandidito pa din ako sa tren at kaninang-kanina pa akong naaasiwa sa tunog na nanggagaling sa kung saan mang parte ng sasakyang ito. Five pa lang ng umaga ay umalis na ako sa unit para bumyahe papunta sa subway. Feel na feel ko pa naman kanina na advanced ako mag-isip dahil pinaghandaan ko talaga ang traffic pero napasimangot na lang ako nang abutin ng dalawang oras sa gitna ng kalsada. Alam ko naman na aabutin ng tatlong oras at kalahati mula Manila papuntang Batangas plus ang paghihintay pa para makasakay sa tren kaya inagahan ko na ng gising. Pero talagang pinaglalaruan yata ako ng tadhana at nasiraan pa ang sasakyan namin kanina kaya saglit itong inayos.

   Nakatunganga lang ako sa bintana habang hinihintay na tumigil ang tren sa stop nito sa Batangas. Mabuti na lang at wala na masyadong tao sa loob kaya malaya na akong nakakaupo sa kung saan mang pwesto ko gustuhin. My only problem is that I'm really sleepy.

   Someone rented the café for an engagement party yesterday so we're on full force on serving them. Eleven na ng gabi noong matapos ang celebration kaya halos twelve na kami natapos sa paglilinis ng buong place. But I soon realized that it's a blessing in disguise. Binigyan kasi kami ni Liam ng isang araw na day off dahil deserve daw namin and knowing Liam, he's still in bed by this time. Nasira kasi ang strict routine niya kaya he won't mind ruining it for another day.

   Tungkol naman kay Zhass... *sigh* I miss her. May tiwala naman ako sa police force ng Canada na maso-solve nila ang kaso niya. One week has passed already but I'm still grieving over her death. Of all people bakit siya pa? She's funny and amazing. She's like my mother and sister at the same time. Hindi pa nga niya naipapakilala ang boyfriend niya sa 'kin, eh. Nakakainis talaga. Hindi ko man lang siya maihatid sa huling hantungan niya. Sana ay mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya. Aish! Sigrid! Do not cry! You can't cry! Tumulog ka na lang. Ayaw niya na nakikita kang malungkot. Please.

   Ipapatong ko na sana ang ulo ko sa mga kamay ko para subukang umidlip nang bigla na namang may nagsalita mula sa speaker na nasa 'di kalayuan. Epal talaga. 'Pag ako umiyak dito, kasalanan talaga nila. At dahil nga wala na akong choice kung hindi pakinggan ang matinis niyang boses, hindi na ako nagtangka pang matulog. I badly need to divert my attention.

   Mukhang nakarating na naman kami sa panibagong stopover. This time, madaming tao na naman ang umokupa sa tren. Sa isang iglap ay para na namang lata ng sardinas ang sasakyan. Napatapat sa harapan ko ang isang ginang na may kargang baby kaya in-offer ko na lang sa kanya ang pwesto ko. Feeling ko naman malapit na ang destination ko mula rito at isa pa, sigurado akong nahihirapan na ang ginang sa pagbubuhat ng sanggol na dala niya.

   Oh, I almost forgot. Tito Caesar sent me a message earlier. Said he's been discharged. Sana mapapayag na niya ang guy na 'yon para hindi na siya mahirapan o magmagandang-loob na ang infamous Mr. Moon na 'yon at bigyan siya ng mas approvable na task.

   Nagulat kaming lahat nang dahil sa sudden turbulence ng sasakyan. May ilan pa nga na natumba nang dahil sa nangyari at dumagundong sa loob ang nakaririnding tili ng mga teenager na sakay ng train. Karamihan kasi sa mga umookupa dito ay mga kasing-edad ko lang. Mukhang galing sila sa isang kpop concert dahil may mga hawak silang lightsticks. Hmm... Kailan kaya magkakaroon ng concert ang BTS dito?

   Reality again, humingi ako ng paumanhin sa mga taong nasagi ko. Para kasing nag-domino effect ang pagtumba ng isang pasahero at pati ang iba ay naapektuhan. Mabuti na lang at walang gaanong nasaktan sa mga sakay kung hindi magrereklamo talaga kami. Ano naman kayang trip ng tren at nag-gimmie-gimmie pa?

The Tale of AstroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon