Chapter Twelve

6.1K 146 1
                                    

BRIAR'S POV

"Ahrgg! They totally left me here..." I groaned in frustration at nag pagulong gulong sa kama ko.

Ito palang ang unang araw na mawawala sila sa mansyon ng matagal, and I feel so bored already. Mababaliw na nga ata ako dahil wala man lang akong makausap. The maids are out of the question either, dahil kung maka layo sila sa akin ay parang meron akong nakakahawang sakit.

Para tuloy akong ewan dito. I mean halos mechanical nalang ang galaw ko sa mansyong ito. Kakain, tutulog, then gigising na naman to repeat the same process. Dun palang ay nang lulumo na ako. Hindi na rin ako mag tataka kung madadagdagan ako ng lagpas sa dalawang timbang ngayung buwan.

Ang hirap pa namang magpapayat, but then what can i do? Ni halos alikabok sa mansyon na ito ay nag sialabalutan na paalis dahil sa linis. Wala man lang akong magawa kahit pag palit ng kurtina para libangin ang sarili ko kase nag papanic lahat ng mga katulong pag nakikita nilang akong naglilinis. As if naman na ikakamatay nila yun.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nag buntong hininga. I guess I'm stuck here. At least for 3 days and so. Just thinking it make me helpless.

Ngayun lang ako nastress dahil sa boredom. I mean i am not designed to this kind of environment. I am designed for vigorous kind of environment. Mas masisiyahan pa akong mag tatakbo sa hospital for emergency kesa matengga hanggang sa mag kaugat ako dito sa mansyong to.

Out of frustration ay naiinis akong tumayo paalis sa aking kama. I was thinking on going outside pero mabilis ko iyung nalimutan ng mahagip ng mata ko ang aking laptop. Naka patong iyun sa night table ko. And talagang ngayun ko lang iyun napansin.

"Bakit ba hindi ko naisip na mag online at mag tingin tingin nalang ng chismis sa social media? Right, pati utak ko ata ay na-corrupt na ng boredom" Nabulong ko nalang sa aking sarili kasabay ng pagsapo sa aking nuo.

'Puro si Death ka nalang kase eh' Tudyo ng utak ko. Umirap lang naman ako dun dahil alam kong maiirita lang ako lalo pag nakipag talo ako sa tuyo kong utak. Agad narin naman akong lumapit sa night table ko at mabilis na dinala sa aking kamay ang laptop ko. Nag indian sit ako sa aking kama bago tuluyang mag butingting sa laptop ko.

Ilang linggo nadin akong hindi nag kakaaccess sa social media simula ng mapunta ako dito sa mansyong ito. Well probably my focus is not on it kaya ganun, at ngayun ko lang talaga narealize na namiss ko din ang mga workmates kong sakit sa ulo, back there at the hospital.

Of course Claire isn't included at all. I mean who cares for that bitch? Just remembering her make my blood boil. Pero totoong hinahanap ko ang pag bibigay nya ng thrill sa buhay ko dahil sa mga insecurities nya. I wonder tuloy kung ano ng nangyari sa bruha nayun. Well that's boredom for me, alright.

Nang tuluyan na akong makapag online ay ang daming mga message ang agad na pumasok at nag notify sa laptop ko. Ang pinaka maraming message ay from Zack. Ang iba naman ay puro mga fb friends ko na hilig makichismis sa buhay ko. Inopen ko ang message ni Zack at halos lumuwa ang mata ko nang halos 100+ message ang galing sa kanya.

"What the?" Hindi makapaniwalang bulong ko nalang at isa isang binasa ang ilan sa mga message nya.

_______________

Two weeks ago:
"Hey Bri I heard what happened. Im sorry at wala ako ng oras nayun para kausapin si direct. Where are you now?"

One week ago:
"You should have at least contact me before leaving"

Thursday at 4:09 pm
"Why did you go with them? We don't know this people if they can be trusted?"

MBS1 : My Patient is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon