Kabanata 21 -
***Pagkabasa ng mensahe ay kumaripas ng takbo si Jieun patungo sa hospital. Hindi inalintana ang mga studyanteng nabubunggo niya, basta't diretso ang kanyang tingin sa daanan. Puno ng pangamba ang nararamdaman at halos na matalisod kakamadali. Hinarangan pa siya ng guard sa school ngunit sa bilis ng kanyang pagkilos ay nalusutan niya ito.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na kritikal ang kalagayan niya. " nababahalang giit ni Jieun sa isipan habang nakasakay sa taxi.
Nanginginig ang mga kamay, panay lingon sa labas.
Palihim siyang nagdasal.
Nang makarating sa hospital ay nadatnan niya si Jaehyuk na wala sa sariling naka-upo sa labas ng silid kung saan kasalukuyang nagpapahinga si Daehee.
Bagama't tulala ay may tumutulong luha sa mga mata.
"J-jaehyuk. " tawag niya rito.
Napalingon ang binata at kaagad pinunasan ang luha nang makita siya.
"A-anong nangyare? Maayos lang ba ang pakiramdam niya? K-kritikal ba ang kalagayan...." sunod-sunod na tanong ni Jieun, tarantang-taranta.
Simula pa noong naging mag-kaibigan sila ni Daehee ay maraming nagbago sa buhay niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang lumalaban. Sabay silang lumaki, nangarap at bumuo ng masasayang ala-ala. Nasa tabi niya ito sa tuwing kailangan niya ng taong masasandalan. Kahit sobra niyang negatibo ay hindi naiirita si Daehee, sa katunayan ay pinahawa pa sa kanya ang pagiging positibo nitong personalidad.
Tinignan siya ni Jaehyuk sa mga mata, "Kakagising lang niya. Fortunately, she didn't suffer any worse injuries. "
Para bang nabunutan ng malaking tinik si Jieun sa puso, napahinga ng maluwag.
Pumasok silang dalawa sa silid. Naabutan niyang nagpapahinga ang kaibigan, gising na ito at kumakain ng mansanas. Nakabalot ng benda ang kaliwang kamay at kanang paa. Meron ding maliliit na sugat sa noo ngunit mabuti nalang at walang tinamo na malalang sugat.
Naiiyak si Jieun, dali-daling yumakap kay Daehee.
Kakagatin na sana ni Daehee ang huling parte ng mansanas ngunit natigilan siya nang biglang umiyak si Jieun sa balikat habang umiiyak.
Isinintabi muna niya ang mansanas. Marahang hinagod ang likuran ni Jieun upang patahanin.
"A-akala ko....kritikal ang kalagayan mo. Malapit na akong mahimatay sa kaba. Bakit mo ako tinakot ng ganito? " hagulhol ni Jieun, yakap-yakap ang kaibigan na parang ilang taon silang nagkahiwalay at ngayon lang nagkita.
Napangiti ang huli, hindi niya inasahang mangyayare sa kanya ang aksidenteng iyon. Kahit siya nga ay natakot, na baka huling sandali na niya sa mundong ito. "Pasensya na pinag-alala kita. But as you can see, buo pa rin naman ang sexy kong pangangatawan. " nakuha niya pang magbiro.
"Hindi naman siguro ako nagmukhang losyang sa suot kong hospital gown diba? " ngiti ni Daehee. Ganito siya palagi, dinadaan sa biro ang lahat ng nangyayare sa buhay kahit gaano pa ito kadelikado o kasama.
Napabitaw mula sa pagkayakap si Jieun at binatukan ang kaibigan, "Siraulo ka talaga. Malapit ka ngang mamatay, nakuha mo pang magbiro. " pinunasan niya ang mga luha gamit ang necktie dahil nakalimutang magdala ng panyo.
Natawa ang huli, "Hindi naman talaga ako malapit namatay. Sa totoo nga ay ako yata ang pinaka-swerteng pasahero sa loob ng bus. " giit niya.
"Bakit naman? " tanong ni Jieun. Umupo si Jaehyuk sa dulo ng kamang kinahihigaan ni Daehee upang makinig ng maayos.
BINABASA MO ANG
Within the walls of Vengeance
Historical Fiction"You fight for your freedom, I fight for revenge. " A rebel catches herself falling in love with the general while in the middle of exploiting revenge against the royal family, the enemy of their force. In result, their love story ended into bloods...