Kabanata 24 - Ignore
****Isang panibagong araw sa kaharian ng Chin-Hwa. Patuloy pa rin sa pagta-trabaho si Jihyeong at aleng Seok sa tindahan ng mga alahas kahit kulang na ng isa.
Halata ang pagiging matamlay ni Aleng Seok habang inaayos ang mga alahas. Tila lumilipad ang isipan. Malungkot pa rin sa biglaang pagpanaw ng anak.
Nag-aalalang tinignan ni Jihyeong ang matanda, simula nung unang araw na nag-bukas ang tindahan pagkatapos ng pagkamatay ni Yeji ay hindi na niya nakakausap ng matino ito.
Kaya dahan-dahang lumapit siya, bitbit ang basahang pinangpunas sa lamesa. "Alam ko pong masama pa rin ang iyong loobin dahil sa pagkawala niya. Maaari muna kayong magpahinga kasi mukhang kailangan niyo ito, ako na ho ang magbabantay at maglilinis sa tindahan. K-kaya ko naman po...." manihanong wika niya.
Dahan-dahang lumingon ang matanda sa kanya, "Kahit isang taon pa akong magpapahinga, hindi pa rin nito kayang pagaanin ang aking kalooban. Huwag kang mag-aalala sakin, alalahanin mo ang iyong mga kasamahan. "
"Tsaka alam mo ba, kahit ganun ang nangyare. Hindi ako nagsising sumali sa iyong samahan. Dahil sa sinapit ng aking anak, doon napapatunayan kung gaano talaga kasama ang hari. Dapat niyang pagbayaran ang lahat-lahat. "
Biglang bumalik sa ala-ala ni Aleng Seok ang mga araw kung saan unang napunta sa kanya si Yeji.
Kusa siyang nag-kwento. Si Jihyeong naman ay umupo sa gilid niya upang makinig. Nais rin niya kasing malaman kung paano napunta si Yeji kay Aleng Seok.
"Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon...." napatingin siya sa malayo. Binabalikan ang isang matamis na ala-ala.
"Araw ng biyernes kung saan mag-isa akong naninirahan sa munting tahanan. Mag-isa lang ako palagi sa bahay, walang kasama, walang makakausap. Subalit nung mga panahong 'yun ay padami ng padami ang mga pamilyang namamatay dahil sa gutom. Ang samahan ng mga rebelde ay hindi pa gaanong keramihan. Maraming mamamayan ang nagmamakaawa sa hari na bigyan sila ng makakain ngunit pinagsarhan lamang sila nito ng pintuan. " kabilang rin si Aleng Seok sa mga taong walang mapagkukunan ng salapi. Hindi siya nag-abalang humingi ng tulong sa hari dahil alam niyang hinding-hindi siya nito papansinin.
Habang nakikinig ay hindi maiwasang malungkot ni Jihyeong. Ayun rin kasi sa kwento ni pinuno, namatay ang ina at mga kapatid ng dalaga dahil hindi rin tinulungan ng hari. Sa halip na ang mga mahihirap ang tulungan ay iyon pang mga mayayaman o angat sa buhay.
"Nang mga sandaling iyon ay sobrang mahirap. Ngunit tila nagbago ang lahat nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Nang buksan ko ito'y laking gulat ko na lamang nang makita ang isang sanggol, iniwan sa tapat ng aking pintuan. Ayon sa nanay ni Yeji ay hindi na raw niya kayang pakainin at palakihin ang sanggol kaya isinabilin niya sakin. Isa pa, nalalapit na rin ang kanyang kamatayan. "
Siya'y napahinga ng malalim, "Si Yeji ang dahilan kung bakit nagpursige akong mamasukan ng iba't-ibang trabaho. S-siya nalang kasi ang natitirang pamilya ko kahit hindi siya galing sakin. Pinangako ko pa sa sarili ko na palalakihin ko siya ng maayos at kailanman ay sisiguraduhin kong hindi niya mararanasan ang lahat ng aking naranasan dati. Nangarap ako na balang araw ay magiging marangya rin ang buhay niya. " napaiyak siya sa mga ala-alang iyon. Sobrang sakit.
Marahang hinahagod ni Jihyeong ang likuran ng matanda. Hinahayaang ilabas lahat ng hinanakit nito.
"Nandito rin po kami Aleng Seok, handa kaming maging pamilya mo. " niyakap niya ito.
Kahit gaano ay napangiti ang matanda.
Matapos ang lahat ay bumalik sa paglilinis si Jihyeong.
BINABASA MO ANG
Within the walls of Vengeance
Historical Fiction"You fight for your freedom, I fight for revenge. " A rebel catches herself falling in love with the general while in the middle of exploiting revenge against the royal family, the enemy of their force. In result, their love story ended into bloods...