Kabanata 28 (part 1)

6 3 0
                                    

Kabanata 28 part 1 - Pagtataksil

****

Nang ako'y magkamalay, kaagad dumaloy sa buong katawan ko ang hapdi at sakit. Pinakamasakit na bahagi ay ang aking binti kung saan ako natamaan ng pana.

Inimulat ko ang aking mga mata nang mapagtanto kung anong nangyare.

Subalit hindi mga nakangising pagmumukha nina Yeong-shin ang aking nakikita.

Nasa loob ako ng isang bilangguan.

Madilim at maduming kulungan.

Halos na ako mapasigaw sa galit. Ang prinsesang 'yun! Siya ang nag-utos na dakpin ako. Marahil alam na rin ng hari kung saan matatagpuan ang mga iba kong kasamahan. Sa mga sandaling ito ay paniguradong nasa peligro ang buhay nila!

Kailangan ko silang balaan at iligtas.

Ngunit papaano?

Walang bintana rito o di kaya'y kahit anong butas na pwedeng malulusutan. Tanging bubong lang at rehas na gawa sa bakal. Maliban dyan, wala nang iba. 

Sobrang sakit din ng binti ko ngayon, kasalukuyang nakabalot ng benda. Himala at hindi ako namatay dahil sa lason na pinanghalo sa dulo ng pana. Siguro pampatulog lang ang nilagay nila at hindi nakakamatay na lason.

Napatingin ako sa tapat ng aking selda. Meron ding bilangguan ngunit walang nakakulong. Sa tingin ko nga ay nag-iisa lang ako rito. 

Walang saysay kung sisigaw ako ng tulong. Alam kong walang magmamagandang loob na tulungan ako.

Iniisip nilang lahat na kaming mga rebelde ay masasama at nais sakupin ang kanilang lupain. Walang pag-asa na merong tao na kagaya nina Aleng Seok at Yeji kung saan hindi nila kami kaagad hinusgahan.

Ang tanging makakatulong sakin ay si Haneul. . . .

Siya nalang ang pag-asa ko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang kawal. Napatayo ako, malakas na kinalampag ang rehas. "Palayain mo ako rito mga hayop kayo! Buksan niyo 'tong rehas! " umakyat ang galit ko nang makita ang nakangising kawal. Naglakad siya papalapit sakin.

"Tumahimik ka! " sindak niya sakin, pinanlakihan pa ako ng mata. 

Mas lalo ko pang kinalampag ang rehas, "Nasaan ang prinsesa? Nasaan?! Ipakita niyo sakin! "

"Hoy rebelde, hindi ba ang sabi ko ay manahimik ka? Gusto mo ata dagdagan ko pang sugat mo sa binti. " 

Gusto 'kong magwala, unti-unti akong pinapatay ng konsensya. Kapag may nangyareng masama sa mga kasamahan ko, kasalanan ko ang lahat. Kung merong buhay ang masasawi, dahil ito sa katangahan ko. 

Napaupo ako sa maruming sahig. Tuyong-tuyo ang lalamunan. Napakabigat rin ng aking katawan. Pinakalma ko ang sarili at nag-isip ng paraan upang makatakas. 

Nagbabantay ang kawal sa pintuan, siya yata ang naatasang bantayan ako rito. Hindi basta-bastang makakapasok ang kahit na sino. Malabong matutulungan ako ng mga rebeldeng nagpapanggap bilang mga kawal. 

Nasaan na ang heneral?

Kung sana'y nilayuan ko siya, hindi ito mangyayare. 

Kung sana'y inuna ko ang layunin keysa sa pag-ibig. . . . 

Dapat maka-isip kaagad ako ng paraan upang makatakas rito. 

"Hoy rebelde! " nag-angat ako ng tingin.

May dala-dalang mangkok at tubig ang kawal. Nilagay niya sa sahig. "Utos ng prinsesa ang pakainin ka. " matikas niyang wika. Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain. Hindi ko matukoy kung maaari pa ba itong kainin o hindi dahil mukhang panis. 

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon