P r o l o g u e

108 13 1
                                    


Nakasakay sa tumatakbong kabayo ang isang babae. Sa kanang kamay ay dala niya ang matulis na espada. Tirik ang araw, mainit ang panahon, sinasabayan nito ang damdamin ng babae.

Nakabalot ng tela ang kanyang mukha, tanging mga mata niyang umaapoy ang makikita. Pangalan palang niya ay paniguradong katatakutan ng hari, sapagkat ito ang karma na siyang matagal nang naghihintay sa kanya.

Nakaukit sa kapalaran ng babae ang mag-higanti. Hinding-hindi siya susuko hangga't sa makamit niya ang inaasam na hustisya.

Siya, at kanyang mga kasamahan.

Walang pagdadalawang isip na iwawasiwas niya ang kanyang espada sa kung sino man ang magtangkang humarang sa kanyang plano. Handang ialay ang sariling buhay para sa hustisya na nais makamtan.

Subalit,

Huminto sa pagtakbo ang kabayo na sinasakyan ng babae, ang kaninang umaapoy niyang damdamin ay napalitan ng kapayapaan. Kahit kailan, hindi niya pa naranasan makaramdam ng ganito.

Tila tumigil sa pag takbo ang oras.

Ang pagtibok ng kanilang puso ay iisa.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa espada.

Sa harapan ng babae, nakatayo ang isang lalaki. Nakakahumaling ang matatamis nitong ngiti. Hindi kagaya ng babae, ang mga mata ng lalaki ay puno ng pagkalito. Bagama't kilala siya bilang magiting at walang kinatatakutan, siya ay isang dakilang duwag pagdating sa sarili niyang kagustuhan. Kahit walang makikitang mga marka sa kanyang leeg, siya ay nasasakal sa utos ng hari na siyang nagpalaki sa kanya.

Paano nagtagpo ang landas ng isang magiting na Heneral at Goryeo warrior?

Kapwala sila nagkakatigan, magkalaban man ang dalawang panig na nilalabanan, silang dalawa ay nag-iibigan.

Subalit sa mundong ito, ang lahat ng ipinagtagpo ay kailangang maghiwalay.

Umihip ng marahan ang hangin.

Sa malawak na lupain ng Goguryeo, isang maling pag-iibigan ang syang magdadala ng kapahamakan at kamatayan.

Pag-ibig na dapat putulin noong una pa lamang.

Silang dalawa ang nagpapatunay na ang pag-ibig ay isang digmaan, dapat handa kang mag-sakripisyo at lumaban.

Makalipas ang isang libo't tatlong daang taon, ang kanilang naudlot na pag-iibigan ay muling mabubuhay.

Ang matagal nang nakabaon na hustisya ay muling ihuhukay.

Ang lahat ng pinagtagpo sa nakaraan ay muling magtatagpo sa kasalukuyan upang ipagpatuloy ang nasimulang labanan.

Uulitin kaya ng kasaysayan ang sarili?

Napabalikwas sa kinahihigaan ang isang babae, napaginipan na naman niya ang masalimoot niyang nakaraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabalikwas sa kinahihigaan ang isang babae, napaginipan na naman niya ang masalimoot niyang nakaraan. Hinahabol ang hininga, tagaktak ang pawis sa noo at leeg.

Hanggang ngayon, ginagambala parin siya ng kanyang itinanim na galit.

Napatingin siya sa bintana, napabuntong-hininga nang mapagtantong gabi pa.

Kinuha niya ang laptop at binasa ang huling kabanata ng kwentong sinulat.

Muli siyang huminga ng malalim. Hindi malaman kung bakit isinulat niya ang kwentong ikinuwento ng kanyang guro. May kung ano siyang nararamdaman na 'deep connection' sa storya. Sa hindi malamang dahilan, para bang nangyare sa kanya ang kwentong iyon.

Marahil ay nakikita niya ang sarili sa bida ng kwento, pareho silang naghahangad ng hustisya. Kailanman ay hindi niya magagawang pakawalan ang poot at galit.

Isiningkit ang mga mata, binasa niya ang pamagat ng unang kabanata.

Kabanata 1: Ang unang pagkikita ni Jihyeong at Haneul.


- E n d   o f   P r o l o g u e -


This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

N o t e :

The story take place in Korea----Goguryeo era and Itaewon. However,  this will be written in Tagalog and English.

E N J O Y    R E A D I N G !

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon