Kabanata 19 - "Helpless soul "
Warning: The following chapter contains scenes of sexual violence that may be upsetting for some viewers.
***Nagpapanggap bilang ordinaryong tao ang espiya ng hari, nakikihalo-biro sa mga mamamayan. Maingat niyang pinagmamasdan ang bawat kababaihan na nadadaanan niya.
Aksidenteng nabunggo ng espiya si Jihyeong.
"Paumanhin ginoo. " magalang na yumuko ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.
Napangisi ang espiya nang mapagtantong ito ang babaeng pinang-hihinalaan niya.
Bumalik siya sa palasyo kung saan kasalukuyang nagtatalo sina Haneul, Prinsesa Minah at Haring Hak-joo tungkol sa kasalan na magaganap sa susunod na buwan.
"Mahal na hari, sa tingin ko ay mas mabuti kung sa susunod na taon nalang magaganap ang kasal. " suhestyon ng heneral, pilit nitong kinukumbinsi ang hari. Gusto niya sa susunod na taon upang makapag-isip ng paraan kung paano ito takasan.
Subalit kasalungat naman ang gusto ng prinsesa, "Napakatagal ng susunod na taon. Mas mabuti kung sa katapusan nalang ng disyembre.
Napahinga ng malalim ang hari, nagtatalo rin ang isipan kung sino sa dalawa ang pakikinggan.
Nang dumating ang espiya ay napahinto sa pagtatalo ang heneral at prinsesa, napatingin silang dalawa sa espiya.
"Magandang umaga mahal na hari, mas lalong gaganda ang araw mo dahil sa impormasyong ibabalita ko sa'yo. " maangas na turan ng espiya, nakangisi.
"Ano ang balitang 'yan? " sabik na sabik ring malaman ng hari ang ibabalita ng kanyang espiya.
Ibinalita ng espiya ang impormasyong nalagap niya. "Sa halos mag-iisang buwan kong pagmamasid sa mga kababaihan ng Chin-Hwa, sa wakas ay may pinanghihinalaan akong babae na sa tingin ko ay anak ng rebeldeng si Byung-hoon.
Tumindig ang tenga ng hari sa narinig, sumilay ang mala-demonyong ngiti.
"Sabihin mo sakin kung sino. "
Natuwa ang espiya nang makita kung gaano ka sabik ang hari sa binalita, "Sa ngayon ay hindi ko pa nalaman ang kanyang pangalan ngunit ihahambing ko ang hitsura ng babaeng 'yun. "
"Kagaya ni Byung-hoon, magaling sa pag-gamit ng pana ang babaeng ito. Matangkad at makinis ang balat. Minsan ko rin siyang nakita na hinuli ang isang batang magnanakaw, humanga nga ako sa bilis ng kanyang kilos. Sa lahat ng babae ay siya lang ang kinukutuban ko dahil kakaibang kilos. Ni hindi ko pa nakita dati ang babaeng 'yun, ngayon lang. Kasalukuyang nagta-trabaho ang babaeng 'yun sa tindahan ng mga alahas, bagong maninilbihan ng matandang si Aleng Seok. " naglalaro sa isipan ng espiya ang maamong mukha ng babae samantalang mas lalong lumaki ang ngisi ng hari.
Nanigas sa kinatatayuan si Haneul nang mapagtantong si Jihyeong ang babaeng tinutukoy ng espiya.
Napatayo sa trono si Haring Hak-joo, "Manmanan mo ang babaeng iyon. Alamin mo ang lahat ng impormasyong meron. Ibalita mo kaagad sakin habang pinagtutunonan ko ng pansin ang kasal ng aking anak at ng heneral. " utos nito, bumalik sa pagkaka-upo.
Galak na yumukod ang espiya, "Masusunod ho, mahal na hari. "
Nadagdagan muli ang problema ng heneral matapos marinig ang balita ng kalbong espiya, hindi pa nga niya nahahanapan ng solusyon ang kasalan nila ng prinsesa tapos dumagdag pa ito.
Problemadong umalis si Haneul, ni hindi nagpaalam sa hari.
Napalingon ang hari sa dalawang kawal na nagbabantay sa gilid niya, "Gusto kong dalhin niyo ako ng alahas. Ipadala niyo sa aking silid ngayon na. " ma-awtoridad na utos nito at nagtungo papasok sa sariling silid.
BINABASA MO ANG
Within the walls of Vengeance
Ficción histórica"You fight for your freedom, I fight for revenge. " A rebel catches herself falling in love with the general while in the middle of exploiting revenge against the royal family, the enemy of their force. In result, their love story ended into bloods...