Kabanata 36 - When you're with her
******
Kasalukuyang nagtitipon-tipon ang mag ba-barkada sa apartment ni Daehee. Napagpasyahan kasi nilang mag sleep over.
Alas singko pa ng hapon ngunit madilim na kaagad dahil makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan mamaya. Nagluluto ng ulam si Beom-il sa kusina samantalang nagkukwentuhan ang mga babae sa sala. Gusto sana siyang tulungan kaso ayaw. Dapat daw kasi pagsilbihan ang mga prinsesa.
Prinsesa ng katarantaduhan.
"Naniwala ba kayo sa kwento ni Ms.Kim? " tanong ni Daehee pagkatapos isalaysay ang kwento ni Jihyeong kay Yuna.
"Kapani-paniwala naman. Who knows? " sagot ni Yuna tsaka nilantakan ang chicharon.
Nakaupo silang dalawa sa sahig habang nakahiga si Jieun sa sofa. Komportable kasi katabi katabi ito sa bintana.
Binaling ni Daehee ang tingin kay Jieun, "Oh ikaw, naniwala ka ba sa kwento? " tanong niya.
Hindi sumagot ang huli sa halip ay ngumiti lamang ito.
Kahit siya mismo . . . . . hindi rin sigurado.
"Pero kung ako ang tatanungin, I don't believe that story. Unless may ipapakitang proweba si Ms.Kim. Ang sabi ng lola ko, ginagawa ang kwentong ganyan upang sundin ng mga kabataan. Kaya nga na i-imbento ang mga urban legend at kung anu-ano pang kwento na pinapaniwalaan nating totoo kahit gawa-gawa lang naman. " mahabang paliwanag ni Daehee. Napatango ang dalawa.
Napatingin na lamang si Jieun sa bintana kung saan umaambon.
May point naman ang opinyon ni Daehee. She didn't want to believe that the story was true but there seemed to be energy whispering her heart and mind, telling the opposite.
Nag change topic bigla. Nalipat ito sa future nila. Insakto namang tapos na ang niluto ni Beom-il na japchae. Sa ingles ay Korean glass noodle stir fry. Nabuhayan ang lahat nang makita ang pagkain. Napabangon si Jieun at kaagad pumwesto.
Inilagay ni Beom-il ang maliit na lamesa sa gitna. Nakaupo lang sila sa sahig. Nakapwesto ang pagkain sa lamesa. Nakakahimatay ang mabangong amoy ng bagong lutong noodles.
"Jieun, prayer leader. " unang sambit ni Daehee sabay halakhak sa kaibigan.
Napairap ang huli. May bago kasi silang rules na sinet. Ito ay sa tuwing magkakaroon ng pagsasalo, kung sinong pangalan ang unang babanggitin ay magiging prayer leader. Awkward kasi sa kanila ang maging prayer leader kaya nag set ng bagong rules.
Matapos ang panalangin, nilantakan kaagad nila ang pagkain.
"Hindi niyo sinagot ang tanong ko kanina. Anong plano niyo sa future? " tanong ni Daehee habang hinihipan ang mainit na noodles.
"Tanong ka ng tanong, talk show host ka ba? " pambabara ni Yuna kaya nagbangayan ang dalawa.
"Magbabangayan kayo o kakain? " kalmadong tanong ni Jieun.
Kay bilis tumahimik ng dalawa at piniling kumain ng tahimik.
"Let me answer your question. About sa future ko, I want to own a company with Yuna. " giit ni Beom-il sabay sulyap sa kasintahan. Kinilig naman ito.
Sabay na napangiwi sina Daehee at Jieun.
"As of me, plano ko lang makasama si Jaehyuk. Maybe helping him managing the resort. At the same time, nanghihinayang ako sa dating plano. You guys still remembered my old plan? " nakangising tanong ni Daehee sa tatlo.
BINABASA MO ANG
Within the walls of Vengeance
Historical Fiction"You fight for your freedom, I fight for revenge. " A rebel catches herself falling in love with the general while in the middle of exploiting revenge against the royal family, the enemy of their force. In result, their love story ended into bloods...