Kabanata 10

12 2 0
                                    

Kabanata 10: One sided love

***

"Nahanap mo ba ang anak ni Byung-hoon? " 

Nag-uusap ang hari na si Cho Hak-ju at ang heneral ng mansinsinan. Naka-upo sa trono ang hari, seryosong nakatitig sa heneral. 

Simula nung inatake si heneral at ang mga kawal nito ay nagsimulang gumawa ng unang hakbang ang hari, iyon ay ang hanapin ang anak ni Byung-hoon na si Jihyeong. Hinala ng hari ay maaaring nagpapanggap bilang mamamayan ang naturang rebelde dahil nalaman nito ang planong pagtungo ng heneral sa Silla. 

Mabilis na tumanggi ang binata, "Hanggang ngayon ay hindi ko parin matukoy kung sino siya. " pagsisinungaling nito.

Napasandal ang hari dala ng pagkadismaya tsaka napabuntong hininga. "Sa lalong madaling panahon ay dapat nating madakip ang rebeldeng iyon nang sa ganun ay madali nating mapatumba ang iba pa niyang kasamahan. "

Habang nakikinig si Haneul sa sinasabe ng hari ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Jihyeong. Sa sitwasyong 'to ay naiipit rin ang binata, hindi alam kung hanggang kailan niya kayang magsinungaling sa harapan ng hari. Dadating ang araw na panghihinalaan rin siya nito.

"Aking ipapangako na mahahanap ko rin ang rebeldeng iyon at ipapaluhod ko mismo sa iyong harapan. " pangako ng heneral, labag sa kalooban ang sinabing iyon ngunit wala siyang magawa.

Tumayo ang hari, dahan-dahang bumaba sa trono nito upang harapin ang heneral. 

"Ang pangakong binitawan mo sa sandaling ito ay aking itatatak sa isipan. Ikaw ay aking kinupkop, pinalaki, pinakin, sinanay makipaglaban at higit sa lahat......binuhay. " seryoso niyang tinitigan sa mga mata ang binata na may halong pagbabanta.

"Kaya susundin mo lahat ng aking iuutos sa'yo, dadalhin mo sa aking harapan ang pisteng rebelde na iyon. " hinawakan ng hari sa balikat ang binata, nakaramdam ng takot si Haneul.

Noong siya'y bata, pinaka-kinatatakutan niya sa lahat ay mga halimaw.

Ngayong malaki na siya, hindi niya namalayan na ang kinatatakutan dati ay nandito lang pala sa mismong harapan.

"Masusunod....m-mahal na h-hari. " kinakabahang utas ng heneral, napalunok.

Nagngiting demonyo ang hari bago umakyat pabalik sa mataas nitong trono. 

Pagkalisan ng silid, siya'y napaisip kung paano po-protektahan si Jihyeong mula sa demonyong hari na syang bumuhay sa kanya. 

Insakto namang nakasalubong niya si Prinsesa Minah na mukhang tutungo sana sa silid-aklatan. 

"Haneul. " tawag ng prinsesa sa binata, malaki ang ngiting iginawad. 

Natigilan din ang heneral, nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya masyadong nakikita ang prinsesa dahil kay Jihyeong at sa tungkulin na rin. 

"Magandang umaga prinsesa. " bati rin ng binata sabay yukod.

"P-pwede ba tayong mag-usap sandali? " nahihiyang tanong ng dalaga.

Kaagad namang pumayag si Haneul.

Sabay silang naglalakad patungo sa silid-aklatan kung saan doon din pupunta si Prinsesa Minah. "Aking napansin na bihira nalang tayong nag-uusap..." panimula ng dalaga sa usapan. 

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon