Kabanata 17

13 4 0
                                    

Kabanata 17 - Almost a first kiss

***

Maganda ang sikat ng araw. Kagaya ng dati, abala ang lahat ng mamamayan ng Chin-hwa sa kanya-kanyang gawain. Kung merong mga batang naglalaro ay hindi nawawala ang mga tsismosang nanay. May pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa nabalitaan.

Kasalukuyang nagwawalis si Jihyeong habang nagbabantay naman ng panindang alahas si Yeji. Nasa tapat lang ng tindahan ang tatlong tsismosang nanay, sobrang lakas ng boses ng mga ito kaya hindi sinadyang narinig nila ang pinag-uusapan.

"Balita ko kaarawan raw ngayon ng heneral? " 

"Talaga ba? Naku, dapat meron tayong regalo o di kaya'y munting handa para sa kanya. "

"Kaya nga ang dalagita kong anak ang aking uutusang ipadala sa kaharian ang aming munting regalo, baka sakaling mahumaling ang heneral sa kanya. " kinikilig ang tatlong nanay.

Kay bilis nilingon ni Yeji ang kaibigan, "Narinig mo ang pinag-uusapan nila? " tanong niya.

Inilagay ni Jihyeong ang walis sa gilid pagkatapos maglinis tsaka tumabi sa kaibigan. "Hindi ko alam na kaarawan pala niya ngayon. " giit ng dalaga.

"Meron ka bang naisip na ireregalo? "

Napaisip si Jihyeong, sa tuwing may nagdidiwang ng kaarawan sa kanilang grupo ay palaging armas o sandata ang kanyang ni re-regalo. Ngayong kaarawan ni Haneul, hindi niya alam kung ano ang gusto nito. 

"Mayaman ang heneral kaya paniguradong lahat ng bagay ay meron siya. Napakahirap naman hanapan ng regalo. " pati si Yeji ay napapaisip rin. 

"Tsaka ate Jihyeong, kailangang maaga ka ring lumisan ngayon upang meron pa kayong oras magkita ng heneral. " paalala pa nito. 

Insaktong dumaan ang heneral kasama ang apat na kawal. Napatigil sa pag-uusap ang dalawang dalaga. 

Huminto ang heneral at ang apat na kawal sa tindahan. Nagsidagsaan naman ang mga taong tsismosa. Nanatili kay Jihyeong ang pares ng mga mata ni Haneul, kahit ilang beses na silang nagkita ay nahuhumaling parin ang binata.

"Ano po ang maililingkod namin sa inyo heneral? " magalang na tanong ni Yeji sabay yukod.

Dumako ang paningin ni Haneul sa mga nakahilerang alahas. Kagaya ng dati ay hindi talaga siya mahilig bumili ng mga alahas. Kunwareng bumibili siya ngunit ang totoo niyan ay nais lamang makita ni Haneul si Jihyeong. 

Habang namimili ang heneral ay panay naman pagtsi-tsimisan ng mga tao. Ang lahat ay napahinto sa kani-kanilang ginagawa, nakatitig ang mga ito sa heneral.

"Itong kaibigan ko raw ang mag-aasikaso sa'yo heneral. " mahinang siniko ni Yeji si Jihyeong, nagulantang naman ito. 

"Ako?! Anong---"

"Kung ganun, aba'y mabuti naman. Tulungan mo sana ako sa pagpili ng alahas. " abot hanggang langit ang ngiti ng binata. Akala mo naman hindi sila magkasintahan.

Habang tinutulungan ni Jihyeong si Haneul mamili ng alahas ay pasimple niyang binigay sa binata ang isang maliit na pirasong papel. Wala rin namang nakapansin dahil abala ang lahat kaka-tsismis.

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon