Kabanata 40 - Wakas
******
Jieun's POV
Parang ulan na nagsibagsakan ang mga luha ko matapos basahin ang sulat ni Mingyu. Halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman, I couldn't point out kung alin ang nanaig. Muli akong napahinga ng malalim, nasagot sa wakas ang lahat ng mga katanungang bumabagabag sa aking isipan.
All this time, Mingyu was framed by his dad and that ugly duckling Yoona.
Hindi pa tuluyang nawala ang galit ko ngunit now that I know he's actually innocent, parang nagdiwang ang aking kaloob-looban.
I feel bad because I didn't gave him another chance, hindi ko siya pinakinggan at hinusgahan kaagad ang sitwasyon. Oo nga't ilang beses na itong nangyare but all of it were just wrongly accused. Ano pa bang saysay ng isang relasyon kung sa unang pagkakamali pa lang ay susuko na kaagad?
No matter how angry my mind gets but my heart still cares. I swore to God 10 months ago na kakalimutan ko na siya, pasensya papa God but I will break that promise once again. Marupok ako, oo, aaminin ko na.
Sana kahapon ko pa binasa ang sulat na 'to. Kung di lang sana ako nag-inarte. But you can't blame me! Malay ko ba kung anong sinulat niya sa papel.
"A-ate, ba't ka po umiiyak? Eto po, may tissue ako. "
Napatingin ako sa batang babae, inabot sakin ang tissue. Oh wait, she's that little girl from earlier! Yung natakot dahil sa mura ko. Kanina pa kaya niya ako nakikitang umiiyak?
Nanginginig ang aking kamay na kinuha ang tissue, mas lalo akong naiyak dahil sa batang 'to.
"Can I g-give you a hug? " nahihiyang tanong niya, offering me her small arms.
I may have love-hate relationship with kids, but this one is an exemption. Sa tingin ko ay 10 years old pa lang siya, looks like mix dahil kulay hazel ang mga mata niya.
Lumuhod muna ako upang pantayan ang height niya tsaka malugod na tinanggap ang kanyang yakap. Tangina, hindi maawat sa pagpatak ang luha ko. Alam mo yung pakiramdam na umiiyak ka tas may nag tanong ng 'okay ka lang?' ganyan ang nararamdaman ko ngayon. I hug her even tighter as she slowly rub my back like we're been bestfriends for a long time.
My heart melts upon seeing her getting teared up too. God, these kinds of kids are precious!
"Ano pong problema ate? Ba't po kayo umiiyak? May umaway po ba sa'yo? Pwede ko silang isumbong kay daddy. " sabay turo niya sa mga magulang na naka-upo sa bench di-kalayuan. Pinagmamasdan nila kami at bakas ang tuwa sa kanilang mukha, they're probably proud that their daughter is comforting a broken human being like me.
I wipe my tears at hinawakan ang magkabilang pisnge niya. Ang sarap nitong pisilin. Parang marshmallow. "W-what's your name sweetie? " I asks instead.
"My name is Sunny. " her name is also cute, bagay sa kanya.
"Okay Sunny. I'm ate Jieun and uh, don't worry about me. Ayos lang ako, I'm fine. But I would like to ask something. Should I give this person that I loved a second chance? " hindi siguro niya maiintindihan ang huli kong sinabe dahil bata lang siya. Nakatingin lang sakin si Sunny, parang na fe-feel din niya ang sakit na aking nararamdaman.
"M-my mom told me that always give a second chance for the person who hurt and fail you. B-because if God can give us plenty of tomorrow, then why can't we do the same? " aniya na ikinalaglag ng aking bibig.
Is she actually a kid? She's wiser than me.
Isang kompermasyon ang sinabe ng batang 'to upang gawin ang nabuong plano sa aking isipan. Ngayong araw magaganap ang kasalanan. Baka nga kanina pa ito nagsimula. I have to hurry!
BINABASA MO ANG
Within the walls of Vengeance
Historyczne"You fight for your freedom, I fight for revenge. " A rebel catches herself falling in love with the general while in the middle of exploiting revenge against the royal family, the enemy of their force. In result, their love story ended into bloods...