Kabanata 7

11 3 0
                                    

Kabanata 7: The tree of life

***

Umagang-umaga, nagtsi-tsismisan ang mag-kaibigang Jieun at Daehee. Himala na maaga silang dalawa na nagising at pumasok kaya nagkwentuhan muna bago magsimula ang klase. Kung anu-anong bagay nalang ang pinag-uusapan, mula sa Kdrama hanggang sa future nila. 

Pangarap ni Yeji maging artista kahit nais ng kanyang mga magulang na maging fashion designer katulad ng ate niya. Magkatulad sila ng kinuhang course ng kaibigan. Sa kabilang banda, hindi mawari ni Jieun kung gusto rin ba talaga niya maging isang fashion designer. 

Nasa puso ng dalaga ang pagiging manunulat subalit ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya.

"Pangarap mong magka-anak ng tatlo pero bina-basted naman lahat ng manliligaw ta's hinahabol ang mga taong ayaw sa'yo. Ano ba talaga? " naguguluhang tanong ni Jieun habang nakatutok ang atensyon sa laptop, may pinapasang project sa kanilang prof.

"Kasalanan ko bang hindi ko type yung mga nanliligaw sakin. " wika ni Daehee, abala sa pag-aayos ng buhok.

Napairap ang kausap, "Kapag ipagpatuloy mo pa yang pagiging choosy mo, tatanda ka talaga ng dalaga. Ayaw ko namang ako pa ang magpapalit ng diaper mo kapag matandang ulyanin ka na." tinignan niya ang kaibigan matapos ilagay sa bag ang laptop.

Napahinto sa pag-aayos ng buhok si Daehee, "Aba, nakalimutan mo yatang may mga kalandian ako tsaka nasabe mo lang 'yan dahil may Mingyu ka na! " pabirong hinampas niya ng suklay sa braso ang kaibigan.

Lumukot kaagad ang mukha ni Jieun nang marinig ang sinabe, bumalik sa isipan niya ang pagtatagpo noong isang araw kung saan iniligtas niya ang binata mula sa matandang magnanakaw at napadpad silang dalawa sa night market. "Hindi ko nga siya boyfriend, tigas ng kukute mo. " naiinis niyang giit. Tinawanan lang siya nito.

Nahinto sa pagtawa si Daehee nang mapansing nakasuot ng hairpin ang kaibigan. "Kailan ka pa nahilig sa mga hairpin, ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyan ah! " 

Natigilan si Jieun, ngayon lang niya napagtantong suot-suot niya ang hairpin na nilibre ni Mingyu sa kanya. Naglalaro sa isipan ng dalaga ang eksenang si Mingyu mismo ang naglagay ng hairpin sa buhok niya.

"Oh? Natiglan ka dyan? " 

Napakurap ng dalawang beses si Jieun, nararamdamang uminit ang pisnge dahil sa inisip. 

"Infairness, ang ganda ng hairpin na 'yan. Saan mo nabili? " kumuha sa atensyon ni Daehee ang desinyong bulaklak ng hairpin, panluma ang estilo ng naturang bagay at ito ang mas nakapagbigay ng ganda nito.

Isinantabi muna ni Jieun ang mga iniisip, napatikhim bago sumagot. "S-sa night market. " 

Napatango-tango ang huli, plano niyang bumili rin doon dahil nainggit siya sa ganda ng hairpin na suot ng kaibigan.

"By the way, sumama ka samin this Saturday. " buti nalang naalala ni Daehee ang napag-usapang lakad.

"Saan naman? " hindi mahilig si Jieun maglakwatsa, nakasanayan niyang manatili sa kwarto at doon magmukmok buong araw.

"Hindi mo ba binasa ang gc natin? Napag-usapan naming pumasyal sa Lotte World. " giit niya. Ang tinutukoy ni Daehee na Lotte World ay isang sikat na amusement park sa Seoul kung saan madaming mga taong pumapasyal o bumibisita maging lokal man o foreigner at binubuo ito ng pinakamalaking indoor theme park sa buong mundo. Isang beses pa lang nakapunta doon ang mag-kaibigan pwera lang kay Jieun, nagkasakit kasi siya noong araw na nagyaya ang magbarkada. 

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon