Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa paglalakbay ni Krishzel. Sana tuloy tuloy lang ang pagcomment at pagvote. Lovelots Dreamers.
"Ano sa tingin ninyo ang maaaring mangyari kay Krishzel?"
"Ano kaya ang mangyayari oras na magkaharap sila si Ashton?"
Just comment down your thoughts and vote for the story.
....................................................................
KRISHZEL'S P.O.V.
"No Krishzel, hindi ako papayag na gawin mo yun. Papaano ka? Anong mangyayari sayo? Krishzel wala na bang ibang paraan baka meron pa naman. Krishzel."
Nandito kami ngayon ni Shane sa Dorm namin at isang araw na ang nakalilipas ng malaman namin ang sumpa na ibinigay kay Athena. Wala pang ibang nakakaalam ng sumpa na ibinigay kay Athena maliban saamin ni Shane. Wala akong balak na sabihin iyon sa iba dahil sigurado ako na hindi sila papayag na iligtas ko si Athena. Isa pa maaaring magdulot ito ng takot sa iba oras na malaman nila na may isang tao pa na kayang gumawa ng ganoong sumpa.
Kanina pa kami nagtatalo ni Shane dahil sa gagawin kong pagligtas sa buhay ni Athena. Wala na akong ibang choice kundi ang gawin to. Hindi ko kayang mawalan ng taong importante saakin. At makitang nahihirapan sila katulad na lamang ng nangyari kayna ama at ina. Alam kong buhay pa sila gaya narin ng natuklasan ko dito ngunit ayoko na muling maulit pa ang ganoong pangyayari dahil sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pa.
"Shane listen to me. Alam kong delikado to but please trust me. Alam ko kung ano ang gagawin ko."
Hinawakan ni Shane ang kamay ko at tumingin saakin. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya kaya naman pinunasan ko ito gamit ang kamay ko. Niyakap ko siya ngunit agad rin naman siyang kumalas.
"Krishzel, ako nalang ang gagawa. Sobrang dami mo nang paghihirap hindi ko na kayang makita ka na mahirapan pang muli. Krishzel just let me do it for you para narin sa kabayaran ko sa mga mabuting ginawa mo para saakin." Taimtim niyang saad saakin ngunit umiling ako.
"Hindi pwede Shane, hindi kakayanin ng katawan mo at sa oras na bumigay ang katawan mo pareho kayo ni Athena na mamamatay. Isa pa hindi ako humihingi ng kabayaran sa mga bagay na nagawa ko para sayo. Masaya ako na natulungan kita. Just trust me okay. I'm not gonna die."
.
.
.
.
.
.
.
Nang matapos naming pag-usapan ang ilang bagay na kakailanganin para sa pagliligtas kay athena ay nag-paalam muna ako kay Shane upang kausapin si Headmistress Jem tungkol dito. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kaniya ang lahat ng to ngunit alam ko na mapagkakatiwalaan ko siya sa bagay na to.Upang malaman narin niya kung anong klase ng sumpa ang naibigay kay Athena.
Nasa tapat na ako ng pinto ng office ni Headmistress Jem ng may lumabas mula rito kaya tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa mga taong lumalakad papalabas ng pinto.
"Mabuti nalang Ashton at okay ka na. Alam mo bang alalang alala kami sayo. Kaya don't stress yourself too much. Magpahinga ka nalang para naman tuluyan ka ng makarecover." Sambit ni Hydra kay Ashton. Habang inaalalayan si Ashton ni Harry at Andrew sa paglalakad.
Nang mapansin nila ako ay agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha nila. Ang kaninang masaya ay napalitan ng inis at galit.
"Sige na Ashton, mauna na kami ni Farrah kay Athena." Saad ni Hydra at masamang tumingin saakin sina Farrah at nauna na sila na lumakad papaalis.
Nakatayo lamang kami at walang sino man ang may balak na magsalita. Nakita kong ngumiti saakin si Harry ngunit hindi ko magawang tugunan ang kaniyang pagngiti. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sino ang dapat niyang kampihan ngunit alam ko naman na kahit pagbali baliktarin man ang mundo ay si Ashton at si Ashton parin ang kakampihan niya. Mas matagal na niyang kakilala si Ashton kesa sakin.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...