SOMEONE'S P.O.V.
Agad akong napalingon sa pinto ng aking silid ng magbukas ito. Nagtataka man ay napangiti ako dahil alam kong mabuting balita ang maririnig ko ngayon.
Lumapit ang dalawa kong katiwala at yumuko sa harapan ko bilang respeto.
"Kamahalan sa tingin ko po ay kailangan na naming simulan ang unang bahagi ng ating plano sapagkat ito na po ang araw na itinakda." Saad ng babae kong katiwala kaya naman napangiti ako.
"Kung gayon ay simulan nyo na. Siguraduhin nyo lang na magiging malinis ang lahat at siguraduhin nyong tama ang lahat ng hakbang na gagawin ninyo. " sambit ko sa kanila at umalis narin sa aking silid.
Malawak ang ngiti saaking labi dahil malapit na malapit na siyang mapunta saakin. Konting konti nalang at matatapos na rin ang aking paghihintay.
SHANE'S P.O.V.
Dalawang araw na ang nakalipas nang madiskubre namin ang ginagawa ni Krishzel. Pero sa kabila ng lahat ng yun ay hindi ako naniniwala sa ibinibintang nila laban kay Krishzel. Dahil sa kabila ng maiksi naming pagsasama ay napatunayan ko na mabuti talaga si Krishzel at kahit anong mangyari ay hindi ko siya tatalikuran dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasa posisyon ko ngayon.
Tinatanaw ko na malaking utang na loob na nakilala ko si Krishzel. Siya lang ang kauna unahang taong kumilala saakin bilang isang kaibigan at kahit kailan ay hindi niya ako pinapabayaan lagi pa nga niya akong inililigtas.
Napahinga nalang ako ng malalim bago tumayo sa pagkakaupo saaking kama. Nakaayos na lahat ng gamit na dadalhin ko sa misyon namin. Dapat ay nung isang araw pa ang simula ng misyon namin ngunit binigyan kami ni Headmistress Jem ng dalawang araw para raw maayos namin ang aming mga sarili lalo na si Ashton.
Nasabi narin namin kay Headmistress Jem ang tungkol kay Krishzel ngunit hindi ko alam kung ano ang reaction niya. Ni hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon saamin ng mapanuod niya ang video ni Krishzel.
Alam kong may itinatago sila saamin ngunit hindi ko matukoy kung ano. Naisip nga nina Hydra kahapon na baka kasabwat rin si Headmistress Jem ngunit hindi rin naman kami sigurado tungkol dun.
Dalawang araw nang iniisip ng Royalties ang tungkol sa pagtataksil ni Krishzel at kahit anong pagtatangol ko kay Krishzel ay wala parin akong nagawa. Galit na galit sila kay Krishzel lalong lalo na si Ashton. Pero ako malaki ang tiwala ko kay Krishzel. Alam kong may rason siya at panatag ang loob ko na hindi magagawang magtaksil ni Krishzel saamin.
Lumabas na ako ng dorm ko upang magtungo sa ground ng academy dahil dun ang meeting place namin. Madilim pa ngayon dahil alas tres palang ng madaling araw. Kailangan naming makaalis agad para hindi kami matagalan sa pagtapos ng misyon.
Ang misyon namin ay ibigay ang tatlong Banal na libro sa tatlong bayan na hindi na saklaw ng Gemstone Kingdom. Ang Bayan ng mga White Witch, Bayan ng mga Bampira at ang Bayan ng mga Elves. Kailangan pa naming hanapin ang kanilang mga pinuno at sa kanila ipagkatiwala ang libro.
Narating ko ang ground at napansin ko na kumpleto na pala sila. Malaki ang nagbago sa mga ugali nila at pakikitungo saakin. Dahil sa tingin nila ay kinakampihan ko pa si Krishzel ngunit masisisi ba nila ako? Si Krishzel ang kauna unang taong lumapit saakin at nakipagkaibigan. Hindi siya naging maramot saakin at palagi pa niya akong inililigtas tuwing nasa panganib ako o gulo. I love her and I trusted her.
"Sorry ha. Kung nalate ako." Nahihiya kong sambit sa kanila. Tiningnan lang nila ako kaya naman tumungo nalang ako.
"It's okay Ate Shane. Tutal wala pa naman si Headmistress Jem eh. Sabi nya ay may sasabihin daw muna siya satin bago tuyo umalis." Nakangiting sambit saakin ni Athena at lumapit saakin.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...