SHANE'S P.O.V.
Maaga akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang mag-intindi nalang. Cancel ang klase ngayon dahil sa nangyari kahapon pero kailangan kong magpunta sa mga royalties gaya ng napag-usapan kahapon na magkikita kita muna kami bago pumunta sa opisina ni Headmistress Jem.
Hindi ko alam, pero nang sabihin saamin ng secretary ni Headmistress Jem na kailangan naming pumunta doon ngayon ay nagdulot ito saakin ng kaunting kaba at pangamba. Siguro ay dahil sa nag-iisip lang ako ng malalim at kung ano anong pumapasok sa utak ko kaya ako kinabahan. Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Hindi ako sanay na makakita ng nagpapatayan but this is what the world is. You need to fight for your life even it will cause to killing.
Agad akong napailing nang dahil sa aking iniisip. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng aking dorm. Halos walang lumalabas na estudyante ngayon mula sa kanilang dorm dahil sa bilin ni Headmistress Jem na huwag munang lumbas ng dorm kung wala namang importanteng gagawin.
Naglalakad na ako sa hallway at kapansin pasin ang katahimikan ng lugar. Nakakapanibago man na ang dating maingay ngayon ay sobrang tahimik na. Palinga linga ako sa aking paligid dahil parang may kung anong o sinong nakamasid saakin. Ngunit wala naman akong makita kaya mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko upang marating ko na ang room ng mga royalties.
Ilang minuto pa ay narating ko rin naman iyon ng maayos kaya agad na akong kumatok dito.
Katok lang ako ng katok at ilang sandali pa ay bumukas narin naman ito. Bumungad saakin si Andrew at inaya akong pumasok.
"Shane, mabuti naman at nandito ka na. Umupo ka muna, intayin lang natin si Farrah pabalik narin siguro yon." Sambit saakin ni Hydra kaya tumango ako.
Naupo ako sa katabi ni Athena at ngumiti ito saakin bago yumakap.
"Ate Shane."
"Athena, ano kumusta ka na?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito saakin bago sumagot.
"Okay lang ako ate shane. Di ko alam pero kinakabahan ako eh. Iniisip ko rin si Ate Krishzel kung kumusta na sya. Matagal tagal narin nang umalis sya dito eh." Bakas sa boses niya ang lungkot ng bigkasin niya ang pangalan ni Krishzel.
Alam ko na hanggang ngayon ay nalulungkot parin si Athena dahil sa pag-alis ni Krishzel. At alam ko na hindi lang siya dahil ramdam ko na lahat kami nalulungkot dahil sa pag-alis ni Krishzel.
"Wag mong isipin si Krishzel alam ko na nasa maayos siyang kalagayan. At siguro maayos narin si Krishzel." Pang-aalo ko kay Athena and I give her an assuring smile.
Alam ko na nasa maayos na kalagayan na si Krishzel ngayon. At sana lang hindi na siya masaktan pa tulad nang nangyari sa kaniya dito.
Nag-uusap usap lang kami sa ilang mga bagay at nagkukwentuhan. Actually maayos na ang samahan namin ngayon at hindi na tulad nang dati. I'm so thankful dahil nalinis na ang pangalan ni Krishzel at nalinawan na sila sa totoong nangyari ang kaso nga lang ay masyado silang nasaktan at nagsisi sa kanilang nagawa kay Krishzel. Naaawa ako kay Ashton dahil sobra niyang sinisisi ang kaniyang sarili, I know na may kasalanan din siya kay Krishzel pero hindi naman namin siya masisisi kung bakit naging ganoon ang kaniyang ugali.
Ilang sandali pa ay dumating na din si Farrah kaya agad kaming tumayo at lumabas na ng room.
ASHTON'S P.O.V.
Masyado akong naguguluhan sa mga bagay bagay na nangyayari ngayon. At hanggang ngayon ay nagsisisi parin ako dahil sa mga bagay na nagawa ko kay Krishzel. Eventhough sinabi niya sa letter niya na huwag ko dapat sisihin ang sarili ko ay hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili ko.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...