Hi Dreamers,
Pasensya na sa matagal na pag-update. 😅
Dear Krishzel;
Kumusta naman ang pagiging lalaki sa sandaling panahon? Now that you already know what it feels like, do you want to be a guy? 😂😂
KRISHZEL'S P.O.V.
Nang maging ayos na ang pakiramdam ko at tumigil narin ang paninigas ng bagay na nasa loob ng pantalon ko ay napagdesisyunan ko nang simulan ang paghahanap kay daddy.
Nasa anyo parin ako ngayon ng lalaking kinopya ko nang sagayon ay hindi ako mahihirapang kumilos at madali ko lang mahahanap si Daddy.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at sinimulang baybayin ang mga kabayahang nakapalibot sa Dark Vill. Siguro ay kailangan ko lang puntahan ang pinakasentrong bahagi nitong lugar at doon ko sisimulang hanapin si Daddy.
Ibang iba din ang aura ng lugar kesa sa Gemstone Kingdom. Masyadong malaki ang pagkakaiba ng dalawang lugar, kung sa Gemstone Kingdom ay makulay at masaya ang paligid, dito ay tila hindi mo makikitaan ng kahit na anong sigla ang lugar. May mga nilalang din dito na hindi mo aaakalaing namumuhay.
Habang naglalakad ako ay iginagala ko ang paningin ko sa paligid. Kitang kita ko kung anong klase ng pamumuhay ang ginagawa ng mga Darkanians dito. Panay dahas ang nagsisilbing kasiyahan ng ilan.
May mga Darkanians na pilit na pinatratrabaho ang ilang nilalang na nanggaling sa Gemstone Kingdom. At dahil doon ay nakaramdam ako ng galit. Hindi dapat sila nandito dahil sa maiksing panahon ay ikamamatay nila ang pananatili nila rito dahil sa uri ng hangin na bumabalot sa kabuuhan ng lugar at sa kung paano sila tratuhin ng mga nilalang na naninirahan dito.
Agad akong natigilan nang may kung anong lumipad saaking dibdib at tila nabangga ito saakin. Agad itong bumagsak sa lupa kaya't napatingin ako rito.
Isang pixie na may suot na asul na damit ang nakita kong napaupo sa lupa habang sapo sapo nito ang kaniyang noo. Agad akong lumuhod sa kaniya at saka ko siya kinuha gamit ang aking palad.
"P-please d-don't kill me." Pagmamakaawa niyang saad saakin kaya naman napakunit ang noo ako. Tumayo na ako habang nakapatong siya sa palad ko.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya kaya mas bumakas ang takot sa kaniyang mukha. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kaniyang katawan.
"Sorry. It is not my intention to bump on you. Tumakas lang ako dun sa Darkanian na humuli saakin. Sorry please forgive me. Please dont kill me." Agad akong napalingon sa paligid at saka itinabi sa loob ng coat ko ang pixie.
Ilang sandali pa nang narealize ko na ang pixie pala na hawak ko ay ang pixie na nakausap ko noong nasa numinous woods ako.
"Ikaw ba yung pixie na nakausap ko sa numinous woods?" Tanong ko sa pixie na nakatago sa loob ng coat ko.
"What are you talking about. Ni hindi nga kita kilala at hindi rin ako nakikipag usap sa kahit sinong Darkanians." Inis niyang saad saakin dahilan upang mapairap ako sa ere.
"Its me. The one that you gave the biggest feral mushroom. And the one that you asked a riddle about mushroom." Pagpapaliwanag ko sa kaniya ngunit bakas parin sa itsura niya ang pagkalito.
"Huh? Sa pagkakatanda ko ay isang babae ang binigyan ko at hindi isang lalaki. Kaya wag mo nga akong linlangin. Teka sino ka ba?" Bakas sa boses niya ang pagkainis habang sinasabi niya iyon saakin pero binalewala ko nalang ito.
"Long story. But did you know where is my father? Can you help me find him?"
"Seriously? Sakin mo tatanungin yan. Sino ka ba? At sinong father ang tinutukoy mo? Ni hindi nga kita kilala eh, tapos tatanungin mo ako? Light creature po ako at hindi isang darkanians okay? Kaya impossibleng makilala ko ang tinutukoy mo." Dahil sa sinabi niyang iyon ay wala na akong ibang ginawa kundi ang maghanap ng pwede naming pagtaguan.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...