Hi Dreamers.
Dahil Birthday ko ngayon may update ako sa story. Hahahaha
Please enjoy the story and please do vote and comment your thoughts.
LoveLots
ASHTON'S P.O.V.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong ito. Kung dapat ba akong matakot o hindi at kung magiging masaya ba ako o hindi. Ngunit may puwang saakin na masaya ako dahil sa pagkakataong ito ay iniisip ko na makakasama ko na si Krishzel oras na mamatay ako. Pero hindi, ayoko namang mamatay ng ganito. I should fight until my very last breath.
Sinubukan ko pang manlaban ngunit agad akong nakatanggap ng isang malakas na tadyak saaking likod kaya agad akong tumilapon.
"Aacckkk." I groan as my body hit the ground.
Sinubukan ko pang tumayo ngunit dahil sa lakas ng pagkakatama ng likod ko ay nahirapan ako. Akmang tatayo palang sana ako ay muli akong makatanggap ng isang malakas na suntok dahilan upang muli akong matumba.
Nalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa pagputok ng labi ko. Sobrang lakas ng suntok na natanggap ko kaya nahirapan akong makabawi.
"Ashton. You think you can still fight us with that condition?" Mapang uyam niyang saad saakin. Ngunit napangisi ako sa kaniya at pinilit na tumayo.
"What do you think of me? Weak? I'm not a weak just like you moron." Pagkasabi ko noon ay biglang nagbago ang kaniyang itsura maging ang ngisi sa kaniyang labi ay nabura.
Now he's totally angry. Agad niya akong inatake gamit ang kaniyang kapangyarihan at sinubukan ko naman itong ideflect gamit ang sarili kong kapangyarihan ngunit sadyang mahina na ang aking katawan kaya hindi ako nagtagumpay.
"AAAHHHH." napadaing ako nang maramdaman ko ang pagtama ng atake niya sa braso ko.
Napaluhod na ako dahil sa sakit ng katawan ko at hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya saakin at muli akong nakatanggap ng tadyak mula sa kaniya dahilan upang mapasubsob ako.
Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko. Tuluyan nang nanghina ang katawan ko kaya hindi ko na magawang kumilos pa.
"Paalam mahal na prinsipe." Saad niya saakin habang inihahanda ang atakeng gagawin niya gamit ang kaniyang kapangyarihan.
"Krishzel. Sa wakas magkakasama narin tayo." Saad ko habang hinihintay kong tumama saakin ang atake ni Drako. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala akong naramdaman na kahit na ako.
Agad kong iminulat ang mata ko at nakita kong nakalutang na ang katawan ni Drako habang may kung anong puting liwanag ang nakabalot sa kaniyang katawan.
"AAAHHHHHH." namayani sa kabuuhan ng lugar ang pagsigaw ni Drako dahil sa lakas ng kapangyarihang nakabalot sa kaniya.
Iginala ko ang paningin ko at pilit na inaaninaw ang taong nakasuot ng cloack kahit na nahihilo.
Ngunit hindi ko magawang kilalanin siya dahil nakatalikod siya pero alam ko na katulad ko siya ng pinagmulan.
Kapansin pansin din ang sobrang lakas na kaniyang kapangyarihan dahil sa kaniyang presensya.
Ilang sandali pa ay biglang naglaho ang katawan ni Drako, maging ang kapangyarihan ng misteryosong tao na nagligtas sa buhay ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid at tanging kaming dalawa nalang ang nandidito sa lugar. Marahil ay napaslang narin niya ang kaninang babae na nagngangalang Erah.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...