Chapter 15: Welcome to S-Class

6.3K 250 19
                                    

SHANE'S P.O.V.

Dalawang araw na ang nakalipas ng maganap ang Leveling. Marami ang umangat kung kaya't nadagdagan na naman kami dito sa section namin.

Actually kahit naman madagdagan kami wala parin naman akong kaibigan eh. Ayaw nila makipagkaibigan sakin dahil daw mahina ako o patapon lang ang ability na meron ako. Pero hindi ko nalang iyon pinagbibigyan ng pansin sa pagkat wala naman akong magagawa kung yun ang tingin nila saakin.

Buti pa si Krishzel, sa totoo lang siya lang ang kauna unahang nagtanggol saakin dito tapos naging kaibigan ko pa siya. Kaya thankful talaga ako ng makilala ko sya. Matagal na akong nag-aaral dito ngunit hanggang ngayon wala parin akong kaibigan not until dumating si Krishzel.

Dito sa section namin nangunguna na ako. Dati kase pangalawa lang ako dahil langing nangunguna si Marish. Kaya mas lalong naiinis saakin ang mga kaklase ko.

Nandito ako sa pinakaunahan sa pangalawang row. Walang gustong tumabi sakin ewan ko ba sa kanila pero sanay naman n ako eh.

Ilang sandali pa ay mas lalong umingay dito sa loob ng room dahil dumating na ang karamihan pati narin ang grupo nina Marish.

Dumaan sila sa harapan ko ngunit umirap lamang ito saakin. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil una sa lahat ayaw ko ng gulo.

Maya maya pa ay dumating na si Professor Jake siya ang adviser namin.

"Good morning X-class. Sa napapansin ko ay mas nadagdagan kayo dito ahh. But it's good dahil marami ang nag improve. Then congratulations to all." Umumpo muna siya sa kaniyang table sa unahan bago binuklat ang folder na dala dala niya.

Tumahimik ang buong klase at taimtim na nakatingin kay sir ng bigla itong tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHA. Ayos to ah." Nagtataka naman kami dahil sa inasal ni Sir kaya naman nagtanong na ang isa naming kaklase.

"Sir is there any problem or announcement?" Tanong ni Jerick na mistulang nakakunot pa ang noo.

"No. No. No. I'm just impressed because of Ms. Heal. Now she's the rank 1 in your section thats impressive. Congratulations Ms. Heal you deserve it." Pumalakpak naman si sir habang nakangiti at nakatingin saakin.

Sari saring komento ang naririnig ko about sakin na kesyo hindi ko daw deserve yun.

"Cheater."

"She doesn't deserve to be the rank 1."

"Famewhore."

"Bitch."

Bigla kaming nakarinig ng pagkatumba ng mesa kaya naman napatingin kami sa likuran at nakita namin si Marish na nakatayo na.

"NO SIR SHE DOESN'T DESERVE IT. SHE CHEATED KAYA NAGING RANK 1 SYA. HOW PATHETIC. SHE'S JUST A WEAKLING SO HOW COME THAT SHE BECOME THE RANK 1 RIGHT. SHE CAN'T NEVER BE THE RANK 1. I AM SUPPOSED TO BE THE RANK 1 AND NOT HER." sigaw ni Marish na halos nanginginig na sa galit. Tumayo ito at agad na lumapit saakin kaya naman napatayo na ako.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

PAK

Yes, she slap my face hard.

"Ms. Flora stop those attitude of yours. Hindi ka marunong gumalang nandito ako sa harapan then gumawa ka ng ganyang bagay? Go back to your seat and fix your attitude."

Wala ng nagawa si Marish kaya bumalik ito sa kaniyang pwesto ng padabog.

"Let me explain the reason kung bakit naging rank 1 si Ms. Heal. Base on her records maganda ang performance niya academically and extra-activities  so...." hindi na natapos ni sir ang pagsasalita ng may biglang may kumatok sa pinto.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now