Hi Dreamers.
Please enjoy the next chapter. <3
Please vote and comment down your thoughts.LoveLots.
HEADMISTRESS JEM'S P.O.V.
"Luna." Tawag ko sa aking kapatid na si Luna na ngayon ay nakatayo sa hardin ng kaniyang palasyo. Ibinaling niya ang kaniyang tingin saakin ng marinig niya ang boses ko.
Yes, Luna the Goddess of the Moon is my twin sister and no one knows about this except from the other Gods. And I am not just a simple Magic holder because I am the Goddess of the Sun. But I have to hide my identity because the God of the Gods and Goddesses wants me to rule over the Academy and act like a normal magic holder.
"Jem." Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at nag-umpisang lumapit saakin. Agad niya akong niyakap kaya naman niyakap ko din siya pabalik.
Ilang sandali ang itinagal ng aming pagyayakapan at humiwalay din kami sa isa't isa.
Bahagya muna akong ngumiti sa kaniya at naglakad patungo sa upuan malapit sa isang puno. Sumunod siya saakin at naupo rin sa tabi ko.
Katulad ng dati ay maayos parin ang kaniyang palasyo. At katulad niya ay may sarili din akong palasyo. Sa tuwing sumisikat ang araw ay ako ang gumagabay sa mga tao at sa oras naman na pamailanlan ang dilim si Luna ang nagsisilbing gabay at liwanag sa mga tao dito sa magic world.
Kambal kami ngunit magkaiba kami ng oras kung kailan dapat pumailanlan sa isa't isa. Hindi kami pwedeng magkasabay dahil oras na gawin namin iyon ay mababago ang takbo ng panahon dito sa mundo namin.
Dinama ko ang sariwang hangin na dumadampi saaking balat. Tila pinapakalma nito ang aking sistema.
Nasa gayong pag-iisip ako ng marinig ko ang tinig ni Luna saaking tabi kaya naibaling ko sa kaniya ang aking tingin.
"Kapatid, maayos na ba ang lahat?" Nakangiti niyang saad saakin at iniayos ang kaniyang pagkakaupo.
Dahil sa tinanong niyang iyon ay gumuhit saaking labi ang ngiting halos umabot na saaking tainga.
"Oo kapatid, kaya maaari na natin itong ipaalam sa hari."
Nang maisambit ko ang salitang iyon ay wala na kaming sinayang pang oras ay nagtungo sa palasyo ng hari. Nang marating namin iyon ay may mga kawal na sumalubong saamin at bahagyang tumungo saamin bilang simbolo ng paggalang.
They escorted us to the king's thrown, ngunit habang naglalakad ay hindi maiwasan ng mga tao dito na tumingin saamin at gaya ng ginawa ng mga kawal kanina ay tumungo rin sila upang magbigay galang.
Sumalubong saamin ang isang malaking pinto na yari sa makapal na ginto at may mga disensyong yari sa mga dyamante na tila kumikislap at nakasisilaw sa mata.
Bumukas ang pinto nang itulak ito ng kawal at bumungad saamin ang kabuuhan ng trono. Nagsimula kaming humakbang papasok ng silid ngunit hindi na nakasunod saamin ang mga kawal. Nang tuluyan kaming makapasok ay agad na sumara ang pinto.
Nakatayo na ang hari sa kaniyang trono at nakangiting sumalubong saamin.
"What brings you here, Goddess of the Sun and Moon?" Nakakunot noo niyang tanong saamin at wari'y nagtataka.
Tumingin ako sa aking kapatid at ngumiti.
"Maaari nyo nang isagawa ang inyong pinaplano mahal na hari. Sa pagkat mas mapapadali na ang inyong gagawin." Makahulugang saad ni Luna sa hari.
Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng hari kaya't inausap niya ang isang kawal na nasa tabi niya at agad itong tumugon at na tumungo papalabas ng silid.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...