ASHTON'S P.O.V.
Isang araw na ang lumipas nang makabalik kami sa Academy mula sa mortal world at hanggang ngayon hindi ko parin kayang tanggapin ang lahat.
Hindi ko matanggap na wala na si Krishzel at hindi manlang namin siya nakausap. Nung una hindi ako naniniwala sa kanilang sinabi ngunit sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang maniwala nalang.
Flashback
"NO. ITS NOT TRUE." agad akong napatayo saaking kinauupuan at napasigaw.
No. Hindi pa patay si Krishzel. Hindi ako naniniwala sa kanila.
"Yes, it is." Seryoso niyang pagkakasabi saakin kaya wala akong nagawa kundi ang mapaupo nalang muli.
Umiiyak na si Mrs. Light maging sina Hydra ay umiiyak narin. Pero ayokong maniwala sa kanila. Hindi pwedeng patay na si Krishzel dahil malakas siya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
"Krishzel is strong. Paano siya mamamatay?" Pagak kong pagkakasabi sa kanila. Pilitin ko mang ayusin ang pagsasalita ko ay wala akong magawa dahil pilit na kumakawala ang paghikbi saaking bibig.
"Ashton, normal na tao nalang si Krishzel nung lumabas siya ng Academy at hindi pa maayos ang kaniyang kalagayan." Agad akong natahimik sa kanilang sinabi.
Damn, oo nga pala at kasalanan ko ang lahat ng yon. Agad na nanumbalik ang sakit saakin na naramdaman ko dati. Buong akala ko magiging okay na ang lahat nang magpunta kami dito pero bakit parang mas naging malala pa ang pagpunta namin dito. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang mga sinasabi nila.
"Pe-pero paano po namatay si Ate Krishzel?" Naluluhang sambit ni Athena.
Sandali muna silang natahimik bago magsalita. Si Mr. Light na ang nagsalita dahil umiiyak na ng sobra si Mrs. Light. Halos lahat naman kami ay umiiyak na pero kailangan naming magpakatatag upang malaman namin ang lahat.
"Nung araw na lumabas si Vish ng Academy ay hinihintay nalang namin siya sa kabilang bahagi ng portal gaya ng napag-usapan namin sa telepono. Nung una ay hindi kami pumayag ngunit sabi ni Vish gusto muna niyang mapag-isa kaya binigay namin iyon sa kaniya. Marahil ay iniisip din niya ang pag-alis at pag-iwan sa inyo. Ngunit sobrang tagal na naming naghintay at nakausap narin namin si Jem at sinabi niya na ilang oras na ang nakalilipas ng makaalis si Vish sa Academy. Wala na kaming ginawa kundi ang pumasok sa portal at hanapin siya. Matagal namin bago siya nakita ngunit nakahiga na siya sa lupa at may saksak sa dibdib. Sa pagkakaalam namin ay sandata iyon ng mga Darkanians base sa itsura at mahikang nakapalibot doon. Ngunit wala nang buhay si Vish nang madatnan namin siya." Agad na kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya at muling tumulo ang aking mga luha mula sa aking mata ngunit hinayaan ko nalang ito. Masakit man pero wala akong magawa.
Napahagulhol narin ng iyak ang mga kasama ko maging ang asawa ni Mr. Light. Ayoko pang maniwala ngunit may ibinigay siyang album saamin kaya agad ko rin iyong binuklat ngunit halos hindi ko kayang tingnan ang mga litrato ni Krishzel na naliligo sa sarili niyang dugo. Kitang kita ang nakatarak na espada mula sa kaniyang likod hanggang sa kaniyang dibdib.
Bawat pahina ng album ay litrato ni Krishzel na wala nang buhay. Ibinaba ko na ito dahil hindi ko na kayang makita pa ang mga litratong iyon. Sa mga sandaling iyon ay gusto kong magwala at ibuhos lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko.
"OHHH MY GOSH KRISHZEL." agad na napasigaw si Hydra ng makita niya ang litrato ni Krishzel at mas bumugso ang kaniyang pag-iyak, maging sina Farrah, Shane at Athena ay hindi na magawang tingnan pa ang album at gaya ni Hydra ay umiyak narin ito ng tuluyan.
End of flaskback
Hindi ko kayang tanggapin ang lahat dahil parang biglang gumuho ang sarili kong mundo. Ni wala akong nagawa para sa kaniya.
YOU ARE READING
EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESS
FantasyA girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for the past eleven years. What will happen to her if everyone knows about her existence? Will she be abl...