LSS Series #1 - Epilogue

1.7K 95 63
                                    

Aldrich Alcantara.

"A-Ayos ka lang ba?"

Nang tanggalin ko ang helmet, tumingin ako sa may-ari nang nabangga kong kotse. Huminto ang mga nasa paligid ko nang makita ko ang may-ari ng kotse. Ito 'yung taong matagal ko nang inaantay.

Hindi ko inaasahan na ngayong araw ko makikita muli si Tyler. Sobrang na-miss ko 'tong kumag na 'to. Nakakapanibago lang tignan dahil tumangkad ito at medyo pumayat. Sana hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili.

Naiinis ako sa sarili ko dahil umaatake nanaman ang pagiging masungit ko. Hindi ko makausap nang diretsahan si Tyler dahil sobrang nahihiya ako.

Naiinis pa 'ko dahil itong si Leigh eh sinusungitan din si Tyler. Kaya dumating sa point na nainis si Tyler sa kanya.

Nung araw na nagpunta sila para kausapin ako ni Tyler, tumanggi ako. Gago ko diba? Ito na 'yung pagkakataon na magkasama kami ulit at maku-kumusta ko na siya, pero wala. Ang arte ko eh. "May gagawin ako. Tsaka na lang." Napakuyom ang kamao ko nang makagawa nanaman ako ng desisyon na hindi ko ginusto.

"Grabe ka naman, Bogs," sita sa'kin ni CJ. "Akala ko ba gusto mong makausap at makasama si Tyler? Ano na? Anong ugali 'yung pinakita mo?"

Hindi ako kumibo at pinagpatuloy ko lang ang paghahanda ng mga gamit. Napalingon kami sa may harapan nang sumigaw sa harap namin si Leslie.

"Ang kapal din ng mukha mo 'noh, Aldrich," pagtataray ni Leslie. Naka pamewang na 'to at sinamaan ako ng tingin. "Ikaw pa may ganang magalit sa kanya, ah? Ikaw na nga 'tong naka-aberya sa kaibigan ko, tapos kayo pa 'tong may ganang magalit sa kanya!?"

Sumasang-ayon sa sinasabi ni Leslie. Pasensya na talaga. Hindi pa talaga kasi ako handa na makausap si Tyler nang masinsinan eh.

"Ganyan ka na lang ba palagi? Ang hindi bigyan nang pansin si Tyler? Kung sa bagay, wala ka namang kailangan sa kanya eh. Wala ka namang nililigawan na kaibigan niya eh."

Sobrang natamaan ako sa mga sinabi ni Leslie. Sobrang galit ko sa sarili ko nung araw na 'yun kaya naisipan ko agad na umuwi na lang.

Ilang araw bago kami muling nagkita. Pinayuhan ako ni CJ na ayusin ko daw ang sarili ko dahil halatang pinabayaan ko na ang sarili ko. Nai-kwento niya kasi na naninibago daw si Tyler sa'kin dahil sa itsura ko.

Bago ko siya puntahan sa trabaho niya, dumaan ako sa barber shop para magpaayos ng buhok. Naligo ako matapos at inahit ang balbas ko kaya ang linis ko nang tignan.

Sa mga nagdaang araw, nawala sa isip ko ang kaba at takot na nararamdaman ko. Nakakasama ko na ulit si Tyler gaya ng dati. Sinamahan ko pa ito sa kasal ni Ate Tylene at 'yun ang unang pagkikita nila matapos ang ilang taon na pagkawala ni Ty.

"Congrats," lumapit sa'kin ang Papa ni Tyler at tinapik ako sa balikat. Ako lang ang mag-isa dito dahil hiniram muna siya ng Mama niya. "Nagkita kayo muli."

Nangako kasi sila sa'kin na kapag magkikita ulit kami ni Tyler, bibigay nila ang basbas nila sa'kin kapag naging kami na ni Tyler. Umamin ako sa kanila na gusto ko ang anak nila bago ako lumuwas papuntang Batangas. Pero bago ako umalis, nag-iwan ako ng isang sulat sa kapitbahay ni Tyler na si Arianne, baka kasi bumalik siya sa bahay nila kaya nag-iwan ako ng liham.

Sobrang sarap sa pakiramdam na boto sa'kin ang pamilya ni Tyler, kaya mas lalo akong ginanahan sa kanya. Pero nawala ang gana ko nang sumapaw ang JM na 'to sa'ming dalawa.

Nagtalo pa nga kami ni Tyler dahil sa hayop na 'yun eh. Dumating sa point na kailangan ko nang iwasan si Tyler dahil sobrang nasaktan ako at natamaan sa mga pinagsasabi nito sa'kin. Oo, ilang araw din nang hindi ako nagparamdam kay Tyler, pero tangina hindi ko kinaya. Pumunta talaga ako sa bahay nila at inantay 'to kahit na gabihin pa siya.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon