LSS Series #1 - 08

1K 69 7
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Pakilagay na lang ja’n…”

Nagluluto ngayon sila Archie at Andrea habang si Anna at Irah ay tumutulong sa dalawa na maghiwa. Pang-ulam kasi ang dinala nila Irah at ewan ko kung ano naisipan ng babaeng ‘yun.

Naiwan kami dito ni Aldrich sa upuan at gusto niya daw ako makausap tungkol kila Marvin at Sandra.

“Kelan mo pa sila nakilala? Bakit ka nila hinahabol kagabi?” tanong niya.

Kinwento ko sa kanya ang unang pagkikita namin ni Marvin at ang tropa niya at sinunod ko na rin ang nangyari sa Mall.

“Nakaramdam na kami ni Irah nu’n nung pauwi na kami na may sumusunod sa’min hanggang sa bahay nila. Kaya nagtago ako at tumakas. Pero sa kasamaang palad, nahuli pa rin ako.” Kwento ko.

“Bakit hindi mo sinabi sa’kin agad? Alam mo naman na ‘yun ang palayaw ko? Sa katunayan ako lang naman ang merong pangalan na ganu’n sa eskwelahan na’tin diba?” pagtataka niya.

“Gusto ko na talaga itanong sa’yo kaso diba umalis ka agad? At tsaka ‘yung araw na nagkita kami, hindi ko alam na ikaw ‘yung Bogs. Kaya hindi ko agad nasabi sa’yo.” Ani ko.

Halata kay Aldrich na nag-aalala siya sa kalagayan ko pati na rin kila Marvin at Sandra.

“Pasensya na, Ty. Hindi ko akalain na aabot pa sa gano’n ‘yung problema namin magkakaibigan. Napaospital ka pa tuloy.” Paghingi ng tawad ni Al.

“Ayos lang. Pero since nadamay na rin naman na ‘ko sa issue ninyo, ano ba ang problema niyo magkakaibigan? Bakit gano’n galit nila sa’yo?” pagtataka ko na mukhang seryoso sobra ang pinag-awayan nila.

“Gan’to kasi ‘yun…” panimula niya ng kwento.

“Nagkaron  kami ng gimik magto-tropa. Tapos isang gabi, may nangyari kay Sandra at Marvin. Nadala ng libog at lasing, ayun! May nabuong bata. Tapos isang araw, nagulat ako na ako ang tinurong ama ni Sandra dahil ayaw ng pamilya kay Marvin.” Kwento niya.

“HAH?! Eh bakit ikaw tinuro at hindi si Marvin?” gulat ko.

“Galit ang pamilya ni Sandra sa pamilya ni Marvin. Kaya nagawa ni Sandra ‘yun dahil galit na nga sa kanya ang pamilya niya, mas lalo pang magagalit sa kanya pag nalaman na si Marvin ang tatay ng dinadala niya.” Sagot niya.

“Eh ba’t mo naman inako nung una ang responsibilidad?” muli kong tanong.

“Dahil tinakot ako nila Marvin nu’ng una. Pero nang masabihan ako ni Mama na lilipat ako kay Papa dito, naglakas ang loob ko na aminin sa kuya ni Sandra ang totoo. Ginawa ko ‘yun bago ako lumuwas dito.” Ani niya na ikinatango ko.

Sa katunayan nga galit ako kay Aldrich dahil naipit ako sa gulo nila eh. Pero may mali rin ako dahil hindi ko agad sinabi sa kanya ang tungkol dito.

“Kaya pala gano’n ‘yung galit ni Marvin sa’yo.” Saad ko.

Natawa na lang ito at natahimik kami ng ilang segundo.

“Uhmm.. Ty?” lumingon ako sa kanya nang tawagin niya ako.

“Ano sabi ni Andrea? Nagalit ba siya sa’kin dahil… naipit ka sa problema ko at naospital ka pa?” medyo kabadong tanong ni Aldrich na napatawa ako.

“Hindi siya nagalit. Sa katunayan nga nagpapasalamat nga siya sa’yo eh.” Sabi ko sa kanya na ikinataka niya. “Huh? Bakit naman?”

“Sabi ko kasi, may sumusunod sa’kin nu’ng gabing ‘yun tapos naisipan kong dumiretso sa tambayan na’min. At sakto naman na nandun ka kaya mo ako naligtas.” Paliwanag ko sa kanya na ikinangiti niya.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon