LSS Series #1 - 30

1.9K 73 12
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Oh nanjan na pala sila."

Nagtaka ako nang may kotse sa tapat ng bahay namin at bukas pa ito. "Sino nanjan ate?"

"Mauna ka na munang pumasok sa loob." mainahong utos ni Ate sa'kin.

Tinanggal ko muna ang mga palamuti na nakasabit sa'kin at tsaka bumaba sa kotse. Pagkapasok ko, nabigla ako nang mapasigaw si Arianne at natarantang iputok ang party popper.

"Congratulations, Tyler!" bati nilang apat.

"Salamat!" natuon ang atensyon ko sa hindi ko inaasahang bisita.

"Kuya Tyson!" lumapit ako sa gilid ni Kuya Tyson and nakipag shoulder bump ako dito.

Lumapit din ako sa mommy ni Kuya Tyson na si Tita Almira at nagmano ako dito. And nagmano na rin ako sa lalaki na kasama nila as a sign of respect.

"Congrats, Tyler. Ready ka na ba sa college mo?" tanong ni Kuya Tyson sa'kin.

"Siguro po." I smiled.

"Ano bang course ang kukunin mo?" tanong ni Tita Almira.

"Education po, Tita." sagot ko.

Nakita kong pumasok na si Ate at Kuya Nikolai. Nagpaalam na ito dahil may family dinner pa sila ni Irah.

"Nagmano ka na ba sa kanila, Ty?" tanong ni Ate in a monotone.

"Oo Ate. Salamat at hindi ka na galit kay Kuya Tyson ah?" ani ko at bahagyang ngumiti lang ito sa'kin.

Pumasok muna si Ate sa kwarto habang naiwan kami dito sa labas. Lumapit sa'kin ang lalaki na ngayon ko lang nakita at nabigla ako sa pagkakayakap.

Tumingin ako kay Arianne na tila ba'y nalulungkot at naluluha. "Bakit?" I mouthed her.

Umiling lang ito at pinunasan ang mga luha sa mata. Kumalas sa pagkakayakap ang lalaki at humarap sa'kin. "Sobrang proud ako sa'yo, Tyler."

I laughed awkwardly and thanked him. Ngayon ko lang naman siya nakita kaya medyo nakakailang ang galaw nito.

Lumabas si Ate Tylene na may dalang maleta kaya nagtaka ako at medyo kinabahan. "Ate? Kanino yan?"

Hindi nagsalita si Ate at tinabi ito sa may pintuan malapit sa labas. Humarap ito sa'min at naluluha ito. Teka, hindi ko maintindihan ang nangyayari. "Pupunta na kayo sa Amerika."

Lumawak ang mga ngiti ko nang marinig ko na pupunta kami ng Amerika na isa sa mga pangarap ko. Pero agad rin itong napawi nang ma-realize kong mali ang pagkakarinig ko. "K-kayo?"

Nakita kong lumapit si Tita Almira sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Oo Tyler. Pupunta na tayo sa Amerika."

"H-hindi kasama ang ate ko?" pagtataka ko.

Umiling ito at nagdududa na 'ko sa mga nangyayari. Kahit kilala ko sila, mag-iisip pa rin ako ng kakaiba dahil malayo ang pupuntahan namin tapos hindi pa kasama ang ate ko!?

"Teka teka-" panimula ko. "Para sa'n po itong pagpunta na'tin sa Amerika? Sobra-sobra naman ang regalo niyo po para sa'kin."

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa'kin ni Tita Almira. "Salamat na lang po sa alok niyong pagpunta sa Amerika bilang regalo niyo po sa'kin, pero hindi ko po tatanggapin niyan. Excuse muna po."

Nahinto ako sa pagpasok sa loob ng kwarto ko nang magsalita si Ate. "Kailangan mong sumama, Tyler."

Humarap ako kay Ate na nagtataka at naguguluhan. "Kailangan?"

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon