LSS Series #1 - 06

1K 69 7
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Pakiabot naman ng styro ja’n sa may gilid mo, Anna.”

Nandito kami ngayon sa bahay nila Anna at tinatapos na ang presentation na’min na 3D Model na bukas na ang deadline.

Apat lang kami nandito ngayon – Si Anna na may-ari ng bahay, si Terrence, si Xyan, at Ako. Wala si Aldrich ngayon dahil may inaasikaso daw.

Ilang activity-making na siyang hindi nakakasama sa’min, kung sumasama ma’n, late naman siya at malapit n mag-uwian.

“Matatapos ba na’tin ito ngayon?” nangangambang tanong ni Xyan.

“Kaya naman siguro ‘to. Pag nadikit naman na lahat ng ito, paint na lang eh. Kahit ako na lang du’n sa painting.” Pagpresenta ko.

“Sure ka ba, Ty? Malaki ito medyo baka mahirapan ka niyan? At tsaka kay Aldrich na lang na’tin ito ipasuyo. Tutal member din naman siya nito eh. Halos wala na nga siyang nagawa dito eh.” Saad ni Anna.

“Ayos lang. At tsaka hindi rin ako kampante na si Al matatapos ito. Tayo nga eh nahirapan, siya pa kaya na mag-isa?” kontra ko naman.

“Eh gano’n din eh? Ikaw lang din naman pala mag-isa tatapos?” sabi ni Xyan.

“Ako-“ napalingon kami kay Terrence nang magsalita ito.

“Tutulungan ko si Tyler tapusin ‘to. Para mabilis na rin.” Presenta niya.

Pumayag na lang ako para mabilis ko na rin matapos ito. Tumatakbo ang oras at naidikit na rin namin ang mga dapat idikit para sa model na ip-present bukas.

Nang mag gabi na, nagpasya na kaming magsi-uwian. Kasabay ko si Terrence maglakad ngayon at siya na ang nag bitbit ng model at ako naman sa mga pintura.

“Sure ka ba Ty na hindi na natin isasama si Aldrich? Paano bukas?” paninigurado ni Terrence sa ginawa kong desisyon.

“Oo. Ayos na siguro na dalawa na lang tayo magtatapos ng model na ‘to. At tsaka hindi rin naman natin siya macontact eh. Kaya hayaan mo na.” sagot ko.

“Sige sige. Uwi muna tayo sa bahay ko para kumuha ng damit at uniform-“ sabi niya.

“Teka Teka- bakit? Gagawa lang naman tayo ng model ha? Ba’t ka pa kukuha ng damit?!” takang-tanong ko sa kanya.

“Syempre du’n na ako matutulog sa inyo para matapos na natin ‘tong activity natin. Malamang sa alamang gagabihin na talaga tayo ng tapos niyan.” Sagot ni Terrence.

Pumayag na ‘ko na du’n na lang siya matulog sa’min para hindi na rin siya mahirapan. Pumunta na muna kami sa bahay nila para kumuha ng damit.

Habang patungo kami sa bahay nila Terrence, pinahinto niya muna ako sa gilid “Bakit? Ano meron?”

“Tignan mo ‘yun-“ sabay turo sa may isang tindahan.

“Diba si Aldrich ‘yan at si Andrea? Akala ko ba may aasikasuhin 'yang si Aldrich? Ba’t kasama niya si Andrea? Tss... Mas inuuna ang panliligaw kesa sa group activity na'tin...” hindi na lang ako nakasagot sa mga tanong ni Terrence dahil hindi ko rin alam ang isasagot.

“Aldrich!” nagulat ako nang biglang tawagin ni Terrence si Aldrich kaya napalingon ang dalawa.

“Uy Ty! Terrence!” lumapit sila Andrea sa’min at si Aldrich ay pawang tahimik lang ito sa likod ni Andrea.

“Ang ganda naman ng inyo! Sa’min ang simple lang-“ sabay pakita niya sa’min ng kanilang gawa.

“Sa’n kayo galing?” diretsong tanong ni Terrence kila Andrea.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon