LSS Series #1 - 10

994 73 2
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Buti na lang at wala kang lakad ngayon, Ty.”

Kasama ko ngayon si Andrea at kakarating lang namin ngayon dito sa tambayan namin at kakatapos lang mag ikot-ikot sa village. Kaming dalawa lang ni Andrea ngayon dahil si Anna ay umuwi sa probinsya nila. Sembreak na kasi namin ngayon. Last week pa nagsimula.

“Mukhang may problema ka ha? Kanina ka pa hindi madaldal. Hindi ako sanay na ganyan ka. At tsaka hindi rin ako sanay na nag-aaya ka ng gala.” Diretsong tanong ko sa kanya.

Hindi kasi ito si Andrea eh – Ang nag-aaya ng gala. Hindi pa naman ito gumagala pag wala si Anna.

“Hays… Ty…” buntong-hiningang saad niya sa’kin. Mukhang may malalim na problema ‘tong si Andrea ha?

“Sige lang… I-kwento mo lang sa’kin para hindi ka nahihirapan sa nararamdaman mo. M-malay mo, may maitulong ako.” Ani ko.

“Nakapag-usap na kami ni Aldrich ng masinsinan.” Sabi niya sa’kin na ikinatango ko na lang.

Kinwento niya kung ano ang nangyari nung araw na ‘yun at nalaman ko na nung last day of Exam pala niya kinausap si Aldrich.

“K-kaya pala hindi na niya ‘ko pinapansin…” biglang nasabi ko kay Andrea na medyo nagtaka.

“Huh? B-bakit naman hindi ka papansinin nu’n?” tanong niya sa’kin.

After ng last exam kasi namin bago mag sembreak, may isang linggo pa kaming pasok nu’n.

Tapos napapansin ko na hindi niya ako pinapansin. Dinadaanan niya lang ako na kung dati manggugulo pa ‘yun sa’kin. Kapag napadaan rin sa street namin, para lang akong hangin sa kanya. Ewan ko din kung ba’t ako masyadong nadadala eh. Dapat nga mas masaya ako dahil wala akong pinoproblema ngayon.

“Kinausap lang naman ako nun dahil… nagp-patulong siya sa’kin para sa’yo…” sagot ko sa kanya.

“Wait-“ biglang napaayos si Andrea ng upo at napaharap sa’kin “Tinutulungan mo si Aldrich na manligaw sa’kin???”

Tumango ako kay Andrea at napayuko. Alam kong ako ang dahilan kung bakit umaasa si Aldrich kay Andrea kaya nahihiya ako kay Andrea dahil nagdala pa ‘ko ng problema sa kanya.

“Ty naman…” napabuntong-hininga lang si Andrea nang malaman niya na tinutulungan ko si Aldrich na manligaw.

“Alam kong galit ka sa’kin. Ayos lang ‘yun. Kasalanan ko din naman eh dahil tinulungan ko pa ‘yung gunggong na ‘yun kahit na wala naman siyang pag-asa sa’yo…” nahihiya kong sabi sa kanya.

“Alam mo Ty…” inakbayan ako ni Andrea at tumingin sa’kin “Alam namang hindi ko kayang magalit sa’yo. At tsaka alam kong hindi mo intensyon na tulungan si Aldrich para lang umasa sa wala. Dahil sabi rin naman nila Terrence diba? Ginusto niya rin naman ipagpatuloy ang lahat?”

Napatango lang ako sa kanyang sinabi at napabuntong-hininga lang.

“Kaya hindi ako galit sa’yo. Basta-“ tinanggal niya ang kamay niya sa pagka-akbay at tumayo.

“Wag mo na uulitin ‘yun ha? Maiinis ns talaga ako sa’yo.” Tumango lang ako at niyakap ako ni Andrea kaya tumayo na rin ako sa upuan ko.

“Sorry ulit ha?” saad ko sa kanya habang yakap ko siya.

“Okay lang ‘yun. Pero bakit ka kaya hindi pinapansin nun?” tanong niya sa’kin pagkahiwalay niya sa’kin.

“Hayaan mo na ‘yun. Tapos naman na ‘yung misyon ko sa kanya eh – Ang misyon na alam kong hindi siya magtatagumpay.” Saad ko.

“Sayang naman… Akala ko pa naman close kayo dahil yun kayo, pero dahil lang pala sa’kin. Bagay pa naman kayo-“ kinurot ko ang tagiliran ni Andrea at natawa naman ito.

“Bakit? Nagsasabi lang ng totoo eh…” natatawang sambit niya. Hinayaan ko na lang ito at inaya ko na ‘tong umuwi at ihatid sa kanila dahil gabi na rin.

Masaya ako ngayon dahil wala na ‘kong p-problemahin dahil naamin ko na kay Andrea ang lahat. Kaya matatahimik na rin ang buhay ko lalo na’t hindi na ‘ko kinakausap ni Aldrich dahil ‘yun lang din naman kailangan niya sa’kin eh – Ang tulong kay Andrea

Pagkahatid ko kay Andrea, umuwi na rin ako dahil nagtext na sa’kin si Ate at sabay daw kami maghapunan dahil nandun daw si Kuya Nikolai.

Habang pauwi ako sa bahay, nakasalubong ko si Arianne, ang kapitbahay ko, kaya sabay na kami naglakad pauwi. “Sa’n ka galing?”

“Sa bahay lang ng kaklase ko.” Sagot niya sa’kin.

Habang naglalakad kami, bumilis ang takbo ng puso ko nang makita ko si Aldrich. Ewan ko kung bakit gano’n ang naramdaman ko nang makita ko siya.

“Uy diba ‘yan yung kaklase mo? Yung kasama natin ni Leleng?” tanong ni Arianne sa’kin habang papalapit sa’min si Aldrich.

Tumango lang ako at tuloy-tuloy lang sa paglakad. Nagdadalawang-isip ako kung babatiin ko ba siya o hindi. Pero… huli na dahil dinaanan niya na kami kaya wala na rin akong nagawa.

“Eh? Hindi man lang kayo nag HI or HELLO??” naguguluhang tanong ni Arianne sa’kin.

“K-kailangan ba-“ tanong ko.

“Aba syempre, Tyler! Tanga ka ba? Kaibigan mo ‘yun tapos ayos lang sa’yo na hindi ka batiin nu’n? Hay nako! Ekis na agad sa’kin ang gano’n.” inis na saad ni Arianne na hindi ko na lang pinansin pa.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin, nakita ko si Ate Tylene na mukhang may inaabangan. “Uy Ty nanjan ka na pala! Ay hi Arianne!” bati ni Ate sa’min.

“Sino inaantay mo ja’n?” tanong ko sa kanya.

“Yung delivery ng pansit. Birthday ni Kuya Nikolai mo ngayon eh. Pumasok na kayo dun sa loob – Arianne sumama ka na rin. Nandun si Leslie inaantay kayo.” Nagulat kaming dalawa nang malaman namin na si Leslie ay nasa loob.

Pumasok na kaming dalawa sa loob para puntahan si Leslie. Pagkapasok namin, nagk-kwentuhan sila ni Kuya Nikolai at tawa pa ng tawa.

“Uy! Nanjan na pala kayo!” bati sa’min ni Leslie.

“Hi! – Happy Birthday pala kuya Nikolai!” bati namin kay Kuya Nikolai at nagpasalamat naman ito samin.

Nakisalo na rin kami sa kanila at nag-usap muna kaming apat hangga’t wala pa ‘yung inaantay nila.












LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon