LSS Series #1 - 17

911 55 9
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Go to your room! Now!!”

Tumakbo si Irah paakyat sa kwarto niya habang ako ay naiwan sa sala. Hindi muna ako kinausap ni Tita kanina pero pinagalitan niya kami ni Irah.

Kaya pala nalaman ni Tita ang tungkol kay Archie dahil nagpaalan si Irah na magm-mall after class kasama ako. Pero saktong nakita ni Tita sa mall si Irah at nakaholding hands pa daw ito kay Archie.

Paalis na si Tita sa kinatatayuan niya at hindi ko hinayaan itong umalis. Gusto ko rin linawin sa kanya ang lahat at humingi na rin ng tawad. “Tita? Pwede ko po ba kayo makausap?”

Huminto si Tita sa paglalakad niyanat tinignan ako nito nang may taray. “Kung pag-uusapan lang natin ang tungkol kay Irah at sa boyfriend niya, wag muna ngayon-“

“Tita please… Mabilisan lang ito.” Pagmamakaawa ko kay Tita.

Ilang segundo muna ang lumipas bago ako payagan ni Tita pagsalitain tungkol kay Irah. “Go ahead…”

“Tita, gusto ko pong humingi ng tawad dahil hindi ko po sinabi sa inyo ang totoo. Nung tinanong mo po kasi ako, hindi ko po talaga alam eh. Sinabi na lang po sa’kin ni Irah matapos po nu’n-“ kwento ko.

“Edi dapat in-open up mo sa’kin nung nagkita tayo muli!” medyo inis na ani ni Tita.

“Pero tita kayo po ba? Kung may kaibigan ka po na tago ang relasyon ng partner niya sa family, sasabihin niyo rin po ba sa mga magulang niya ang tungkol dun?” malungkot kong tanong sa kanya na ikinatahimik ni Tita.

“Tita, magtiwala po kayo kay Irah. Alam niya po ang tama at mali. Alam niya rin po ang limitasyon niya. Kapag oras ng pag-aaral, mag-aaral ito. Kapag may free time, tsaka lang po ito sasama kay Archie. Minsan po sa contest niya ito nilalaan dahil gusto ka niya po maging proud. Sa katunayan nga po, kahit absent si Irah dahil sa TeenFilipina niya noon, pasok po siya honors-“ naudlot ang pagk-kwento ko nang may itanong si Tita.

“N-nasa honors si Irah?” pagtataka ni Tita na ikinataka ko rin.

“O-opo… Hindi po ba sinabi ni Irah sa inyo?” tanong ko.
Umiling lang si Tita at napabuntong-hininga.

“Never nag-open up si Irah sa’kin simula nang maging dalaga ito. Ewan ko kung bakit pero ramdam ko na nasasakal na ito sa’kin.” Naupo si Tita at tsaka muling nagkwento.

“Kaya lang naman ako ganito kahigpit sa kanya dahil ayoko siyang matulad sa’kin – ang mabuntis ng maaga. Kaya pilit kong pinoprotekta ‘tong Unica Ija ko.” Kita ko sa mata ni Tita ang pagkalungkot nito.

“Alam ko naman po ‘yun, Tita. Pero kung pagbibigyan niyo lang po at hahayaan si Irah sa gusto niya, mas magiging maluwag ang pakiramdam nito at mas magiging open po ito sa’nyo.” Ani ko.

“Baka kasi abusuhin niya ang kabaitan ko eh. ‘Yun ang kinakatakot ko. Baka ‘yung boyfriend niya eh bad influence sa kanya….” Pangangamba ni Tita.

“Mabait po si Archie. Maniwala po kayo sa hindi. Malaki ang respeto ni Archie kay Irah una pa lang po. Hindi niya ito hinahayaang umuwi mag-isa. Kahit mahirap pong ihatid si Irah dito dahil baka mahuli niyo po, ginagawa pa rin po ni Archie….” Napabuntong-hininga lang si Tita at nanahimik.

“Hindi ko po kayo pinpilit na maniwala sa’kin, Tita. Kinwento ko lang po ang alam ko po tungkol kay Irah. Sige po…” tumayo na ‘ko at kinuha ko ang bag ko.

“Uwi na po ako….” Yumakap ako kay Tita at lumabas na ng bahay nila.

Naglakad na ‘ko papuntang village namin at habang naglalakad, iniisip ko kung ayos lang ba si Irah ngayon. Sana magkaayos na sila ni Tita.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon