LSS Series #1 - 21

991 61 6
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Kabisaduhin ang kanta ha? Dapat sa Lunes kabisado na. Sige na pwede na kayong umuwi."

Kakatapos lang ng maikling usapan namin ng buong section para sa Graduation na ilang linggo na lang ay ga-graduate na kami ng Highschool. Grabe! Parang nakakakaba dahil halos walong taon ako nag-aral dito at ilang linggo lang ay matatapos na ang pag-aaral ko dito.

"Tara na, Ty!" Tumango lang ako kay Aaron at kinuha ko na ang bag ko tsaka sumunod sa kanya.

Pagkababa namin sa may 3rd floor, sumalubong agad sa amin si Xyan at Zyla. "Ty buti na lang pababa ka na..."

"Bakit Zyla? Anong meron?" tanong ko.

"May naghahanap kasi sayo sa labas. May pagka-'mommy' ang dating niya tapos maganda ang kotse ha? Kulay pula na parang sports car." kwento ni Xyan sakin.

Pupunta na sana ako doon sa labas para puntahan yung naghahanap sakin pero humarang naman si Xyan. "Bakit?"

"Uhmmm... hindi pa kasi ako tapos magkwento.." iritableng sagot niya sakin kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Medyo nainis pa nga ko dahil nagsasalamin ako sa kotse niya, binaba niya naman yung bintana niya?! Napakabastos-" kwento ni Xyan.

"Galit yan kasi ang laki ng labi niya diba? Tapos may tao sa loob, edi nakita na ng mga tao sa loob HAHAHAHA- Aray!" Pinalo ni Xyan si Zyla at tsaka naunang umalis.

Sumunod na kami kay Xyan para puntahan namin yung naghahanap sakin sa labas.

"Ayun siya oh- HAAA?!" Walang kotse na pula sa may tapat ng school ang nakapark. "P-paano..?!"

"Edi malamang Xyan umalis na yung naghahanap kay Ty..." mataray na sagot ni Zyla.

"Ang kapal ng mga mukha nil- ARRRGH!! Umakyat pa ko at nagmadali kang puntahan tapos aalis din pala sila?!" pilit kong hindi tumawa sa reaksyon ni Xyan dahil galit na galit ito sa mga naghanap sakin.

Ilang saglit lang, dumating na ang sundo ni Zyla at sinabay na niya si Xyan kaya nagpaalam na kami ni Aaron sa kanila at naglakad na pauwi.

Ngayon ko lang naisip na yung pulang kotse na yun, hindi kaya parehas lang sa pumunta sa bahay namin AT! yung nakasalisi ko nung nakaraang linggo? Galing din siya sa street namin eh?

"Ty..? Okay ka lang ba?" kinalabit ako ni Aaron kaya napalingon ako sa kanya.

"Oo naman... Kaso naisip ko kasi yung naghahanap sakin kanina na may pulang kotse." kwento ko sa kanya.

"Ahh kilala mo ba yun?" tanong niya sakin.

"Hindi eh. Pero yung 'pulang kotse' kasi, ilang beses na rin umaano samin eh." ani ko.

"Umaano?? Ginugulo kayo? Sinusundan kayo?" sunod-sunod na tanong ni Aaron.

Kinwento ko kung ano ang koneksyon nung 'pulang kotse' sakin makalipas ang mga buwan. "Tapos nung nakaraan lang, habang pauwi ako, muntikan na kong mabangga ng pulang kotse na galing sa street namin."

"Baka naman nagkataon lang...?" hinayaan na lang namin ni Aaron ang pulang kotse na yun at tuloy-tuloy na kami sa paglalakad.

Ilang minuto ang lumipas ay nandito na kami sa baba ng street ko kaya nagpaalam na ko at dumiretso sa bahay namin.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin, nakita ko si Anna na mag-isa dun at parang namumugto ang mga mata. "A-Anna?"

"Ty..." tumakbo si Anna sakin at niyakap ako ng mahigpit at tsaka umiyak.

Hinayaan ko lang muna ito umiyak dahil halata sa kanya na hirap na hirap siya ngayon.

Pumasok muna kami sa loob para dun kami mag-usap. Binuksan ko ang fan at tsaka kumuha ng tubig sa ref. "Anong nangyari sayo? At tsaka bakit di ka pumasok?"

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon