LSS Series #1 - 25

1.2K 77 10
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Lolo!!!!"

Bumaba na 'ko sa kotse ko na may basag at yupi sa gilid at nandito kami ngayon sa isang talyer na medyo malapit sa tinitirhan ko ngayon dito. Maganda ang talyer dito infairness ha? Bukod sa gawaan ng kotse, sa gilid may carwash at kainan.

"Oh nanjan na pala kayo." Lumabas ang lolo ng babae at nagmano ang mga 'to sa Lolo.

"Lo, pakicheck nga po itong kotseng to..." tinuro ng babae ang kotse ko kaya kinuha agad ni Lolo ang kanyang salamin at lumapit sa kotse ko.

"Grabe naman basag at yupi nito..." ani niya habang tinitignan isa-isa ang parte ng kotse ko.

Nako Lo! Pagsabihan niyo yang magaling mong bata. Lasing tapos beating the red light, at nasira pa ang kotse ko dahil nabangga niya! Pasalamat siya kanina abswelto siya sa mga officer na naka standby sa lugar kung saan nangyari ang banggaan.

"Mga ilang linggo pa maayos 'to." napadilat ako kay Lolo dahil hindi pwedeng malaman na sira 'to at kailangang maayos na agad. Patay ako nito.

"Bakit po ganon katagal?" pagtataka ko.

"Wala pa kasing stock ng ganitong salamin, ilaw, at yung sa hood mo. Oorder pa ko." paliwanag niya.

Napakamot na lang ako ng ulo at tinignan ang Aldrich na kanina pang tahimik at hindi kumikibo.

"Magkano naman aabutin ang paayos jan, Lo?" tanong ng maarteng babae sa Lolo niya.

"Hmm... Mga 10-15K." sagot ni Lolo.

"HAAA?!?!" sabay-sabay kaming lima sa pagre-react nang marinig namin ang presyo.

Kainis naman eh! Kaya ingat na ingat akong magdrive para iwas ako sa gan'tong pangyayari. Pero kahit anong ingat mo sa daan, kung may barubal magmaneho sa daan, wala din yung ingat mo.

"Lo? W-wala bang discount jan?" tanong ni Aldrich sa Lolo.

"Pasensya na, Bogs. Wala talaga akong mabibigay na discount jan. Bakit? Kaibigan mo ba 'to?" sabay turo sakin ni Lolo.

"Naban-" tinakpan ni CJ ang bibig ko at humarap kay Lolo.

"Kaklase namin nung highschool kami, Lo! Kaya ganon! DIBAAAA?" Tinaasan ko ng kilay si CJ at kinagat ko ang kamay niya kaya napa-aray ito. Kadiri man pero kailangan hehe.

"Ahh ganon ba?" at nainis ako nang makumbinsi si Lolo sa rason na yun. "Pero pasensya na, doon talaga ang range ng paayos dito. Kung gusto mo, lipat ka na lang ng ibang talyer."

Tinignan ko si Aldrich para alamin ang kanyang desisyon. Tumingin ito sakin nang walang emosyon at kinausap muli si Lolo. "Sige Lo. Dito na lang daw po yung kotse aayusin."

Tumango lang si Lolo at pinapark na ng maayos ang kotse ko kay CJ sa gilid para hindi sagabal sa daanan ng kotse papasok dito.

Napaupo na muna ako sa may upuan sa gilid at inaatay ko si Leslie dahil nagpasundo ako sa kanya.

Habang nag-aantay, lumapit si CJ sakin at tinatawanan ako. "May nakakatawa?"

"Ang sungit naman ni Ty! Wala man lang 'hello' sakin? Ilang taon din tayo hindi nagkita-" nagbilang muna ito bago niya masabi ang exact years kung kelan huli naming kita. "7 years! Oh ang tagal oh?"

"Kung ikaw ba naman masiraan ng kotse tapos dalawang buwan bago mo magamit, matutuwa ka? And hello pala sayo, Long time no see. Okay na?" natawa na lang si CJ sakin at tumabi sakin.

Siyempre may part pa rin ako na sobrang saya dahil nakita ko ulit ang kaklase ko nung Highschool. Pero nakakapagtaka lang, bakit sila nandito sa Batangas?

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon