LSS Series #1 - 20

1.1K 65 11
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Hoy Xyan makinig ka nga! Hirap na tayong tatlo dito oh?!"

Kasama ko si Xyan at Zyla ngayon at nagkakanda-baliw na kami dahil sa inaaral namim para sa exam bago mag Graduation.

Ang bilis nga ng panahon eh. Magtatapos na ang highschool life namin at tutungo na kami sa College na kung saan dun na ang tunay na laban para sa'ming estudyante.

"Mamaya ka na kasi mag liptint, Xyan..." Suway ko kay Xyan.

"Sorry na... Kasi naman eh?! Wala si Rica para turuan tayo ngayon!" inis na saad ni Xyan.

Wala si Rica ngayon dahil kinakausap siya ng Principal namin.

Kanina pa wala yun dahil pinaplano na ang huling project ng mga SC for this school year at President si Rica ng SC ngayon kaya need niyang umattend ng meeting.

Wala kaming teacher ngayon dahil absent ang teacher namin sa Math at wala nanamang sub.

Habang tinuturuan ko sila Xyan at Zyla, may lumapit sakin at umakbay "Ty...? Patulong..."

"Ano ba naman yan, Aaron?!" sigaw ni Xyan.

Si Aaron diba nakwento ko na magiging kaklase ko soya this school year? Oh ayan na siya. hehehe...

"Xyan naman eh... Sige na. Tumabi ka na dito." ngumiti si Aaron sakin at tumabi na kay Zyla para makinig din.

"Alam mo pag si Aaron, payag agad. Ako kanina, nagda-dalawang isip ka pa." bulyaw ni Xyan sakin.

"Eh sino bang hindi magda-dalawang isip sayo na turuan ka? Eh habang nagtuturo, nagli-liptint ka lang jan." natawa si Aaron dahil sa pambabara ni Zyla kay Xyan.

"Wushu! Hindi rin! Kasi bestfriend niya si Aaron. Eh diba bestfriend mo rin si-" nabigla ang lahat ng nasa classroom nang may magbukas ng pintuan at padabog pa ito.

Si Miss Angelica pala ang pumasok kasama si Rica at... Aldrich?

"P-pumasok pala si Aldrich???" Umupo si Aldrich sa kanyang upuan at si Rica ay tumabi samin.

Pumunta sa harapan si Miss Angelica at kita mo sa kanya ang galit sa ekspresyon nito. "Guys naman! Ilang beses na! Ilang beses na!"

"Diba sabi ko sa inyo, iwasan niyo magkaron ng records sa guidance?! Lalo na't graduating students kayo??" ano nanaman ginawa nitong Aldrich na 'to.

"Huy Rica! Anong chika???" tanong ni Xyan kay Rica.

"Eh Kas-"
"TYLER?" Napalingon kaming lima sabay nang ako ang tawagin. Baliw diba?

"Diba ikaw ang inatasan ko dito sa mga kaklase mo dahil busy kami sa SC????" seryosong tanong ni Miss Angelica.

"Yes po-" kabado kong sagot.

"Then how come na nakalabas si Mr. Alcantara ng dala ang kanyang bag???? Alam mo ba kung ano ang balak niya? Balak niya lang naman magcutting..." nabigla ako sa ginawa ni Aldrich kaya napatingin ako sa kanya.

"Miss... sa totoo lang po, hindi ko po alam na pumasok si Alcantara eh. At tsaka-" naudlot ang pagpa paliwanag ko nang sumabat si Steven sakin.

"Nagpapaalam naman kay Tyler lahat ng lalabas, Miss Angelica. Sadyang si Aldrich eh... gusto lang magpa pansin niyan dahil hindi na siya pinapansin ni Tyler.." napadilat ako nang idamay ako ni Steven sa mga sinasabi niya.

"SIRAULO KA PALA EH?!" Akmang susugod na si Aldrich pero humarang naman agad sila Terrence dito.

"Steven! Hayaan mo na kasi-" napalingon pa ko dito kay Aaron dahil sumali pa ito sa usapan.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon