LSS Series #1 - 19

940 66 19
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Anong kailangan mo??"

Tinapon ni Steven ang kanyang sigarilyo at tsaka humarap sa'kin. "Bilisan mo bago ako mainip. Ano kailangan mo."

Agad kong dineretso si Steven tungkol kay Aileen. "Kamusta si Aileen?"

Halata sa mukha niya na pilit nitong iniiwasan ang tanong ko. "Alam kong may balita ka pa sa kanya lalo na't noong nakaraan magkasama kayo. May dala pa nga kayong mga gamit eh..."

Tumingin sa'kin si Steven ng seryoso at inaantay ko ang sagot nito sa'kin.

"Steven? Kausapin mo naman ako-" pakiusap ko sa kanya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, Tyler." Utal niyang depensa sa'kin.

"Ba't ba ang hirap mong sabihin sa'kin kung kamusta na si Aileen?! Kaibigan ko din naman si Aileen eh!" inis na tanong ko kay Steven.

"Bakit Tyler?! Kapag sinabi ko ba 'yung sitwasyon niya sa'yo, matutulungan mo ba siya?! Matutulungan mo ba kami?! HAAA?! SAAGOT!" medyo natakot ako kay Steven dahil kita mo sa emosyon niya na pagod at ayaw niya itong pag-usapan.

"Hangga't sa makakaya ko, tutulungan ko ang kaibigan ko... Basta sabihin mo lang kung kamusta na siya at anong nangyari sa kanya...." Mainahon kong sagot kay Steven.

Umaasa ako na makikita ko si Aileen ngayon dahil kumalma itong si Steven. "Tanga lang ang maniniwala sa'yo, Tyler. Alam kong pag nalaman mo ang nangyari kay Aileen, ipagkakalat mo ito dahil malaki ang kasalanan ni Aileen sa'yo..."

Tinulak ako ni Steven para lumayo ng onti sa kanya at akmang sasakay na ito sa kotse niya pero napahinto ito dahil kay Leslie.

"Bakit ayaw mong sabihin? Dahil buntis si Aileen? Tapos ikaw ang ama?" napadilat ako ng mata nang marinig ko si Leslie.

Dahan-dahan lumingon si Steven sa'min at sinamaan ng tingin si Leslie. "Ang galing mo din gumawa ng kwento eh 'noh?!"

"Malakas ang kutob ko na buntis si Aileen. Naalala mo 'yung  nagpa-party siya nung bandang October? Tapos nung November inamin niya sa'min nila Cherry at Apple bago pa nila ako traydurin, na hindi pa siya dinadatnan noon. At ang isa pa, inamin niyang may nangyari sa inyo nung gabing 'yun." Napatingin ako kay Steven para marinig ang depensa niya.

Pero hindi ito nakapagsalita at kinakabahan ako dahil ramdam ko na totoo ang sinasabi ni Leslie.

"Alam mo ang galing mong gumawa ng kwento-" susugurin sana ni Steven si Leslie para kwelyuhan si Leslie pero humarang ako agad at sinamaan ng tingin si Steven kaya umatras ito.

"Kung hindi totoo ang sinasabi ni Leslie, bakit ka ganyan apektado sa mga sinasabi niya?" masinsinang tanong ko kay Steven.

"Ewan ko ba kung bakit ko pa kayo binigyan ng oras eh kung gagaguhin niyo lang din pala ako....." Unti-unting lumapit si Steven sa'kin at tsaka madiin na tinuturo ang ulo ko.

"WALA AKONG DAPAT SABIHIN SA'YO. NAINTINDIHAN MO BA?! WALA AKONG A-" Hindi natapos ni Steven ang kanyang sasabihin nang makita kong may sumapak sa kanya.

"TANGINA MO! INAANO KA BA NI TY HA!?" nabigla kami ni Leslie na si Aldrich pala ang sumugod kay Leslie.

Agad kaming tumulong ni Leslie na paghiwalayin ang dalawa. "Aldrich! Steven! Tama na yan!

"Bogs!!!" biglang dumating sila Kean, Anna, at Andrea na tumulong din paghiwalayin ang dalawa.

Hinatak na namin palayo ni Leslie si Steven habang sila Kean ay hawak si Aldrich na gusto pa ring sumugod. "Tangina mo talaga eh 'noh?! Mayabang ka masyado!"

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon