Chapter 13
From: Mr. Creepy stalker
You may not see me nor feel me but always remember that I’m always around here for you. – Air
Rise and shine, Jane! :)
Yan lang naman ang bungad sakin magkabukas ko ng cell phone ko kaninang umaga. Feeling ko pa nga natypo sya sa text sakin. dapat ata ay palitan yung air ng mr. creepy stalker coz it’s perfectly suits him.
Hindi ko alam kung ano ang nakain nya o nilaklak nya at biglang isang araw ay bumabanat na lang sya bigla. It’s like another person is texting me, o sanay lang ata talaga ako sa mga simpleng text message nya sakin. Maybe this is another side of him. I wonder what are his other personalities.
Gosh, JANINE! What did you just said!? You‘re starting to get curious about him! and that is a bad sign! Akala ko ba hindi mo sya papansinin? na hahayaan mo lang syang magtext ng magtext sayo pero hindi ka na magrereply? And why I have this feeling na kakainin ko ulit lahat ng sinabi ko?
“JANINE!” sigaw sakin ni carol habang nagmamadaling pumasok sa classroom at lumapit sakin.
“Bakit pawis na pawis ka?” takang tanong ko sa kanya. Feeling ko ay tumakbo sya dahil hinahabol parin nya ang kanyang hininga habang pinupunasan ang ilang tumutulong pawis sa kanyang noo.
“Nagmamadali kasi akong puntahan ka.” hingal na sabi nya.
“Ha? ano bang problema?” tanong ko sa kanya.
“Narinig ko kasing yung dalawang babae nag-uusap sa cr kanina…” so chika pala yung tinakbo nya. Umiiral na naman ang pagkachismosa ni carol.
“At IKAW lang naman ang topic nila!” pagtutuloy nya. ako lang naman pala ang topic nila… Wait, WHAT! I always keep my profil low para hindi mapag-usapan pero ano tong naririnig ko? ano ang ginawa ko para pagusapan nila? I can’t remember anything na pwedeng pagusapan nila tungkol sa akin.
“Anong meron sakin?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Well kumakalat lang naman sa buong campus na baliw na baliw ka kay mark.” WHAAAT! ako? baliw kay mark? Gosh! ni wala nga sya sa kaling-kingan ng ideal man ko. Paanong mababaliw ako sa kanya.
“Hindi naman totoo yan!” at never na magkakatotoo yan! as in capital N E V E R! NEVAH!
“well I think you need to clear things up lalo na sa mga avid fans ni mark! You know they get wild lalo na nung nalaman nilang tinanggihan mo daw si mark.” sabi nya sakin. Madami pa syang naging tanong lalo na dun sa part na tinanggihan ko si mark pero dahil masyadong occupied ang isip ko ngayon ay hindi ko na sya sinagot at kinuha ko na lang ang gamit ko at lumabas kaagad ng classroom.
Tama nga si carol mukhang kalat na nga ang balita dahil pagkalabas ko pa lang ng classroom ay may iilan-ilan ng ngang tumitingin sakin at nagbubulungan.
“So looks who’s here?” biglang harang sakin ng isa sa mga kabarkada ni mark.
“Ang babaeng malandi!” sabi pa ng isa sa kanila at pinalibutan nila akong barkada.
“tatanggi-tangi pa yun naman pala ay may gusto din naman pala. Ang landi landi lang!”
I have this feeling na isa sa kanila ang nagpakalat ng may gusto ako kay mark o pwede din si mark mismo ang nagpakalat dahil masyado ko atang natapakan ang ego nya. Pero grabe lang ha hindi lang maka-move on! Ang tagal-tagal na nun! I think it was almost a month ago!
“Excuse me!” mahinahong sabi ko sa kanila. Pero hindi parin sila umalis sa daraanan ko.
“Wag kang bastos! kitang kinakausap ka pa namin.”
“I don’t have time with you and your nonsense acts. So please get out of my way!” mahinahong sabi ko sa kanila. Okay Janine! stay cool and calm! You’re too stressed out already don’t let them add on it.
“Hoy wag mo nga kaming ini-english! Malandi na nga ang arte arte pa!” konti na lang talaga, konting konti na lang! mapapatulan ko na ang mga ito!
“Wag ka nag magpanggap na mabait! Ilabas mo na yang baho mo! FLIRT!” sigaw ng isa sa kanila sakin at akmang sasaplain ko!
Mabilis kong sinalo ang kamay nya sa mahigpit na hinawakan iyon at marahas na binitawan!
“For once could you please stop bugging and wasting may time! at wag nyo akong igagaya sa inyo! Hindi ako katulad nyo na baliw na baliw kay mark up to the point na kailangan pang manira ng ibang tao para lang mapansin ng lalaki! Desperate bitch!” okay I’m full! pasalamat na lang sila at hindi ako nananakit ng mga hayop!
Nakakainis! I keep my profil low na nga para i-was sa gulo dahil hindi ko forte ang pakikipag-away at lalong ayokong pinag-uusapan sa campus. Pero hindi naman porket ayaw ko ng gulo ay hahayaan ko na lang apihin-apihin na lang ako. I know my rights! at hindi ko sila hahayaang apak apakan lang ako! I know when to fight, and I think this is a perfect time to fight!
Pero even how strong I want to be ay hindi ko parin mapigilang maluha. Tao din naman ako at isang babae din. I’m also fragile like any other girls and I do also have rights to cry when I’m hurt.
Lahat kasi ng nadadaan ko ay may tumitingin at nagbubulungan na alam ko naman na tungkol sa akin yun. Tahimik ang naging tatlong taon ko dito sa kolehiyo at gusto kong i-maintain iyon hanggang makagraduate ako pero mukhang hindi na iyon mangyayari. Thanks to mark and to his so called “friends”
I am in the bridge of crying because of too much frustration when I feel my cellphone vibrated in my pocket
From: Mr. Creepy Stalker
If people are talking behind your back, be happy that you are the one in front.
Smile, Jane. Don’t give them their satisfaction.
---------------------------------<3
#16daysnalang :)