chapter 1
Nandito ako ngayon sa usual na tambayan ko sa campus, sa canteen. At gaya ng dati nandito ako sa favorite spot ko sa may sulok ng canteen at solo flight lang ulit ako. Don't get me wrong my mga friends naman ako pero madalas gusto ko mag-isa lang ako, ng alone time.
3 hours break namin ngayon at nauubusan na ako ng gagawin. Nagawa ko na lahat ng mga assignments ko at nakapagadvance reading na din ako para sa next subject namin.at dahil super bored na ako dito, nilabas ko na lang ang cellphone ko para makapaglaro.
Kalalabas ko lang ng cellphone ko ng bigla kong naalala na malapit na pala ang cut-off ng unli ko kaya imbes na maglaro susulitin ko na lang ang unli ko.
Naghahanap ako sa contact ko kung sino ang pwede kong makausap ng may bigla akong naisip na kalokohan. What if mag-embento na lang ako ng number?
Pero imbes na magpipindot ng kung ano-anong number, naisip ko na mas maganda at exciting kung ang mga number na gagamitin ko ay ang unang makikita o maririnig ko.
Pinarehas ko muna ang unang apat na number sa cellphone number ko para masiguro kung hindi mauubos ang load ko. pang tm at globe lang kasi ang unli text ko.
To: 0916
Timingin-tingin naman ako sa paligid para makapagsimula na akong makahanap ng number.
Bigla naman napadako ang mata ko sa lalaking kumakain sa lamesa sa harapan ko ngayon. nakatalikod sya sakin at tangin nakikita ko lang ay ang likod ng suot nyang jersey na may nakasulat na number 25 sa likod. Dali-dali ko naman dinuktong ang number na yun.
To: 091625
Habang patuloy patin akong naghahanap ng mga number bigla ko naman narinig ang nasa katabi kong lamesa na tinatawag ang kamabal nyang kaibigan na kararating lang.
"FOURTH! FIFTH! DITO!" sigaw nya na ikinangiti ko. 3 more to go.
To: 09162545
Bigla naman akong naexcite na mabuo ang 11 numbers, kaya mas lalo kung iginala ang paningin ko sa buong canteen.
Napatigil naman ang mata ko sa isa sa mga booth dito sa loob ng canteen namin.
99 happiness' burger
To: 0916254599
Isa na lang! saan ko naman kaya makikita ang huling number na yun?
Sinagot naman kaagad mga katanungan ko ng may biglang isang kumpulan ng mga istudyante na maingay na pumasok sa loob ng canteen.
"grabe ang hirap ng exam sa accounting!"
"super! Nadrain nga ata ng utak ko!"
"nakakainis bagsak na naman ako! 2 lang ang sigurado dun sa exam." Naiiyak na sabi ng isa.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa narinig ko hindi dahil bagsak sya ngunit dahil sa number na nabanggit nya. The last number I need! Number 2!
To: 09162545992
Sa wakas nabuo ko din!
To: 09162545992
Hi! :)
Erase..erase..erase.. too common
To: 09162545992
Helowz phozs! :)
Erase..erase..erase.. masyadong jejemon
To: 09162545992