chapter 9

153 3 1
                                    

time check muna: 12:20 a.m. Dec. 25,2014!

MERRY CHIRSTMAS EVERYONE!

                        AND 

HAPPY BIRTHDAY PAPA GOD!

-----------------------------------------------<3

Chapter 9

natapos ang na ang klase namin pero feeling ko ay namumula pa din ang pisngi ko lalo na pag naiisip ko ang lalaking nakita ko sa may pintuan kanina. Sya na kaya yun?

“Tara na carol labas na tayo!” rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni carol habang inaayos ko ng gamit ko.

“Hindi una na kayo sabay kami ngayon ni Janine uuwi.” sagot nya sa kanila.  Napatigil naman ako sa pag-aayos ng marinig ko ang pangalan ko sa usapan nila.

“May napag-usapan ba tayo na sabay tayong uuwi?” takang tanong ko sa kanya. Pero wala naman akong matandaan na usapan namin na ganun ahhh, ano na naman ang kailangan nito sakin?

“OO MERON!” nangdidilat na sagot nya sakin na kulang na lang ay lumabas na ng tuluyan ang mga eyeballs nya sa sobrang dilat.

“Ahh ganun ba, sige una na kami Carol at Janine!” naka-ngiting sabi nila samin at nag-silabasan na sa classroom.

Pag-kalabas na pag-kalabas pa lang nila sa classroom ay biglang kinuha ni carol ang bag ko at hinila ako papalabas.

 

“Hoy carol anong nangyayari sayo! at saan mo ako dadalhin?” takang tanong ko sa kanya habang sinasabayan ang lakad nya para hindi ako makaladkad.

Bumagal ang kanyang lakad at inabot sakin ang bag ko.

“Hoy ikaw Janine ha! Hindi ka na makakatakas sakin!” sabi nya sakin.

“Ha? Anong namang ginawa ko sa’yo?” Kung makapagsalita kasi sya parang may napakalaking atraso ako sa kanya.

“Sino yan tinatago mong boyfriend ha!?” nagulat naman ako sa biglaang tanong nya sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.

 

“Anong boyfriend? Saan mo naman napulot yan ha?” gulat na tanong nya.

“Tatanggi pa, huling-huli na nga!” saway nya sakin.

 

“Bakit may nakita ka bang kasama ko na lalaki!?” nakapaymawang na tanong ko sa kanya. Siguro naman ako na wala syang nakita kasi wala naman talaga akong nakasama na lalaki.

 

“Wala ka ngang kasamang lalaki, may katext ka namang lalaki!” nakangising sagot nya sakin. Gosh! umiiral na naman ang pagiging observant nya.

11 numbers of my DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon