chapter 11

117 2 3
                                    

Chapter 11

Hindi pa ako nakakarecover sa text nya sakin ng biglang mag vibrate ang hawak kong cellphone. Not just an ordinary vibration, it’s a longer vibration this time which means may tumatawag sakin.

Nanlaki naman ang mata ko kasabay ng pagkalaglag ng panga ko ng makita ko sino ang tumatawag sakin.

Mr. Creepy Stalker calling…

Holy cow! Seryoso sya na tatawagan nya ako!

Sa sobrang gulat ko ay nawala sa isipan ko na tumatawag nga pala sya kaya sa sobrang tagal ay naging missed call nalang iyon.

Gosh! di ko nasagot sa sobrang shock!tatawag naman siguro ulit yun.

one minute has passed then another minutes then namuti na ang mata ko ay wala paring syang tawag o kahit text man lang!

Ano yun? joke lang!? napindot lang!? trial!?

Gosh! Paasa much lang! at ako naman si tanga ay umasa din naman.

I admitted at first na shocked talaga ako sa biglang pagtawag nya, but there’s still a part of me na excited na marinig ang boses nya. Kaya ito ako ngayon disappointed! Gosh! I shouldn’t feel this! This is so wrong!

Sa sobrang inis ko ay padabog na tinago sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko at binuhos ang natitirang araw sa pagtulong kay mama sa mga gawaing bahay. Nagtaka pa nga sya dahil ang alam nya ay madami pa akong kailangan gawin para sa school pero sinabi ko na lang sa kanya na bukas ko na lang iyon tatapusin.

Sa sobrang busy ko sa pagtulong sa mga gawaing bahay ay knock-out kaagad ako pagkahiga ko sa kama.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga kaming sumisimba tuwing linggo. Nakagawian na ng pamilya namin na pumunta sa simbahan tuwing linggo at pagkatapos ng misa ay kakain kami sa labas. Sunday is a family time for us.  

Tanghali na ng makauwi kami nina mama at papa sa bahay at gaya ng sinabi ko kay mama ay tinuloy ko ang mga assignments na hindi ko na tapos kahapon.

Patapos na ako sa mga assignment ko ng biglang napahikab ako. Gosh! nakakadrain ng utak ng mga assignment ko sa accounting! Konting-konti na lang at mag-shushut down na ang utak ko! buti na lang at isa na lang at tapos na ako.

Pagkatapos kong sagutan lahat ng assignment ko ay dumiretso na kaagad ako sa kama ko para makapagpahinga. My brain really need a break para kusang magshut down na ito paghindi ko pinahinga. Pero kakapikit pa lang ng mga mata ko ay biglang may magvibrate sa unan ko at sa sobrang gulat ko ay napatayo ako sa kama.

Gosh! hindi naman ako uminom ng kape bakit ang nerbyosa ko?

Bumalik ako sa kama at bigla kong naalala ang cellphone ko. Oo nga pala nilagay ko iyon sa ilalim ng unan ko.

11 numbers of my DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon