Chapter 5
"Janine! Gising na tanghali ka na!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Napabangon agad ako sa kama at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong oras na.
6:40 a.m. at 7:00 a.m. ang unang klase ko ngayon! maliligo pa ako, bya-byahe pa! anong oras pa ako makakapasok nito! May exam pa naman ako! Gosh!
"GOSH! Bakit ngayon nyo lang ako ginising ma!" inis na sabi ko habang naghahanap ng towel.
"Kamalayan kong tulog ka pa! Bilisan mo dyan at late ka na talaga sa klase mo!" rinig ko pang sabi ni mama bago ako makapasok sa banyo.
Mabilis akong natapos maligo, kung ligo nga ba ang tawag sa ginawa ko. Pero deadma na lang sa pabango na lang ako maliligo ngayon kasya malate naman ako ng tuluyan.
Dumaan naman muna ako sa kusina para magpaalam kay mama "Sige ma pasok na po ako!" sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.
"Kumain ka muna kahit kunti para may laman man lang yang tiyan mo!" sabi nya sakin.
"Wag na po ma late na po talaga ako, may exam pa naman ako ngayon!" mabilis na sagot ko sa kanya.
Pero nasa may pintuan na ako papalabas ng bahay ay biglang napatigil ako.
Wait parang may kulang!
"Oh akala ko ba late ka na ano pang tinutunga-nga mo dyan!?" rinig kong tanong sakin ni mama. Pero pilit ko pa ding iniisip kung ano yung kulang sakin ngayon.
Parang may kulang talaga!
Id? Check, meron.
Wallet? Nasa busa ko naman.
Book? Sinilip ko ang bag ko kumpleto naman.
E ano yung kulang? meron talaga!
Gosh! Alam ko na!
Cellphone!
cellphone ko naiwan ko sa may lamesa sa kwarto ko. Yun ang kulang sakin!
"Oh saan ka papunta? May naiwan ka ba?" rinig ko pang tanong sakin ni mama habang patakbo akong bumalik sa kwarto ko.
Nakita ko naman ang cellphone ko sa lamesa na gumagalaw dahil nagvivibrate ito.
1 new message from Mr. Creepy Stalker
From: Mr. Creepy stalker
Sleepyhead you're already late. Better hurry up, your prof is already inside your room.Gosh! Late na talaga ako! Sana hindi pa sya nagpapaexam, hindi pa naman yun napapakuha ng exam sa mga latecomers.
Halos liparin ko na ang daan makarating lang sa clasroom namin.
"Good morning po Ma'am Dalangin." hingal na sabi ko sa prof namin pagkapasok sa room.
"Your right on time Miss Martinez. Please take your sit para makapagsimula na kayo ng magexam." Right on time? e halos 30 minutes na late na ako ha! Anong nakain nito kaninang umaga? Pinakayaw pa naman nya ay ang mga late, tapos ngayon nginitian lang nya ako? end of the world na ba?
"Prepare one whole sheet of paper class." sabi samin ni ma'am habang inaayos ang gamit nya sa lamesa.
"Uy Carol pahinging papel." kulbit ko sa katabi kong si carol.
"Oh! Grabe ang swerte mo at naabutan mong good mood si ma'am." mahinang bulong sakin ni carol habang inaabot sakin ang isang pirasong papel.
"Oo nga mukhang good mood nga sya ngayon at nya hindi ako sinigawan kanina." mahinang sagot ko sa kanya at sinumulan ng lagyan ng pangalan ko ang papel.
"Pasalamat ka dun sa gwapong kumausap kay ma'am." sabi sakin ni carol habang nagsusulat din sa papel nya.
Bigla ko namang nababa ang ballpen ko, Bakit I have this feeling na si Mr. creepy stalker yung kumausap kay ma'am? Oh masyadong feeler lang ako?
"Kilala mo ba yung kumausap kay ma'am?" tanong ko sa kanya. Sa sobrang curious ko ay hindi ko namalayan na napalakas na pala ang boses ko buti na nga lang at hindi iyun narinig ni ma'am.
"Ito naman nakarinig lang ng gwapo gising na kaagad ang diwa!" asar nya sakin.
"Kilala mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi, Hindi ko kasi masyadong na mukhaan dahil pagkakita pa lang sa kanya ni ma'am ay lumabas na kaagad sya, ang tagal nga nilang nag-usap sa labas." sagot nya sakin.
"E paano mo nasabing gwapo?" takang tanong ko sa kanya.
"Okay get one and pass." sabi ni ma'am habang namimigay ng test paper sa unahan.
kinuha nya ang papel na inabot sa kanya ng nasa unahan nya at pagkatapos kumuha ng isa ay pinasa na iyun sa likod nya, ganun din ang ginawa ko.
"Uy paano?" mahinang tanong ko ulit sa kanya.
"Instinct, Janine.Instinct. Alam mo namang malakas ang pang-amoy ko sa mga gwapo!" natatawang sagot nya at sinumulan ng sagutin ang exam namin.
Samantalang ako, ay palihim na kinuha ang cellphone ko sa bag.
1 new message from Mr. Creepy stalker.
Hindi ko alam pero may nagtutulak sakin na buksan ko yung text message nya ngayon kahit pwede namang mamaya na lang pagkatapos ng exam.
From: Mr.creepy stalker.
You're just right on time buti na lang at madaling madistract si Ma'am Dalangin. Good luck sa exam, Jane.