Chapter 4
From: Mr. Creepy stalker
Hi Jane!From: Mr. Creepy stalker
Good morning Jane! :)From: Mr. Creepy stalker
Ingat sa pag-uwi Jane! :)From: Mr. Creepy stalker
Good night Jane! sweet dreams!Yan lang naman ang ilan sa mga text message na natatanggap ko mula sa kanya nitong nakalipas na isang linggo. Actually sya na nga lang halos ang laman ng inbox ko.
My isang salita akong tao kaya ni-isa sa text message nya ay hindi ko nirereplyan. Pero in fairness sa kanya ha, walang mintis ang pagtetext nya sakin mula umaga, tanggali hanggang gabi meron at everyday yan ha, wag ka! consistent ang ating creepy stalker.
Habang naglalakad ako sa hallway papapunta sa room ko ay biglang nagvibrate ang cellphone. Dali-dali ko naman iyong kunuha.
1 new message from Mr. creepy stalker
Bigla namang akong napangiti sa nakita ko. Don't get me wrong ha! I'm not smiling because he texted, I'm smiling because every day at exact time and place ay nakakatanggap ako sa kanya ng same text message.
From: Creepy stalker
Good morning Jane! :)I already put a name for him na pala sa contact list ko, at first I thought of having Mr. Creeper as his name but then I realize na mas appropriate sa kanya ang Mr. creepy stalker.
Nasa may pintuan na ako ng classroom namin ng biglang nagvibrate ulit ang phone ko kaya tiningnan ko muna iyon bago pumasok.
From: Mr. Creepy stalker
By the way, smiles really suit you! So keep on wearing it!Pero sa totoo lang hindi na naman talaga sya creepy e, kahit alam kong nasa paligid ko lang sya at nakikita lahat ang galaw ko. I think he's a nice guy, well I guess since wala pa naman nangyayaring masama sakin hanggang ngayon. At syaka base on his text message he's a sweet, kind and protective guy.
"Good morning class!" bati samin ng professor namin ng makapasok ito.
Mabilis lumipas ang oras hanggang di ko namamalayan na tapos na pala ang klase namin. "Okay class dismiss!"
"Janine punta kaming bayan ngayon, Sama ka!" masayang aya sakin ng isa sa mga kaklase ko.
"Next time na lang carol!" ito lagi ang scenario namin, aayain nila ako at tatanggihan ko naman kaagad sila. It's just that I'm not a friendly person. I like it more to be alone.
"Yan naman ang lagi mong sinasabi Janine!" sabi ng katabi ni carol na si Lea, kaklase ko din.
"Alam nyo namang hindi ako mahilig sa ganyan, kaya kayo na lang." nakangiting sagot ko sa kanila.
"Sure ka Janine hindi ka sasama?" tanong ulit nila sakin.
"Yup! Ayos lang talaga." nakangiting sagot ko ulit sa kanila.
Nag mamadaling naglakad ako papuntang hallway dahil gaya kaninang umaga tuwing uwian ko na ay nakakatanggap ulit ako ng text message galing sa kanya. I think it became his ritual to text me every time I pass this hallway.
Pero bago ako makarating sa hallway ay nakasalubong ko si Mark kasama ang mga kabarkada nya.
Wala naman talaga akong balak na pansinin sila lalo na si Mark kaso nga lang hinarangan ng dalawa sa kabarkada nyang babae ang daraanan ko.
"So ikaw pala si Janine?" taas na kilay na tanong nya sakin.
"Yup that's me and you're blocking my way." kalmadong sagot ko sa kanya. I not going to their level kaya hindi ko sila papatulan.
Hindi parin sila umaalis sa pwesto nila kaya ako na lang ang gumawa ng paraan para makalusot sa kanila.
Successful naman akong nakalusot pero mabilis namang nahila ng isa sa mga babaeng nakaharang sakin kanina ang braso ko kaya napatinggin ulit ako sa kanila.
"Wag ka ngan bastos! kinang kinakausap ka pa namin!" galit sa utas nya sakin.
"Anong bang kailangan nyo!" inis na tanong ko sa kanila habang inaagaw ang braso ko sa babaeng nakahawak dito.
"Ikaw! Ang kapal lang ng mukha mong tanggihan si Mark! Sino ka ba sa inaakala mo ha" sabi sakin ng isa sa kaibigan nya.
"Sya na nga ang lumapit sayo! Tapos tinggihan mo lang!Ang tanga mo lang!" sabi pa ng isa sa kanila sakin.
"Sinabi ko ba sa kanya na lapitan ako! Hindi di'ba kasi kusa syang lumapit! Walang pumipilit sa kanya!" galit na sagot ko sa kanila. Natahimik naman silang lahat. Good! buti alam nilang mali sila at tama ako!
"At ikaw naman Mark, I'm sorry kung natapakan ko ang pride mo pero hindi ko naman kasalan na nabasa ako kahapon. Sa susunod dyan ka na lang sa mga kulang na tela mong kaibigan ikaw magpasama mukhang mas kailangan nila yun kaysa sakin!" inis na sabi ko sa kanila.
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at tinalikudan ko na sila. I had enough of them masyado na nilang nasira ang magandang araw ko.
Sa sobrang inis ko sa kanila ay nawala na ang kaninang exciment kong dumaan dito sa hallway dahil sa ngayon ang gusto ko lang ay umuwi na sa bahay, malayo sa mga impaktong iyon.
Hanggang nakauwi ako sa bahay namin ay dala dala ko pa din ang inis ko kinana mark! Aghh! ang kapal lang ng mukha nilang abangan ako para lang sabihin na tanga ako sa pagiwan kay mark!
Pabagsak kong tinapon ang bag ko sa kama ko pagkapasok ko pa lang sa kwarto. At dahil hindi pala ganun kasirado ang bag ko ay natapon ang iilan sa mga gamit ko sa kama ko, isa na dun ay ang aking cellphone.
Dali-dali ko namang dinamput iyon.
2 new messages from Mr. Creepy stalker
From: Mr. Creepy stalker
How's your day Jane? You look stressed kanina. May problema ba?From: Mr. Creepy stalker
Care to tell? I'm a good listener and advisor too sometimes.Wala sa sarili ay nagsimula na akong pagpipindot sa cellphone ko hanggang pamansin kong kwenikwento ko na pala ang nangyari sakin kanina.
TO: Mr. Creepy stalker
Si Mark kasi nakakabwusit! Sinugod ako pati ng kanyang mga kabarkada! Sinabihan ba naman akong TANGA! Nakakabwusit! Nasira tuloy ang araw ko.konting-konti na lang ay mapipindot ko na ang send button ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Knock...knock...knock...
"Janine anak?" tanong sakin ni mama habang dahan-dahan pumapasok sa kwarto ko.
"Bakit po ma?" tanong ko sa kanya.
"May merienda akong ginawa sa baba, bumaba ka muna para makakain." aya nya sakin.
"Sige po ma baba na ako, magbibihis lang po muna ako." sagot ko sa kanya. Agad din namang syang lumabas sa kwarto ko at sinirado ulit yun.
Mula sa kakasirado lang na pintuan ay napadako ang mata ko sa cellphone na hawak-hawak ko ngayon. Naroon parin ang text message ko para kay Mr. Creepy stalker at naghihintay na lang na isend ko.
Makalipas ang ilang minuto sa pagtitig dito ay duon ko lang na-realize kong ano ang ginagawa ko.
Gosh! Muntikan ko syang mareplyan! nasaan na ang isang salita sinasabi ko kanina! Thank you talaga kay mama sa unintentionally pagpigil sakin! kung hindi siguro sya dumating ay nasend ko na yun sa kay Mr. creepy stalker. Whoo! Muntikan na ako dun!
But my hands is still really itchy to text him! Bakit kasi ayaw nyang magpakilala!