Mahal ko o Mahal ako?
Napapanahon naman ang ganitong usapin. Matagal na itong usap usapan. Siguro ikaw, kahit nung bat aka pa, naranasan mo na ding matanong nang ganto:
"Sinong pipiliin mo, yung taong mahal mo o yung taong nagmamahal sayo?"
Diba diba? Kahit yata elementary alam yan! Kasi merong ganyang mga tanong sa Slumbook o SlumNote o SlumNotebook. Basta may Slum! Hehe. Tapos lalo pang nangibabaw ang ganyang katanungan sa masa ngayon dahil sa kantang iyan ni Kz Tandingan. Kung di mo siya kilala, isearch mo na lang sa Google kasi wala kong time ipaliwanag kung sino siya.
I-try lang natin pagtagpi-tagpiin at intindihin ang bawat linyang nasa kanta. Para naman hindi mo lang basta kinakanta, dapat nauunawaan mo din.
Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Pano kung sayo mangyayari yan? Anong gagawin mo? Mahihirapan ka bang magdecide kung sinong pipilin mo? Pano kung dumating sa point na kailangan mo na talagang mamili? Pipiliin mob a yung isa o yung isa? Kasi hindi mo sila pwedeng pagsabayin dahil pareho lang silang masasaktan pag nagkataon. O kaya naman may possibilities na pwedeng parehong mawala ang taong yan sa buhay mo. Kakayanin mo kaya? Baka mapaisip ka na lang bigla. Baka sabihin mong nagkamali ka nang desisyon. Nandyan na nga yung parehong opportunity, mamimili ka na lang kung sino ba talaga.
Yung mahal mo o nagmamahal sayo?
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais
At siya'y narito
Alay sa ki'y wagas na pag-ibig
Opportunity nga ba yung isa? Kung pipiliin mo yung taong mahal mo? Siguro masasabi nating hindi kasi ikaw lang naman ang nagmamahal sa kanya. One sided love nga lang ang mangyayari. Pero opportunity padin yun kasi binibigyan ka nang pagkakataon na gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. At syempre kung san siya masaya, for sure na masaya ka din. Pag sinabi mo kasing opportunity hindi lng pagkakataon para makilala siya, kundi pagkakataon para makasama siya at higit sa lahat, pagkakataon para mapakita sa kanyang mahal mo siya.
Pero hanggang kalian ka kaya magtitiis? Hanggang saan? Hanggang kalian ka maghihintay? Ptuloy ka lang na aasa. Aasa sa wala. Swerte mo kung meron! Pero pano kung wala? Habang buhay ka na lang mangungulila sa pagmamahal niya. Hindi naman siya pwedeng papiliin dahil wala kang karapatan. At kung may pipiliin man siya, gaya nang ginawa mo, pipiliin niya kung sino yung taong mahal niya. Madalas kasi, nagbibigay tayo nang pagamahal sa tao, at umaasa tayong susuklian nila ito. Kaya kung gaano kalalim ang pag-asang binibigay natin, ganon din kalalim ang sugat kapag nasaktan tayo at umuwing luhaan dahil wala lang tayong napala. Lahat nang pagod, hirap at sakripisyo na binigay mo, sayang lang. kung hindi ka naman mahal nang taong mahal mo.
At kung sadyang sya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin sya
Umaasa kang mamahalin ka nang taong mahal mo? Kelan pa yun? Baka nga mamaya tinubuan ka na nang putting buhok, hindi ka padin mahal nang mahal mo. O di kaya naman kapag pumuti na ang uwak at lumipad na ang isda. Haha. Masyadong nega. Posible naman na mahalin ka din nang taong mahal mo kung marerealize niyang mahal ka din niya. Kasi kung hindi, baka piliin ka lang niya kasi no choice na. Ikaw ang last option kasi wala na yung mga taong gusto niya din mahalin.
Ehh bakit ba kasi pinagsisiksikan mo yung sarili mo sa taong mahal mo? Ano ka SARDINAS? Tandaan mo, sardinas lang ang nagsusumiksik sa lata. Hindi ka din aso. Wag mong ugaliing maghabol sa taong hindi naman lalapit pabalik sayo. Tandaan mo yan ha? TAO ka! TAO!!! Cpaslock yan para dama mo! Kung bakit ba kasi hindi natin napapansin yung taong mahal natin? Nandyan naman sila para satin. Laging nagmamasid. Laging nakikiramdam. Laging nandyan pag kailangan mo nang tulong. O kahit pa nga walang tulong, nanandyan padin. Para silang kabute na tutubo at susulpot na lang sa tabi mo pag malungkot ka at kailangan mo nang kasama. Hindi mo din naman sila napapansin kapag masaya ka diba?
Tsk tsk tsk!
Ang hirap talagang magmahal nu?
Lalo na kapag alam mong HINDI KA MAHAL.
At lalo na kapag may nagmamahal sayo.. PERO HINDI MO MAHAL!
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya bang kumakatok sa puso ko
Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
So sino na nga bang pipiliin mo? Nakapagdecide ka na ba?
Ang hirap diba? Para kang napapagitnaan nang naguumpugang bato. Teka? Yun nga ba? SAyy hindi din pala! Kasi hindi ka naman nila pinagaagawan. Siguro kung mahal ka pareho. Mas okay yatang sabihin kung.. Para kang kumuha nang batong ipupukpok sa ulo mo. Kasi hanggang ngayon hindi mo parin alam kung anong isasagot sa napasimple lang naman na tanong.
Hindi ka na lang ba mamimili? Pwede! Wala na nga lang sila pareho. Sino ba kasi talaga ang dapat mong piliin? Yung taong matagal mo nang pinapangarap? (Pinapangarap mo na makasama hanggang pagtanda. Pinangarap mong kasama kapag kakain kayo sa labas, magde-date, tapos magpapalitan nang salitang "I LOVE YOU", tapos magbibiglang liko, tapos boooooom! CENSORED! Hindi "I LOVE YOU!" kundi "EFF YOU!" Alam mo na sigurong gusto kong ipin-point. Hindi pa tapos, pinangarap mong maging asawa, maging nanay o tatay nang magiging anak mo. Ang sarap sanang mangarap diba? Ang sarap sarap sanang pakinggan nang mga yan.. Kung may kalalagyan lang sana. Kaso NGANGA ka!) O yung taong nandyan naman para sayo? (Yung taong katok nang katok sa pintuan nang puso mo pero di mo pinagbubuksan. Kahit bintana yata hindi mo hinahayaang makasilip man lang. Yung taong hand aka naman ipaglaban sa lahat nang bagay pero binabalewala mo lang. Kasi nga hindi mo mahal. Kasi nga wala kang nararamdaman. Yung taong walang hinangad na mali para sayo. Gusto lang ay mapasaya ka sa abot nang makakaya niya. Yung taong kahit malapit nang mapagod dahil alam naman niyang walang pag-asa pero patuloy padin siya, patuloy padding humuhugot nang lakas sa kung saan mapagpatuloy lang ang laban na kanyang nasimulan.)
Ano bang mas dapat gamitin mo? Yung puso mo? O yung isip mo?
Sagot na dali!
BINABASA MO ANG
Pwede Pero Depende
RandomMahirap mamili di ba? Mahirap mag-decide. Para kang naiipit sa nag-uumpugang dalawang bato. Kaya kung ang isasagot mo lang sa bawat sitwasyon ay 'Depende'... Letse! Humanap ka ng kausap mo!